The taste of Sin - Chapter Four

10.3K 122 4
                                    

CHAPTER -  #04

DALA nang pag-iisip kung saan dadalhin ang babaeng kasama. Dinala nya eto sa kanyang studio, eto lang ang lugar na pwede nyang pagdalahan maliban sa hotel at kanilang bahay. Binuksan nya muna ang pintuan niyon, bago inalalayan ang babaeng makapasok sa loob nang studio nya. 

"Samantha gumising ka nga.. Kaya mo bang maglakad?" tila naman sirang tanong ni Raffy.. 

Ngunit walang tugon mula sa dalaga. Nanatiling nakasara ang mata nitu. Binuhat nya eto gamit ang kanyang dalawang kamay. Para maisara ang dalang sasakyan ginamit ni Raffy ang kanyang pwetan para maitulak ang pintuan niyon saka pinindot ang lock button sa kanyang hawak na susi. 

Dahil medyo makitid ang pintuan nang studio nang ipasok nya si Samantha tumama ang ulo nitu sa gilid nang pintuan. 

"Aray.. Ano bang ginagawa mo? Sira ulo ka talaga pogi.." wika nito na pilit na ibinubuka ang mga mata.. 

"May gana ka pang sabihan ako nang sira ulo.. Iuntog ko kaya uli ang ulo mo..?" sagot naman ni Raffy.. 

"Anong sinabi mo? Ibaba mo nga ako, lika order ka pa inom pa tayo.." wika naman nang dalaga.. 

"Lakas nang tama ah, bagsak na iinom pa.." sagot naman ni Raffy. 

Sa pagsagot-sagot naman nang lalaki, tila nawala ang antok nang dalaga at nagpipilit na ibaba sya. Kaya ibinaba naman nang lalaki ang mga paa nitu habang inaalalayan ang bewang nang dalaga.. 

"Aayy ano yan bakit hawak mo bewang ko? Nananching ka ah.." sabay kindat pa nang dalaga.. 

Natawa naman si Raffy sa sinabi nang babae.. "Asan na ang alak natin? Kung ayaw mo uminom, sumayaw nalang tayo.." wika pa ni Samantha.. 

Parang sira naman ang dalaga na inaya pang sumayaw ang lalaki, ikinawit nya ang kanyang dalawang kamay sa leeg nang lalaki at hawak naman ni Raffy ang bewang nang dalaga. Sumasayaw sila nang walang togtog. Kapwa nakatingin sa mukha nang bawat isa, amoy ang bawat hiningang parehong alak ang amoy. Ngunit tila napakabango naman iyon para kay Raffy. This is not the first time na nakahawak sya nang isang babae, pero kakaiba ang dating ni Samantha.. Ang maninipis nitong labi na nilapatan nang pulang lipstick ay tila mas lalong nagpapasexy sa babae, at mas nagiging mainit tingnan eto dala nang pulang lipstick. 

Ang mga matang medyo singkit at kulay brown ang gitna niyon, ang bilugan ngunit maliit na mukha nang dalaga na kung titingnan mo ay napakaamo at tila isang anghel. Ang matangos na ilong at mahahabang pilik mata na tila nang-aakit at nangungusap para sa kanya. 

"Napakaganda mo alam mo ba yon?" tanong ni Raffy kahit di nya alam kung sasagutin sya nang matino nang babae. 

"Really? Can you kiss me?" tanong nang dalaga.. 

"Ha?" gulat naman na tanong ni Raffy.. 

"Sabi ko halikan mo ako, ano ka ba?!" inulit naman nang babae ang kanyang sinabi.. 

The taste of Sin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon