Elevator

23 0 0
                                    

Magtatakip silim na at ako heto parin, Hawak ang isang bote ng alak habang binabaybay ang daan patungo saming condo na naipundar ng aking misis na isang guro sa isang pribadong eskwelahan..

Oo naipundar nya, hindi namin, Isa lang kasi akong hamak na trabahador sa ibat ibang kompanya na aking napasukan ngunit sa kamalasan ay palagi akong natatanggal,siguro'y dahil sa mainitin ang aking ulo ay lagi akong napapaaway, Ewan ko ba kung bakit ganito ang aking ugali maging sa aming tahanan ay ganito ako,lagi kaming nag-aaway ng aking misis minsan pa'y sa harapan ng aming pitong gulang na anak naming lalake,madalas pa ay napagbubuhatan ko ng kamay aking asawa na may pagkakataon ding nakikita ng aming anak, kaya siguro malayo ang loob sakin ng aming nag iisang anak,kahit minsan din ay di pa ako nakapaglaan ng oras para sa aking anak kaya di ko siya masisisi kung talagang malayo ang loob nya sakin.

Patuloy ang aking paglalakad at napahinto ako sa isang tindahan at napatingin ako sa hawak kung alak paubos na ito kaya aking nilagok at bumili uli ng isa,medyo tumatama na ang isang boteng alak na kanina ay aking iniinom pero kaya ko pa at meron pa akong natitirang isang daang piso,di ko naisip na bumili ng pagkain upang ipasalubong sa aking pamilya,alam ko naman na may madadatnan ako sa bahay pag uwi ko.

Napatambay ako sa tindahan at doon ay ipinagpatuloy ko ang aking pag iinom,habang nag iinom ay paminsang minsan kong kinukwentuhan ng kung ano-ano ang tindera na kasalukuyang abala sa panonood ng telebisyon.

"Magandang gabi mga kabalitaan narito ang isang balita kung saan isang pambihirang pangyayari ang ating masasaksihan ngayong Oktubre 21 taong 2020,ayon sa mga dalubhasa isang beses kada talumpong taon lamang ito mangyayari kung saan ang araw ay mawawalan ng liwanag sa loob ng 10 segundo at ito ay ating matutunghayan mamayang alas diyes ng gabi."

"O mawawalan daw ng liwanag ang araw" biglang sabi ng tindera na pumutol sa aking pakikinig sa balita.

"Hayaan mo na ako nga nawawalan na ng pag-asa sa buhay" sagot ko naman sa tindera.

"Kuya humugot ka bigla ah,wag kang mawalan ng pag-asa kita mo yung araw nawalan ng liwanag pero babalik din agad" ani tindera

"Naubusan na ako ng pag-asa ganito na lang ata talaga ang buhay ko." sagot ko.

"Naku kuya lasing ka na,umuwi ka na at baka hinahanap ka ng pamilya mo at magsasara na ako alas nueve y media na" pagtataboy sakin ng tindera.

Wala na akong nagawa kaya ako'y muling naglakad pauwi sa aming tahanan na di naman na kalayuan,ngunit dahil sa alak ay ramdam kong tinamaan na ako kaya ako'y nagpahinga muna saglit sa labas ng condo, baka masuka lang ako sa elevator pag ako ay sumakay agad,nasa itaas na bahagi kasi ang aming condo..

Sa aking pagpapahinga ay naituon ko ang aking paningin sa kalangitan napansin ko na medyo madilim na ang himpapawid ang liwanag na dala ng buwan ay unti unti ding nawawala,marahil dahil siguro sa napakinggan kong balita kanina.

Ilang minuto ang nagdaan nagdesisyon na akong umakyat,tinahak ko ang direksyon kung nasaan ang elevator at sakto ang aking pag punta aakyat na kasi ang elevator at meron akong pitong kasabay,ang anim ay kapwa ko nakatira sa building at ang isa naman ay guwardya na magsisimula ng magronda.

Napatakip pa ng ilong ang iba kong kasabay marahil ay naaamoy nila sakin ang amoy ng alak,medyo nahiya ako kaya nagtakip din ako ng bibig,pinindot ko ang numero sais kung saan dito ang palapag na nakapwesto ang aming tirahan.

"Ano ba yan amoy alak" reklamo ng isang babae na tantya ko ay nasa kwarenta na ang edad may bitbit na grocery at tinapay,sabay irap nito sakin.

"Pagpasensyahan mo na mareng edna,6thfloor lang sya bababa din agad yan,marami lang siguro yang problema" sabi naman ng isa ring babae na nasa kwarenta din ang edad katabi nya ang isang dalaga na sa tingin ko ay anak nya.

"Pasensya na po kayo,may problema lang kaya po naparami ang inom". despensa ko sa kanila..sa totoo lang ay naiinis na ako pero kailangan kontrolin nakakahiya kung makikipag komprontahan ako sa kanya sa harap ng mga kasama namin dito sa loob ng elevator baka hindi lang siya ang maka away ko.

Nasa 5th floor na kami kaya naghanda na ako palabas,ngunit paghakbang ko,biglang nawalan ng kuryente, Nagsigawan ang kababaihan,maya maya pa ay yumanig ang elevator na tila ba may lindol, kanya kanya kami ng hawak upang di mataob.

"Diyos ko ano aba tong nangyayari?" sambit ng babae na sa tingin ko ay yung kaninang umirap sakin

"Wag po tayong magpanic,kalma lang po!!" sabi naman ng isang tinig na sa tingin ko ay yung gwardya, Nang tumigil ang pagyanig agad na binuksan ng guwardya ang dala nyang flashlight,kanya kanya ding naglabasan ng cellphone ang iba naming kasamang natrap,agad binuksan ang flashlight ng kani kanilang cellphone..

"Bakit wala pong signal" sabi ng dalaga na anak nung babae kaninang nagtanggol sakin.

Sabay sabay naman silang nagtinginan sa cellphone nakompirma ngang wala ngang signal.halata sa mukha nila ang pagkadismaya

Agad naman binunot ng guwardya sa tagiliran ang dala niyang two way radio na sya nyang gamit upang makontak ang iba nyang kasamahang guwardya.

"Bravo bravo this is alpha please come in" sambit ng guwardya sa dala nyang two way radio.

Makailang ulit din nya itong ginawa ngunit wala siyang natanggap na ano mang pagsagot mula sa kasamahan nyang guwardya.

"Bravo bravo this is alpha com .."

Napahinto sa kakaradyo ang guwardya ng may marinig kaming lagabag dahilan upang mabaling ang atensyon namin sa pinagmulan ng tunog..Yung isa naming kasama na trap sa elevator ay sinisipa at sinusuntok ang pintuan ng elevator..

"Shit this is bullshit!!" sambit ng lalaking naghuhumerintado sa pintuan ng elevator,sa kanyang pustora masasabi kong mukha syang tahimik at seryosong tao,maselan ang katawan at halos kasingtangkad ko na 5'8 ..

"Sir kalma lang sir" awat ng guwardya. "Hintayin na lang po natin na tayo ay marescue" mahinahong saway ng guwardya .

"Pare walang mangyayari kung idadaan sa init ng ulo" sabi naman nung isa pang lalake naming kasama na trap dito sa loob ng elevator..

Huminto naman ang lalake at puwesto sa tabi ng pindutan ng elevator at nagsimulang pindutin ang emergency button ngunit dahil nga sa walang kuryente ay wala rin itong silbi.

"Mga ma'am at sir hindi po natin alam kung hanggang kelan tayo dito at kelang tayo marerescue, ireserve po natin ang baterry ng ating mga cellphone para kung magkasignal ay meron tayong magagamit,sa ngayon ay sapat na muna ang liwanag ng aking flashlight" kalmadong sinabi ng guwardya, "sa ngaun po ay magpahinga po muna tayo at maghintay.salamat po"

Isa isang nilang itinago ang kani kanilang mga cellphone at umupo.

Biglang tumahimik ang loob ng elevator,ako ay naupo sa isang sulok,pinagmasdan ko ang mga kasama kong na trap, pito kaming lahat,tatlong babae at apat kaming lalake..yung tatlong babae ay magkakatabi na wari ko ay magkakakilala,at kaming apat na lalake naman ay kanya kanya ng pwesto,yung gwardya ay nananatiling nakatayo at tila ba na kami ay binabantayan..

Sa totoo lang bilib ako sa guwardya dahil nagawa nyang pakalmahin kaming anim at hindi ko man lang siya nakitaan ng takot at patuloy lang siya sa pagbigay ng kanyang serbisyo..sa ngayon siya lang ang inaasahan namin marahil kung wala siya hanggang ngayon hindi namin alam ang aming gagawin dito sa loob ng elevator..

TamawoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon