Monday With Him (One Shot) [Tao FF]

114 8 0
                                    

Monday nanaman at hinihintay ko nanaman siya kung saan kami unang nagkita, kung saan nangyari ang alala na inaakala kong kakalimutan ko pero hindi parang mas tumatak pa to sa isipan ko. Monday nun nung nangyari yun. Nasa dalampasigan lang ako nang mga oras na yun, nag break kasi kami nun nang boyfriend ko. Kaya naman dun ako nag drama hanggang sa may lumapit saking lalake.

Flashback

Umiiyak ako ngayon, pano ba naman kasi sino ba naman ang hindi iiyak kung yung taong nanligaw sayo nang apat na buwan at minahal mo. Tapos kakasagot mo pa lang may babae na agad, nakakainis. Hoy, para sa kaalaman niya crush ko LANG siya at hindi ko siya MAHAL. Umiiyak lang ako ngayon dahil trip ko lang wag siyang makapal ang mukha.

"Iyak ka nang iyak pero  wala siyang pakielam sayo."

Napatingin naman ako sa nag salita at nakita ko ang lalakeng hindi ko kilala na may eyebags.

"Pake mo? Bakit kilala ba kita ha?"

Inis na sabi ko at umiyak ulit, wala lang talaga to promise.

"Tsk, akala mo hindi mo siya mahal no?"

Tinignan ko naman siya ulit.

"Hindi ko kaya siya mahal, umiiyak lang  ako kasi trip ko lang."

Sabi ko naman sakanya, hindi ata talaga uso sakin ang salitang "Don't talk to stranger."

"Tsk, hindi raw niya mahal pero grabe kung makaiyak. Ang dami mo nang tissue na nagamit oh, napuno mo na nga yung basurahan dun oh."

Tinignan ko naman yung basurahan na pinagtatapunan ko nang tissue, at totoo nga sobrang puno na to. Bat di ko man lang napansin?

"UWAAAH, oo na mahal ko siya. P*t*ng*n* niya, akala ko pa naman mahal niya ako kasi ang tagal niyang nanligaw sakin yun pala pustahan lang nila ako. UWAAAAH, akala niya gwapo siya? Ha, makakahanap rin ako. Yung MAS gwapo sakanya."

Sabi ko at umiyak ulit.

"Para kang baliw."

Tinignan ko naman siya at inirapan, tumayo naman ako agad.

"Alam mo baliw nga ata ako."

Sabi ko naman sakanya.

"Buti alam mo."

Nakangising sabi niya sakin.

"Oo baliw na nga ata ako, kasi kinakausap ko ang isang panda na katulad mo."

Sabi ko sabay belat at takbo, baka mamaya patayin ako nun eh.

End of Flashback

Monday With Him (One Shot) [Tao FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon