CHAPTER - #02
KINABUKASAN balik sa normal ang buhay ni Samantha, pumasok sya sa studio. Mabigat ang kanyang pakiramdam tila ba nagsasawa na sya sa kanyang buhay, na araw-araw palagi nalang ganun ang takbo.. Papasok palang sya sa silid kung saan sila nagtitipon na mga mananayaw, mas lalong uminit ang kanyang ulo dahil lahat nang mata sa kanya nanaman nakatingin.." At bakit ganyan ang mga tingin nyo? Daig nyo pa imbestigador kung makasipat ah..!" mataray nyang puna sa mgaa eto.
Di naman nakapagpigil ang isang dancer na irapan ang dalaga. Halos lahat nang mga eto galit at inis sa kanya dahil na rin sa ugali ni Samantha kaya naman halos wala din syang kaibigang matalik kung meron man nakikisalamuha sa kanya mga kaibigang may dalawang mukha din. Alam din naman ni Samantha yon kaya halos di din nya pinagkakatiwalaan ang mga eto, dahil para sa kanya ang kanyang buhay lang ang nakikita nitu..
Bago pa magkainitan ang lahat, tinawag na sila para sa rehersal. Kaya naman nagsilabasan na din ang mga kasamahan ni Samantha, as usual sya ang huling lalabas gusto nya kase ang piling na V.I.P., she's always like this mas gusto nyang mas maraming naiinis at nagagalit sa kanya, feeling nya sikat na sya kapag pinag-uusapan sya. "Miss. Alejo kung mahal mo pa ang trabaho mo, matutu ka naman sanang makibagay, kabago-bago mo ganyan kanang umasta..!!" puna sa kanya nang nag-caurougraph sa kanila. Hindi naman sya sumagot..
Tuloy sa pagsayaw at pag-insayo lang si Samantha. Wala syang pakialam kung pinag-uusapan na sya nang mga kasama nya ang mahalaga sa kanya ginagawa nya ang kanyang trabaho.. Ilang minuto nalang at mag-uumpisa nang e-ere ang programa kaya naman kanya-kanyang bihis na ng kanilang mga damit. ang iba naman ay naglalagay nang kanilang make-up. Sya may sariling mundo sya, ayaw nyang makisabay sa mga eto kadalasan, paano naman kase ang iba sinasamantala naman ang kanyang make-up, mahal pa naman ang bili nya sa mga eto..
Natapos ang show na iyon nang wala namang aberya, dahil kensenas katapusan ang sahod nila, alam nyang may laman na rin ang kanyang a.t.m.. Habang nagpapalano ang grupo na lalabas nang gabing iyon, wala naman sya sa kundisyong lumabas, magbabayad din kase sya nang apartment at iba pa nyang bills. Kaya nagdahilan nalang muna sya na may raket pa syang pupuntahan. Lihim namang nagbulungan ang kanyang mga kasamahan.."If I know, walang datung yan kaya ayaw sumama. Ang yabang kase.." wika nang isa ding baguhang dancer..
Dahil sa narinig ni Samantha agad naman nag-init ang kanyang tenga.."Anong sinabi mo? Parang sinabi mo nang pulubi ako ah.. Bakit saan nyo ba gustong pumunta?" napipikang tanong naman ni Samantha..
Agad namang sumagot ang isa.."Kakain muna tayo sa Zao Vietnamese Bistro Restaurant.. Syempre sosyal ang pagkain dun at mahal, then going to the near night bar, para mag barhap naman.." maarteng turan nitu..
Dahil sa naiirita si Samantha sa arte at paliwanag nang kasamahan. Agad naman syang umuoo.. "Sige pupunta ako mamaya doon sa Eastwood Q.C.. Tawagan ko kayo kapag maagang natapos ang show.." sagot ni Samantha..
Agad syang nagpaalam sa mga eto sa dahilang may fashion show pa sya. Alam naman nang mga eto na freelance model din si Samantha, kaya lang madalas na di sila naniniwala dahil nauuna pa ang kayabangan nitu. Nang makalabas nang building agad namang tumawag nang taxi eto, ngunit lahat nang parahin nya ay may laman. Nang sa wakas may huminto ding sasakyan sa harapan nya. Agad nyang binuksan ang backseat door nitu, at pasalampak na naupo..
BINABASA MO ANG
The taste of Sin [Completed]
RomanceHindi masama ang mangarap, lalo na kung may pinagdadaanan ka naman talaga para matupad ang pangarap na iyon. Pero masarap mangarap at matupad ang pangarap na iyon kung wala kang inaapakang tao, nasasaktang tao para lang maabot iyon. Ang kwentong eto...