Confessions of The Author

950 21 15
                                    

''Hopelessly Devoted To Him''

10/17/2014 8:35 PM

May crush ako or should I say 'My Ultimate Crush of My Life". Yes you're right. Corny. It's been 2 years simula nong magkagusto ako sa kanya. It's close to 3 years na nga. Dentistry ang course nya. Ilang beses ko ng ibinaling sa iba ang atensyon ko, pero sa kanya parin nauuwi. I'm still into him. Kung alam nya lang na ilang beses ko na rin syang gustong patayin sa utak ko para lang mawala na feelings ko sa kanya.Ang brutal ko ba? Haha. Sorry na po.

Since I'm too shy to confess my feelings to him, Ito lang ang naging way ko para ilabas ko ang lahat ng feelings ko sa kanya na matagal ko ng itinatago. Dito kung saan mababasa ng karamihan pero hindi niya mababasa. Hindi naman siguro mahilig magbasa yun ng watty. Kung gusto kong mabasa nya ito ay hindi ko din alam..Half yes and half no.. Yes, kasi malalaman na nya ang totoo...No, kasi baka pagtawanan lang nya ito at saka ayokong makatanggap ng feedback sa kanya pagkatapos nyang basahin ito, baka masaktan lang ako. At baka kasi pag nalaman na nya, i-unfriend nya ako. Oo, paranoid ang author nyo. Haha! Ayoko ding pagpiyestahan ng mga kaibigan nya ito kaya mas mabuting dito na lang.

So this is how it started. But before that, guys! Pahingi nga muna ng tissue, wala ng tissue dito eh, naubos na kakaiyak ....medyo mahaba haba pa tong icoconfess ko. Joke! Eto na itutuloy ko na..Seryoso na 'to.

I have that one friend in highshool. Kabatchmate ko sya. Naging friend ko sya dahil friendly sya (malamang!) hanggang sa medyo naging close kami...Nawala lang yung closeness namin sa isa't isa nung mag college na kami 2 years ago. One day, while I was scrolling down on fb, nakita kong may pinost syang picture kasama yung naka cap na guy. Tuwang tuwa ako sa pag-aakalang bf nya yun pero nung chinat ko, mali pala ako. Nagpapicture lang pala sya. At yung naka cap na guy na yun ay ang crush ko. Yes, she has a crush on him also. Mas nauna sya. O diba? Isa pa to sa dahilan kung bakit ayaw kong umamin sa kanya. Too complicated. Pero kahit umamin man ako, wala naman siguro syang pake.

Wala pa talaga akong feelings sa kanya nung una. From seeing the picture of them together and from the very first moment I sent him a message, wala pa talaga. Kung ano ano na minemessage ko sa kanya para lang ireto ng di halata yung kaibigan ko sa kanya. Ginawa ba naman akong tulay. Ilakad ko daw sya sa kanya. Natatawa na lang ako pag naaalala ko yun. Ako pa talaga nagreto.

Sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam sa kanya eh kahit ligawan pa nya ang kaibigan ko, okay lang...At saka feeling ko naman na malabong maging kami. Siguro nga.. Sa dinami dami ba naman nyang nakakasalubong na magagandang babae dyan eh. Why not? And worst baka nga may gf na yun....( Wait! may pupunasan lang ako sa gilid ng mata ko.... Lol ) this is also one of the reasons kung bakit wala akong balak sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Wala akong balak manggulo o manira ng relasyon. Di ko ugali yun. But as day goes by, hindi ko na namamalayan na lagi ko syang hinahanap sa wall ko kung nagpost ba sya, etc...o di kaya maghanap ng info sa kanya. stalker na kung stalker :D Until he became my crush. Di ko alam kung paano agad nangyari yun. Para bang, I just woke up and realize, crush ko na pala sya..Actually nakita ko na sya, oo nakita na nga........sa picture. At nakausap ko na sya.......sa chat. Galing diba? Yes. I fell inlove with a stranger for two years. Would you believe that? I know it's insane pero ano magagawa ko? Puppy love pa bang matatawag ang 2 years na yun? .Hindi dahil sa gwapo sya kaya ko sya naging crush at hindi din dahil maganda ang course nya. Wala doon yun. Ewan ko ba. Ni di ko pa nga sya nakikita sa personal. Siguro he's just being himself.Alam kong magulo ang sinasabi ko, pero kung nasa posisyon ko kayo, you will surely understand. Ito siguro ang dahilan kung bakit inaway kami nung babae noon sa dati kong account. I forgot the name eh pero nagsisimula yun sa C. Fake account sya kaya di mo sya makikilala. But I'm sure babae yun..Halatang halata kasi sa minessage samin eh. Papatayin daw ba kami pag lumapit kami sa kanya.. Gusto kong matawa sa sinabi nya. Hindi naman ako sa OLFU nag-aaral. Obsess yata sa crush ko yun. Haha! Kaya hindi na ako magtataka kung bakit pati ako nadamay sa away. Mindreader yata si ate :D

Confessions of The AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon