CHAPTER - #07
KINABUKASAN kagaya nang routine ni Samantha.. Maaga syang papasok sa stasyong pinagtatrabahuhan.. Ganito na ang kanyang pang-araw-araw na buhay. Kung minsan nagsasawa na din sya, nagsasawa na maghintay kung kelan darating ang taong aahon at magpapatikim sa kanya nang rangya nang buhay..
"Hindi ka ba sasama mamaya, birthday ni Boss ah.." wika sa kanya nang kapwa nya dancer nang matapos ang show nila.. Inirapan nya lang eto, isa kase eto sa mga nanloko sa kanya nang gabing nalasing sya..
Lumabas sya nang estasyon nang, nang di na rin nag-paalam sa kanyang boss. Plano nyang bigyan nalang eto nang regalo bukas, may usapan pa kase sila ni Raffy. Isa pa wala din naman syang maibubuga doon tyak na sosyalan at pakikipag-plastikan nanaman ang magiging usapan sa party..
Nag-aabang sya nang taxi, pupunta muna sya sa Mall para mabilhan nang regalo ang kanilang boss, wala man sya pang engrandeng regalo kahit simple nalang ang kanyang bilhin. Isang sasakyan ang huminto sa kanyang harapan. Sasakyan ni Raffy iyon..
"Hi! Akala ko di na kita maabutan eh.." bungad ni Raffy..
"Eto oh naabutan mo ako, anong kailangan mo..?" iritang sagot ni Samantha..
"Hatid na kita, may hinatid kase ako banda dito sa lugar na eto kaya dinaanan na kita.. Nagbaka sakaling nandito ka pa.." sagot ni Raffy..
"Okay. Since gusto mo ako ihatid di na ako magpapakipot pa.. Idaan mo muna sa malapit na mall may bibilhin lang ako.." sagot naman ni Samantha..
"Okay sige.. Let's go..!" masayang aya ni Raffy sa dalaga..
Ganun nga ang ang ginawa nila dumaan sila sa isang malapit na mall. Naghahanap nang painting si Samantha, mahilig kase ang boss nila mangulekta nang painting.. Ngunit halos lahat mahal ang nakikita nya..
"Mahal ba? May ebebenta ako sa'yo tyak na magugustuhan mo ang presyo at magugustuhan din nang pagbibigyan mo.." alok ni Raffy nang mapansin nyang panay ang hanap nang dalaga nang medyo mura..
"Asan? Gusto kung makita.." sagot naman nang dalaga..
"Nasa location nang painting area natin.. Mamaya makikita mo.." tila pagyayabang naman nang binata..
"Siguraduhin mo lang na maganda at wala na akong panahon pang muli na bumalik mamaya nang Mall.." wika ni Samantha..
"Garantisado gawa ko yun eh.." pagyayabang nang binata..
"Okay. Yabang! Sige na umalis na tayo.." si Samantha..
Unang tinungo nang dalawa ang studio ni Raffy para kuhanan ang iba pa nilang i-sho-shoot na photo.. Tila while angel naman ang tema ngayon nang binata, kung nakaraan ay lady in devil red attire ngayon tila naman mala angel ang kanyang mga kasoutan at porma.. Nag-e-enjoy si Samantha sa kanyang ginagawang pag post sa harap nang kamera. At si Raffy naman nasisiyahan din sa dalaga dahil hindi eto mahirap turuan nang anggulong gusto nya mas mabilis at madali nitong makuha ang gusto nyang mangyari..
BINABASA MO ANG
The taste of Sin [Completed]
RomanceHindi masama ang mangarap, lalo na kung may pinagdadaanan ka naman talaga para matupad ang pangarap na iyon. Pero masarap mangarap at matupad ang pangarap na iyon kung wala kang inaapakang tao, nasasaktang tao para lang maabot iyon. Ang kwentong eto...