CHAPTER EIGHTEEN

902 45 12
                                    

" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

CHAPTER EIGHTEEN  - IT'S YOU AGAIN!

"Mga gunggong kayong lahat! Kayo ang taga dito naisahan pa kayo ng mga hindi ninyo kilala? Nasaan ang mga utak ninyo!?" Malakas na sigaw ng gobernador.

"Governor pasensiya ka na---"

"Anong pasensiya na? Hindi n'yo ba alam na halos isang milyon na ang bayad ng mga kahoy  na iyun ha! Idagdag pa ang nga drogang nakapailalim tapos ngayon pasensiya na lang ang sinasabi ninyo?" Umuusok pa rin sa galit ang ilong na wika ng mambabatas.

"Hindi kami umabot--"

Muli ay hindi pinatapos ng gobernador ang pagsasalita ng police, pinutol niya itong muli.

"Ilang ulit ko na kayong pinagbigyan! Ilang beses na rin akong nagbigay ng palugit, nakinig sa mga paliwanag ninyo pero anong nangyari? Wala hindi ba? Akala ko ba'y binilinan kayo ni mayor? O baka naman may sumasabutahe na sa mga lakad na ito? Paano nila nalaman ang tungkol sa kahoy? Sa droga? Sige nga sumagot kayo at muling magpaliwanag kung ano ang nangyayari?" Galit pa ring wika ng gobernador.

"Wala governor, wala kaming balak ipagkanulo Ng grupo dahil oras na ginawa namin iyan parang hinukay na rin namin ang aming mga sarili. Ang tungkol sa kahoy at droga wala kaming alam diyan gobernador, si mayor ang tanungin mo dahil binilinan niya kami." Agad na sagot ng isa, ang driver ng truck.

"Si hepe din ang tanungin mo diyan gobernador dahil rumisponde kami pero galing pa kami sa duty kay Calvin kaya gobernador wala kaming kaalam-alam tungkol sa sabotage issue na iyan." Segunda agad ng police, isa sa mga nakabantay kay matandang maliit.

Dahil sa paliwanag ng mga ito'y napahinto ang gobernador, amino'y nagkaroon ng idea.

"Sa binabantayan n'yo bang bahay ay nakakasigurado kayong walang nakakaalam sa pakay ninyo doon? Wala ba kayong pinagsasabihan ng whereabouts natin? O baka naman naiisahan na kayo ng taong nakatira doon?" Sunod-sunod na tanong ng governor.

"Wala naman governor, saka wala naman ni Calvin kanina sa apartment niya. Dumalo ng kasal kanina hindi lang namin alam kung nakauwi na ba o hindi dahil wala pa naman ng nag-off duty na kami." Maagap na sagot ng isa.

"Hmmm kung gano'n paano nangyari ang pagkahuli ng kahoy at droga? Kahit naman may check point na dalawa kung wala ang mga naka-bonete, ang mga nasa helicopter. Nakakapagtaka lang talaga. Humanda lang sa akin kung sino man may kagagawan niyan. Hindi lang basta-basta ang perang pinakawalan ko dito." This time ay mahina na ang tini ng gobernador hindi na kagaya ng naunang tanong nito na nakasigaw.

"Bossing hindi kaya may kinalaman sa politika ang nangyari? Kasal ng line up ni Congressman ang dinaluhan ni sir Calvin, sigurado din naman akong nandoon ang buong partido nila kaya alam kong may kinalaman ang kabilang grupo sa nangyari." Aniya nh isa.

Sa narinig ay napapitik sa eri ang mambabatas, para bang sigurado na sa kung sino man ang nasa isipan na may kagagawan sa pagkakahuli ng delivery nilang kahoy at droga sana.

"Tawagan mo si hepe or no don't just go to the headquarters and tell him to come over here because we need to talk. At kayong lahat lalo na kayong galing sa pinangyarihah ng kumusyon tawagan ninyo ang mga kasamahan n'yo at sabihing may meeting tayo. Bago lumaganap ang dilim kailangang mabawi na natin ang mga iyun. Maliwanag ba?" Utos at tanong nito.

"Maliwanag governor." They even answer in unison.

"Good! Now move, alam n'yo na kung saan ako matatagpuan sa meeting. Tell them don't be late." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis.

Nakahinga ng maluwag ang mga tauhan ng gobernador ng ito'y naka-alis na. Alam nilang lahat kung ano ang karampatang parusa para sa mga nagkakamali, either accidentally or not. Kaya laking pasasalamat nila ng umalis ito, kaya naman agad silang tumalima para gawin ang ipinag-uutos nito.

ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon