This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental.
Copyright © 2014 by AllyHPerkins. All rights reserved, including the right to reproduce, distribute, or transmit in any form or by any means.
No soft copies was distributed
Plagiarism is punishable by Law.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Des! Gumising ka na! 8:30 na, malalate ka na sa klase mo!" sigaw ni Bryan.
Napabalikwas ako bangon, 8:30 na? Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Hindi ko alam kung paano ako nakaligo ng 5 minutes lang.
Pagbaba ko nakabihis na rin si Bryan.
"Bakit hindi mo ko ginising! Alam mo naman 9 pasok ko. Eh sayo 10 pa," sabi ko kanya.
"Hoy! Kanina pa ako sumisigaw dito. Ikaw 'tong tamad bumangon, ako pa sinisisi mo," sagot niya sa akin.
Inirapan ko siya bago kumuha ng loaf bread at hot dog at lumabas.
"Andyan ba si Bryan?" tanong sa akin ni Angie at tumango ako. Andito na naman ang maputla na dahil sa sobrang puti niyang girlfriend. Feeling ko siya si Snow white eh, kasi maiksi buhok at sobrang pula ng lips.
"GB anjan girl friend mo!" sigaw ko bago umalis papunta sa school.
I'm Destiny Daisy Villanueva. 20 years of age currently taking up Fine Arts. Gusto ko kasi maging Fashion Designer like my Mother. Sikat ang Villanueva sa fashion industry, lalo na sa family namin puro fashion designer.
"Gusto mo maging fashion designer?" tanong sa akin ni Bryan.
"Oo, bakit? Nasa family na namin 'yon," sagot ko.
"Wala ka ngang fashion sense eh," at tinawanan lang ako ni Bryan.
Hindi katulad ng mga kaklase ko na parang everyday may fashion show ang mga suot, I usually wear faded jeans, loose shirt at converse shoes. Simple lang naman kasi ako, mestiza, katamtaman lang ang baha ng buhok, medyo matangkad sa 5'4 na height at maganda naman daw ako pagnag-ayos lang. Katamtaman lang ang tangos ng ilong ko, hindi naman pango and my eyelashes are to die for. Mahaba eh at makapal. My favorite part of my body are my lips, kasi kahit hindi na ako maglipstick medyo pinkish siya.
Dahil walking distance lang ang school sa bahay tamang-tama lang ang pagdating ko sa classroom at kasabay ko lang ang teacher sa pagpasok.
"Kala ko malalate ka na naman girl!" sabi ni Regie sa akin.
This is Regie, siya lang ang kasundo ko sa mga kaklase ko. He's funny and talented. He is a stick-like thin. Ewan ko ba kung bakit ang payat-payat niya.
"Muntik na nga eh. Kasalanan ni Bryan 'to late na ako ginising," sagot ko.
"Ok class let's start," anunsyo ng teacher.
-----
Bryan
"GB anjan girl friend mo!" narinig kong sumigaw si Destiny.
'Yong bunganga ng babaeng 'yon ang lakas-lakas.
Papasok si Angie. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.
"Angie Babe, what are you doing here? You should have called," sabi ko.
"Bryan, we should talk," seryoso niya sabi.
Hinila niya ako papunta sa sofa at umupo kami.
Parang alam ko na ang susunod na mangyayari, lagi naman nagsisimula ito sa 'we should talk' at matatapos sa 'I'm sorry'.
I'm Gabriel Bryan Mendez, 22 years old, an engineering student.
Describe yourself? I'm tall 5'9, maputi, and handsome. Habulin ng mga babae but I'm a very loyal boy friend. Katamtaman lang ang katawan ko. I have a 4 packed abs, mahirap gawing 6 eh. Sabi ni Des sa akin dati pinagusto daw niya'ng parte ng katawan ko are my eyes. Light brown kasi. Matangos ang ilong ko and I have thin lips. May lahi kasi kaming spanish.
'Yong tamad at bungangerang babae ay ang childhood friend ko si Des. Magkasama na kami simula pa noong bata pa kami. Magbest friend kasi mga magulang namin. Nakatira kami sa iisang bahay dahil binili ito ng mga parents namin para sa amin.
-----
Destiny
Pagka-uwi ko sa bahay nakita ko si Bryan nasa sala kasama ng 5 bote ng beer.
"Hoy! Bakit ka umiinom? Hindi ka man lang nagyaya," sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at nakasimangot. "Break na kami ni Angie," malungkot niya'ng sabi.
Expect ko na 'to. Dalawa lang naman ang dahilan kapag nagsosolo itong uminum. One is family problem at pangalawa ay Heart Problem.
"Ano naman daw ang dahilan?" tanong ko.
"She's in love with someone else daw. Sabi pa nga niya sa akin 'it's not you, it's me'. Ilang beses ko na narinig ang excuse na yon," sabi niya.
Umupo ako sa tabi niya. "Bayaan mo na. Marami pa namang babae dyan eh. She's what? Your tenth girl friend?" sabi ko.
Umakbay siya sa akin. "hindi ka marunong magbilang. She's my eight," sabi at kinurot ang pisngi ko.
"Aray!" sabi ko at tibatukan ko siya sa ulo.
May napansin akong kakaibang bote sa mesa at naka labas ang papel. I remember that bottle and letter. Everytime na broken hearted kami binabasa namin ang laman ng papel na 'yon, so that we would believe in love again. Napulot namin 'yon when we were on vacation sa Ilocos Norte, 10 years ago at tinago namin.
"Sineryoso mo talaga si Angie noh," sabi ko.
"Oo naman. Lalo na't magaling siya sa horseback riding," sabi niya at ngumisi.
"Gago ka talaga!" sagot ko.
Kinuha ko 'yong papel. Humiga ako sa balikat niya at binasa ang laman.
Pagudpud, Ilocos Norte
July 5, 1989
My One True Love,
Where ever you are today. I want you to know how much I miss you. Kahit wala ka na sa tabi ko, I'll continue to love you every day for the rest of my life. Ang pagmamahal natin sa isa't-isa ay walang katumbas na kahit ano'ng materyal na bagay o salita. Dahil ang pag-ibig na ito ay totoo at walang hanggan. You gave me hope, faith and true meaning of life. I am very thankful to the Lord for giving me a miracle and that is you my love.
You are the love of my life, my best friend and my one true love.
I will wait for you, even if it means forever because you are worth the wait.
Mahal na Mahal Kita Miguel
Ruby L.
--------------------------------------------------------------------------
©2014 AllyHPerkins
All rights reserved
BINABASA MO ANG
Message in a bottle
RandomDestiny and Bryan had been bestfriends since they were on diapers. Everything they do is strictly platonic. One day they found a bottle that has a message on it about true love. Getting sick on their list of failed relationships, they decided to fin...