Ala una na ng madaling araw pero dilat na dilat parin ang mga mata ni Day. Hindi siya mapirme habang hawak ang kanyang cellphone. Maya't maya niya itong tinitingnan nagbabakasakaling magparamdam na ang missing in action niyang long time boyfriend na si Valentine. Simula pa kasi kahapon na hindi siya neto kinocontact. Tinetext niya ito halos minu-minuto pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply mula rito. Tinatawagan niya rin ito pero kung hindi out of coverage ay nageend-call nalang ang kanyang tawag. Hindi naman sila nag-away kahapon at wala siyang maisip na dahilan na makakapagtampo dito upang hindi siya pansinin ng isang buong araw. Narinig na niyang tumilaok ang alagang manok ng kanilang kapit-bahay pero tahimik parin ang kanyang cellphone. Hanggang sa hindi na siya nakatiis, bumangon siya sa pagkakahiga at sinubukan ulit tawagan ang numero ng nobyo.Nabuhayan siya ng pag-asa nang magring na ulit ito sa wakas. "Please, pick it up Val. Please..." sambit niya sa kanyang cellphone, habang pinapanalangin sa kanyang isipan na sana sumagot na ito.
"Finally!" hiyaw niya sa excitement nang may marinig na ingay sa kabilang linya, senyales na sinagot na siya sa wakas ng nobyo. "Hey, babe.. what are you up to? Bakit hindi ka nagpaparamdam? May problema ba? Sobrang miss na kita," agad niyang sabi sa kabilang linya pero isang ungol lang ang sumagot sa kanya.
Kinabahan siya dahil doon. Parang hindi basta ungol lang iyong narinig niya. Iba ang kutob niya sa kung anong nangyayari sa kinaroroonan ngayon ng nobyo.
"Valentine," naisatinig niya ang pangalan ng nobyo tila nagbibigay ng babala na umayos ito at wag gumawa ng kung anong kalokohan. Pero isang ungol lang ulit ang sumagot sa kanya. This time, mas klaro na. Galing iyon sa boses ng babae. Sigurado siya! Imposibleng sa nobyo niya iyon kasi maliit ito.
Napatayo siya sa pagkadismaya at mas lalong bumigat ang pakiramdam. Hindi maaari ang naiisip niya. Paanong magagawa ito ng kanyang nobyo? Kaya ba hindi ito nagpaparamdam sa kanya kasi sa iba na ito naglalaan ng oras? Ngayon pa talaga ito magloloko sa kanya? Kung kailan maglilimang taon na sila at sa araw pa ng mga puso? Imbis na dapat magsaya silang dalawa ngayon ay ito ang kahahantungan ng relasyon nila?
Tumawa siya ng pagak at binaba nalang ang tawag.
Hayop na lalaking 'yon! Talagang ngayon niya pa naisipang gumawa ng kasalanan?! Bwiset siya! pagmamaktol niya sa isipan habang nagtitipa ng mensahe para sa nobyo niyang magiging ex nalang ata.
Kaya pala hindi ka nagpaparamdam na lalaki ka kasi may pinagkakaabalahan ka ng iba? Total, mukang ipinagpalit mo naman na ata ako, pwes bibigyan kita ng pabor. Break na tayo. Magpakasaya kayo niyang babae mo!
Pinindot niya ang send button pagkatapos habang nagngingitngit sa galit. Iooff na sana niya ang cellphone nang bigla naman itong nagvibrate, tanda na may natanggap siyang mensahe. Binuksan niya ito at nairita nang malamang reply iyon ni Valentine sa text niya.
What's wrong Day? What are you saying? Anong break na tayo? Hindi kita maintindihan at babae? Wala akong babae! I'm sorry, okay? Medyo naging busy lang ako sa trabaho. Pinadala kasi ako dito ng boss ko sa cebu kahapon ng biglaan 'di na kita nasabihan. But I'm going home later. I'll make it up to you. I love you.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang binabasa ito pero nawala rin agad nang maalala niya ang narinig kanina. Inis na pinatay nalang niya ng tuluyan ang cellphone at humiga ulit sa kama para subukang matulog. Wala siyang pakialam kung tirik na ang araw sa labas. Nagday-off naman siya ngayon kaya hindi niya kailangan bumangon ng maaga. Oo, talagang nagday-off siya para sa araw na ito. Kahit ikalimang beses na sana nila itong icecelebrate na magkasama, ibang memories naman ang magagawa nila ngayon. Kaya gusto niya sana talagang maging espesyal ang araw na ito. Pero kakasimula pa nga lang ng araw ay nasira na agad. Napahinga nalang siyang malalim tsaka pumikit.
———
Nagising si Day nang maramdamang may humaplos sa kanyang muka at humalik sa kanyang noo. Dahan-dahang minulat ang niya ang mga mata. Bumungad sa kanyang muka ang lalaking kanina lang ay gusto niyang isumpa. Ngayong ganito ito kalapit sa kanya at ang bango pa? Parang binabawi niya na ata ang mga nasabi niya kanina.
"Good afternoon, sleepyhead. You look so tired. Are you okay?" tanong ni Valentine sa kanya nang mapansin ang kanyang itsura.
Hapon na pala, hindi man lang siya nakakain ng agahan at tanghalian. Inirapan niya lang ito tsaka bumangon para pumuntang banyo.
Talagang tinanong niya pa kung okay ako ha? Malamang hindi! Bwiset talagang Valentino yun! Ang manhid!
Nakatuwalya lang siyang lumabas ng banyo pagkatapos maligo. Nahagip agad ng kanyang mga mata si Valentine na prenteng nakaupo sa may mini sofa ng kanyang kwarto. Hindi niya ito pinansin at nagderetso nalang sa kanyang walk-in closet.
"Wear something decent sweetheart. Will go somewhere." Mahihimigan ang lambing sa boses ni Valentine, napalingon naman si Day sa kanyang narinig.
"Why? Nabore ka na ba sa babae mo?" Matalim na titig ang binigay niya rito.
Napatayo naman si Valentine sa kanyang sinabi at nilapitan siya. "What?!" Hinawakan siya niyo sa braso at mataman na tinitigan. "Ano ba yang sinasabi mo Day? Wala nga akong babae! Paano mo naman nasabi yun? Nasa cebu nga ako kanina dahil sa trabaho. Nagpabook nga agad ako ng flight pagkatatext ko sayo kanina kasi inaalala kita."
"Tsk. Sinungaling! Tinawagan kita kanina at sa halip na boses mo ang marining ko eh ungol lang ng babae mo! Bwiset ka!" Sinuntok niya ito sa dibdib na malaya namang tinanggap nito.
"Wala nga sabi akong kasamang babae doon Day! Ako lang magisa nasa hotel room. Maniwala ka naman." pagsusumamo nito sa kanya habang sinusubukang yakapin siya sa beywang pero di siya nagpatinag. Magulo pa kasi isip niya.
"Ewan ko sayo! Lumabas ka nga muna. Magbibihis na ako."
"Fine. Hintayin nalang kita sa kotse." pagsuko nito sa kanya.
Ayaw man niyang sumama sa nobyo dahil sa galit o nagtatampo pa siya dito ay hindi niya rin ito matiis. That's how she love him. So much that she can sacrifice herself.
Hindi na siya nag-ayos ng bongga. Nagsuot lang siya ng simpleng fitted blue jeans na tinirnuhan niya ng off shoulder floral blouse. Lumabas na siya sa kanyang condo at nilock ang pinto pagkatapos ay sumakay sa elevator pababang parking lot.
——
"We're here."
"Are you kidding me Valentine Constancio? We're in a shrine! Anong gagawin natin dito? Magsisimba?"
"Relax, Day. Let's just go inside."
Huminto si Valentine sa mismong harap ng altar. Hinarap niya si Day, inabot ang kamay niyo at biglang lumuhod habang mahigpit na hawak ang kamay ng nobya, tila ayaw na nitong bitawan pa habang buhay.
Nagulat naman ang huli sa kanyang ginawa. Naguguluhan. "Hey, what are you doing Val?"
Ngumiti lamang ito at may dinukot sa bulsa ng ng kanyang pantalon, isang maliit na vintage box. Napatakip si Day sa kanyang bibig. Nagkakaidea na sa nangyayari. "Valentine..." tanging naibulalas niya sa medyo basag na boses. Nagsisimula na siyang maging emosyonal. Ang kaninang galit niya ay napalitan ng galak at saya. Hindi niya ito inaaasahan. Talagang binabawi na niya ang lahat ng nasabi sa nobyo kanina.
"I'm sorry for all the pain I've caused you, Dayseree Amiro. But God knows how much I love and treasure you. I want to live each day together with you. Will you be my day forever?"
Iyon na ang hudyat, hindi na napigilan ni Day ang bugso ng damdamin. Tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha.
"YES! I will forever be your Day," buong pusong sagot niya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Tears of joy.
Napatalon sa tuwa si Valentine at mabilisang isinuot sa kanya ang diamond ring pagkatapos ay inangkin ang mapupulang niyang labi na kanya namang tinugunan.
BINABASA MO ANG
Valentine's Day (One shot story)
Short Story"Will you be my Day, forever?" A valentine one-shot. Romance PH's prompt entry.