CHAPTER - #06
MAAGANG nagising si Samantha kinabukasan, papasok sya sa stasyong kanyang pinagtatrabahuhan.. Dala ang kanyang shoulder bag at isa pang extra bag na pinaglalagyan nang damit at make-up.. May regular na syang taxi sa umaga, kaya naman kapag papasok sya walang hassle sa umaga dahil may service sya. Pag-uwian nga lang sya hindi nagpapasundo dahil hindi pare-pareho ang oras nang kanyang uwi..
"Gandang umaga Ganda..!" bati sa kanya nang medyo may edad na ring service nya..
"Gandang umaga din ho.. Oh kumusta naman ang asawa nyo maayos na ba ang pakiramdam nya?" tanong naman ni Samantha..
"Ayy.. Sa awa nang Dios maayos na.. Low blood masyadong mababa ang dugo, mabuti na nga lang at nadala agad namin.." sagot naman nang May kaidaran nading driver..
"Mabuti naman ho kung ganoon.. Manuti at ganon lang.." sagot ni Samantha. Nakikisimpatya naman sya sa kapwa nya tao lalo na kung nakikipag kapwa tao naman sa kanya.. Pero kung balasubas sa kanya mas balasubas sya..
Halos magkakasabay lang sila dumating kapwa din nya mananayaw, ang ilan sa kanila may kotse. Ang ilan taxi padin ang gamit na kagaya nya ang iba naman hinahatid nang nobyo.. Eh sya kaya kelan sya magkakaroon nang sariling sasakyan..? Kung minsan di maiwasan ni Samantha ang maiinggit, maganda naman sya hamak na ang ganda nya sa mga kasamahan nya, kung bakit mas nauuna pa ang mga eto na makabingwit nang huhuthutan..
Kagaya nang nakaraang araw hindi pa rin kinikibo ni Samantha ang mga eto. She doesn't care kahit na nagpapapansin na ang iba para makipag-ayos sa kanya, basta sya ginagawa nya ang kanyang trabaho. Nagrerehersal sya nang maayos at sinusunud naman nya ang kanilang instructor..
Ilang sandali ang nagbreak sila sa kanilang rehersal, nagtungo si Samantha sa isang sulok dahil kanina pa nya naririnig na tumutunog ang kanyang cellphone.. Agad nyang kinuha iyon at sinagot pinindot ang answer button nang cellphone..
"Yes.. Hello.." panimula ni Samantha..
"Hey Sam it's me Raffy.. Just want to say good morning.. Sunduin kita maya ha.." wika naman ni Raffy..
"Hmp! Akala ko kung sino na.. Kanina maganda umaga ko, tumawag ka lang pumangit na.. Sige na may rehersal pa ako.." pamamaalam nang dalaga..
"Kahit kailan talaga, napaka sungit.. Sana mayaman ako nang sa ganon hindi mo ako pagsusungitan.." wika naman ni Raffy, na gumuhit ang mga ngiti sa labi.. Narinig nalang ni Raffy ang tunog nang kanyang linya.. Tot.. Tot... Tot.. Pinatayan na nga sya nang babaeng walang modo..
Matapos ang show ni Samantha, kagaya kahapon ni hindi nya tinapunan at nilingon manlang ang mga kasamahan, nagpalit lang sya nang kasuotan kinuha ang kanyang bag at nagpaalam sa kanilang mga boss sa studio.. Dumaan sya sa grocery parang feel nyang bumili at magluto nang carbonara.. Hindi sya kanina naglunch sa stasyon, kaya naman ramdam nya ang kumakalam na sikmura. Sya lang mag-isa sa kanyang apartment kaya pagdating sa pagkain walang hassle sa kanya, di rin naman kase sya pala kain, bast may prutas sya sa kanyang ref. Ayos na.. She maintain her sexy body figure..
BINABASA MO ANG
The taste of Sin [Completed]
RomanceHindi masama ang mangarap, lalo na kung may pinagdadaanan ka naman talaga para matupad ang pangarap na iyon. Pero masarap mangarap at matupad ang pangarap na iyon kung wala kang inaapakang tao, nasasaktang tao para lang maabot iyon. Ang kwentong eto...