The taste of Sin - Chapter Three

10.3K 142 1
                                    

CHAPTER -  #03

PASADO alas-otso nang gabi nang dumating si Raffy sa sinabing Restaurant ni Samantha, nakita nyang nakakunot ang noo nang dalaga nang dumating sya. Di naman sya late para magrect eto nang ganoon.. Lumapit sya at binati nalang eto.. 

"Hi! Kanina ka pa?" tanong ni Raffy.. 

"Medyo mga half-hour na ang nakakalipas mula nang dumating ako dito.." inis na sagot nang dalaga.. 

"Hhhhmmm.. Ganyan ka pala makipag meet ayaw magpalate, that's good.." wika nang binata.. 

"Saka ka na dumakdak pwede, umorder na tayo at nagutom ako kakahintay sa'yo.." si Samantha.. 

"Baka naman pwede huminga muna ako?" sagot naman ni Raffy.. 

"Okay no problem habang humihinga ka, oorder na muna ako ha.." sabay arko pataas nang kilay ni Hershey.. 

Kakaupo palang ni Raffy sa bakanteng silya nang tawagin naman ni Samantha ang waiter.. Agad ding lumapit eto at ibinigay ang kanilang menu.. Mabili na nakapamili si Samantha nang kakinin nya.. 

"What do you want to eat?" tanong nito sa lalaking kasama.. 

"Okey lang kung anong oorderin mo, makakain ko naman seguro iyon.." sagot ni Raffy.. 

"Waiter times two mo nalang yung order ko.. Thanks.." wika naman ni Samantha.. 

Habang naghihintay ang dalawa, di naman mapigil ni Raffy ang di kumuha nang mga larawan, madalas din nya nakawan nang shots si Samantha.. Nang makarating naman ang kanilang order doon naman tinuon ni Raffy ang kanyang pagkuha nang larawan.. Bawat inihain sa kanila'y kinukuhanan nya nang iba't-ibang anggulo.. 

"You don't have plan to eat? Kukuhanan mo lang ba yang mga yan..?" tanong naman nang mataray ni Samantha.. 

"Kakain na nga ako eh, naunahan mo lang sitahin.." sagot naman ni Raffy.. 

Habang kumakain di naman maiwasang sulyapan nang lalaki ang dalaga. Gandang-ganda sya dito, pwedeng pang laban sa isang contest kung tutuusin.. Yon nga lang mukang di kagandahan ang ugali nito. 

"Ba't ka ba tingin nang tingin sa'kin?" hhaaaiiisssttt naiirita ako pag-ganyan ayokong tinitingnan habang kumakain ako..!" inis at madiin na wika ni Samantha.. 

"Ang arte talaga.." bulong naman nang lalaki saka itinuloy ang pagsubo nang kanyang pagkain.. 

Di naman nakalampas sa pandinig iyon nang dalaga kaya agad umarko ang kanyang kilay. 

"Pasalamat ka at nasa harapan tayo nang pagkain dahil kung hindi kanina ko pa tinusok yang mata mo at labi mo nang tinidor..!" madiing wika ni Samantha.. 

Mahinang tawa lang ang isinukli ni Raffy dito, pinagpapasensyahan nya eto dahil may kailangan sya.. 

The taste of Sin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon