Sungjae 44

66 3 0
                                    

~44~

Kimchi's Insight

"Yoboseyo?"Naku sana naman pumayag si manager Go.

("Oh! Hello! Kimchi nasan na ba kayo? Hindi raw kayo umuwi ni Sungjae kagabi ah. Anong nangyari?")

Omo! Patay hindi nga pala kami nakapag paalam. "Good morning manager Go. Pasensya na po nagkaroon lang ng emergency si ate kagabi at sinamahan ako ni maknae.."

("Ahh ganon ba.. Oh eh anong nangyari sa ate?? Maayos na ba siya??")

"Oo manager Go..okay naman na siya. Ayun nga sana magpapaalam ako kung pwede na sumama muna satin sa Seoul si ate..at kung hindi naman po nakakahiya eh makikituloy muna rin siya sa dorm natin. Pero hindi naman po siya pala labas ng bahay eh . Kaya wala po tayong problema sa kanya na may makakapansin na paparazzi.."

("Ganon ba? Osige ayos lang yan. Osya bilisan niyo ng bumalik dito at baka mahuli pa tayo sa flight mag papadagdag na lang ako ng isa pa para sa ate mo.")

Ngumiti ako kina ate at makane na naghihintay sa resulta. "Salamat oppa. Hehehe! Papunta na kami dyan."

Ibinaba ko na ang tawag. Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang talaga mabait si manager oppa.

"Tara na!"nakangiting aya ko kay ate.

Pag gising ko kasi kaninang umaga nakaempake na siya ng gamit niya. Desidido talagang sasama raw muna siya sakin papunta sa Seoul. 

Syempre masaya naman ako na makakasama ko siya. Kaso alam ko rin na brokenhearted na naman siya. Tsk.

"Yey! Sabi sayo noona papayag si Hyung eh. Mabait naman yun..tara na ako na magdadala niyang travelling bag mo."tapos nakita kong kinuha ni Sungjae yung bag ni ate.

Umakbay naman sakin si Ate.

"Jackpot ka sa boyfriend ha. Gwapo na mabait pa."

Bitubi, Sa Puso ni Sungjae (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon