Irish's POV
Wala akong ginawa buong araw kung hindi ang manood sa mga kaibigan kong masayang naliligo sa dagat. Niyayaya nila ako na magswimming pero tumatanggi ako. Buong araw ding nasa tabi ko si Ricci at buong araw din akong kinukulit. Ang sabi ko ay magswimming siya o kaya ay mag gala na lang kesa guluhin ako, pero ay ayaw talaga akong tantanan.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Ricci nang makitang tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Kasalukuyan naming pinapanood sina Aljun na maglaro ng Volleyball.
"Sa cr. Bakit sama ka?" walang ganang tanong ko. Para siyang Bodyguard ko eh no?
"Oo pwede ba?" nakita kong mabilis siyang ngumiti ng nakakaloko.
Mabilis kong kinuha ang towel na may nasa gilid ko at binato iyon sakanya. "Pervert!" inis na sigaw ko.
Matawa-tawa naman niyang sinalo iyon. "Anong pervert? Ikaw nagyaya sa akin sa cr eh!"
Inirapan ko lang siya. "Ewan sa'yo." mabilis akong nagmartsa palayo. Narinig ko pa ang nakakainis na tawa ni Ricci kaya hindi ko maiwasan na lalong mainis.
Kinagabihan ay dumiretso kami sa isang Korean restaurant para maghapunan. Ni-request kasi nila Gelo at Stacey na kumain sa isang doon dahil pareho silang nagccrave sa mga pagkain ng mga korean. Napansin ko rin na mukhang bati na sila dahil sweet na ulit sila sa isa't isa. Para na nga silang lalanggamin kanina habang kumakain kami.
Pagkatapos maghapunan ay naghiwalay ang lahat ng lalaki at lahat ng babae para magparty party. Parang sample daw ito ng gaganaping stag party at shower nina Ate Gab at Kuya Prince. Ang mga lalaki ay dumiretso sa isang bar kung saan ay bawal kaming pumunta, habang kaming mga babae naman ay may pinuntahan din na bar at syempre ay bawal ding pumunta ang mga kasama naming boys. Sina Gelo at Stacey naman ay under age pa kaya sila ay hindi pa pwedeng sumama kaya nag date na lang silang dalawa.
"Ano kayang ginagawa ng mga boys ngayon?" tanong ni Cheska, girlfriend ni Jollo.
Kasalukuyan kaming nasa VIP room ng isang bar dito sa Boracay. Ang iba sa amin ay umiinom na habang ang iba ay sige lang sa pagkanta sa videoke. Ako naman ay nakaupo lang habang nilalantakan yung mga pulutan.
"For sure, nambababae na yun sina Brent at Aljun!" matawa-tawang sabi ni Ate Francine, kaibigan ni Ate Gab at Kuya Prince. Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi niya.
"Ay nako, nako. Subukan lang talagang gumawa ng kalokohan ni Kib!" sabat ni Ate Des.
"Lalo na si Prince! Aba di ako magdadalawang isip na ipatigil yung kasal!" sabi ni Ate Gab. "Pero alam kong di gagawa ng kalokohan ang hubby ko. Takot lang nun sakin." nagtawanan naman kami nang marinig ang sinabi ni Ate Gab.
Sana lang talaga ay walang kalokohang ginagawa ang mga boys.
Nagsitayuan ang lahat ng kasama ko sa table at nagsimula silang magsasayaw habang kumakanta si Ate Francine sa may videoke. Nagtatawanan naman kami dahil yung iba ay ang luma na ang dance moves pero sige lang sa pagsayaw. Ang naiwan lang sa table ay kaming dalawa ni Shiela, Kaibigan ni Kuya Prince.
"You don't drink?" tanong niya sa akin bago inumin ang isang basong beer. Nakita kong mukhang sanay na sanay siya sa pag-inom dahil parang juice lang iyon sakanya. Dire-diretso at hindi manlang siya napaitan.
"Ahh hindi eh. Di ako sanay." matawa-tawa kong sabi.
"Ohh really?" nakita kong umismid siya. "Sayang naman pala. Ang alam ko kasi, Gusto ni Ricci yung mga babaeng umiinom eh. Yung tipong bad girl... just like me." kinulot-kulot niya ang hibla ng buhok niya gamit ang daliri niya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanficA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.