CHAPTER - #01
KAKATAPOS palang nang kanilang rehersal sa studio ay, mainit na agad ang ulo ni Samantha.. Isa syang back-up dancer nang isang noon time show sa t.v.. Sa kasamaang palad ang noon time show na iyon ay nawala na sa ere. Kaya naman sya ngayon ay nahihirapang makibagay sa kung sino-sino dahil bago ang kanyang mga kasama..
"Wow ha! Ang eepal nang mga dancer's nyo na bago.." angal nya sa kanilang dance instructor..
"At nagsalita ang di baguhan.." pahaging din sa kanya nito..
"Baguhan ako sa show nyo, pero may pinanggalingan ako, kaya di na ako bago sa larangang eto!" mataray na katwiran ni Samantha..
"So totoo pala ang sinasabi nila tungkol sa'yo! May maganda ka nga attitude! Well good luck sa'yo.. Kung tatagal ka dito!" mataray na turan nang kanilang dance instructor..
"Well don't you worry wala akong planong magpaka buro dito sa lugar nyo.." sagot nang dalaga na ayaw magpatalo..
Kung minsan sinusukuan si Samantha nang mga kasama nitu, bukod kase sa pagiging mataray nito, kung umasta akala mo may pera, eh wala namang maipagmamalaki. Mabuti na nga lang at kahit papaano biniyayaan eto nang angking kagandahan.. Kadalasan din walang tumatagal na trabaho sa dalaga dahil sa pagka demandeng nito.. Nadaig pa ang isang Marian Rivera, o kaya Vilma Santos Recto sa kataasan kung umarte akala mo sya ang bida palagi sa lahat nang pupuntahan nya.. At kung manlait sa kanyang kapwa, sagad hanggang buto. Ilan lamang eto sa mga masasamang katangian nang dalaga..
Sya si Samantha Alejo.. Maganda, sexy, flawless.. Parang perfect na yata ang pisikal nyang anyo.. Kung gaano naman kaganda ang kanyang panlabas na itsura kabaliktaran naman yon nang kanyang ugaling Mapagmataas, Arogante, Gold digger, Mapagpintas, at sinungaling sa lahat nang sinunagling.. Sya din ang taong napakataas nang pangarap, halos di na maarok..
Ngunit pagdating sa kanyang trabaho, maasahan naman talaga si Samantha. Profesional eto, yon nga lang ang gusto nya halos susunod sa kanya, mataas ang pangarap ni Samantha ang makaahon sa kahirapan. Mabili ang lahat nang kanyang pangangailangan, masunod ang luho na tinatamasa nang may mga pera. Ngunit di nya eto makuha-kuha at maarok..
Dahil sa nangyaring engkwentro nila nang bago nyang dance instructor. Halos wala sa mood si Samantha nang hapong iyon. Sabay pang nasira ang kanyang hills habang naglalakad patungo sa abangan nang taxi.
"Shit ka! Akala ko ba matibay ka ang mahal nang bili ko sa'yo.. tapos masisira kalang agad!" galit na hinagis ni Samantha ang kanyang hills sa kalsada, aksedente namang may dumaan na sasakyan. Sa lakas nang pagkakahagis nya nabasag ang bintana nang sasakyan..
Nabigla man sa pangyayari di naman sya nagpahalata. Agad namang huminto ang sasakyang tinamaan nang kanyang hills. Galit na lumabas nang sasakyan ang lalaki..
"Miss nasisiraan ka ba nang toktok mo?! Anong akala mo dito pag-aari mo ang kalsada? Bayaran mo ang nabasag mong salamin nang sasakyan!" galit na wika nito..
"Ako?? Ako ang magbabayad? Samantalang ikaw tong tatanga-tanga na hinarang ang sasakyan mo! Uy mister hindi mo ako maloloko sa style mo alam ko na yan!?" kahit medyo kinakabahan dahil alam nyang mali sya, lumabas parin ang tapang nang dalaga..
"Aba't ang laki din nang sira mo ah..!" sabay hinawakan nito si Samantha sa balikat at akmang hihilahin..
"Tulong! Tulong!.. Tulong!.." magkakasunod na sigaw ni Samantha, may nakita syang pulis na papalapit, kaya agad syang nagtatakbo dito..
BINABASA MO ANG
The taste of Sin [Completed]
Любовные романыHindi masama ang mangarap, lalo na kung may pinagdadaanan ka naman talaga para matupad ang pangarap na iyon. Pero masarap mangarap at matupad ang pangarap na iyon kung wala kang inaapakang tao, nasasaktang tao para lang maabot iyon. Ang kwentong eto...