"IN FAIRNESS, ha. Ang galing mong maghanap ng tatambayan. Kung hindi pa kita sinundan dito, hindi ko malalaman 'to," natatawang sabi ko pagkapasok namin sa abandonadong building."Aksidente ko lang ding na-discover 'to. I like staying here. Tahimik. Walang istorbo. Nasosolo ko pa," sagot ni Chase.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Nagpaparinig ka ba? Kasi hindi mo na nasosolo 'tong tambayan mo? Na istorbo ako?"
"Natatamaan ka rin pala, ano?"
"Aba! Ginaganyan mo na ako, ah! Nag-e-enjoy ka namang kasama ako, eh."
"Sige lang. Libre namang mangarap."
Natawa na naman ako.
Masaya ako na nag-loosen up na si Chase sa akin. Nakakabiruan ko na siya. Malaya ko na siyang nalalapitan. Hindi na niya ako sinusungitan. Hindi ko alam kung ano'ng nagpabago sa isip niya at bumait sa 'kin pero nagpapasalamat ako.
Kumuha ako ng upuan. Pero pag-upo ko, nawasak 'yong upuan. Bumagsak sa sahig ang puwet ko. Napadaing ako sa sakit. "Aw!"
"Hanna!" Agad akong dinaluhan ni Chase. "Are you okay?" Galit na pinagsisipa niya ang mga parte ng nawasak na upuan. "Fuck you!"
Kahit may masakit sa 'kin, natunaw pa rin ang puso ko sa nakitang pag-aalala sa guwapong mukha niya. "Uuuy, nag-aalala siya sa 'kin," bahagyang nakangiwing tukso ko.
"Damn it, Hanna! Nasaktan ka na nga, nagagawa mo pang mang-asar."
Na-guilty ako. "Sorry."
"Sabi ko naman sa 'yo, huwag kang basta-basta uupo sa mga upuan dito kasi sira-sira na. Mula ngayon, bawal ka nang umupo sa mga upuan."
Nagulat ako nang pangkuin niya ako. Wala sa sariling napahawak ako sa braso niya. Nagkatitigan kami saglit bago siya naglakad.
Lihim akong napangiti. Kung hindi lang nakakahiya, isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ang bango, eh. Pakiramdam ko, para akong prinsesa na binubuhat ng aking prinsipe. The way he carried me, ingat na ingat na para akong isang babasaging kristal.
"Okay ka na ba talaga? Wala nang masakit sa 'yo?" nag-aalala pa ring tanong ni Chase pagkatapos niya akong ibaba sa gilid ng sahig.
Tumawa ako. "Ano ka ba? Huwag ka nang mag-alala, okay? Ayos lang ako. Malayo sa bituks." Masyado akong nao-overwhelm sa pag-aalala niya.
He sighed.
Mayamaya ay busy na kami sa pag-aaral—ako lang pala. Pero nang malaman niyang nahihirapan ako sa isang topic sa Trigonometry, na-shookt ang ka-cute-an ko. Tinuruan niya ako! Alam na alam niya iyong topic at mas nadalian akong intindihin ang explanation niya. Na-gets ko na. Ito ba ang pabagsak ang grades? Eh, mas matalino pa si Chase kaysa sa 'kin! Kung magseseryoso siya sa studies niya at hindi laging nag-i-skip classes, siguradong magiging isa siya sa top students ng MVU.
"Siyanga pala, may ipaparinig ako sa 'yo." Inilabas ko sa bag ang ibinigay niyang music box at dalawang sheet ng bond paper. Ibinigay ko ang isang bond paper sa kanya.
"What's this?"
"Lyrics ng First Love ni Utada Hikaru. It's a Japanese song. Pero ang naka-print diyan, Japanese and English lyrics. Ito 'yong kanta sa music box na ibinigay mo sa 'kin. Nalaman ko no'ng pinatugtog 'to sa isang Japaneses restaurant na pinuntahan namin nila Mama. Tinanong ko sa staff kung ano'ng title at sino'ng kumanta. 'Galing ko, 'di ba?" proud na proud na kuwento ko.
"I don't like the lyrics," sabi niya pagkabasa at itinapon sa tabi ang bond paper.
"Huwag ka namang ganyan. It's a sad song, I know. Hindi nagkatuluyan 'yong mga bida sa kanta. But it's still a good song. A beautiful sad song. Kasi kahit hindi niya nakatuluyan 'yong taong mahal niya, 'yong first love niya, patuloy pa rin niya itong mamahalin kasi ang taong 'yon ang nagturo sa kanya kung paano magmahal." Kinuha ko 'yong bond paper at ipinahawak uli sa kanya. "Naalala ko ang sinabi mo noon. Hindi mo pinakinggan kasi marami ka nang napalanunang music box sa perya. So, kakantahin ko kaya makinig ka."
"Okay, then." Napasinghap ako nang hapitin niya ako sa baywang at paupuin sa kandungan niya!
"Ch-Chase..." dumadagundong ang pusong anas ko.
"Kanta ka na."
Paano ako makakakanta nang maayos kung ganito kami kalapit sa isa't isa?! Ang tigas ng braso niyang nakapulupot sa baywang ko.
"Hanna?"
Oh, men! Napalunok ako. "O-oo." Nanginginig pa akong inikot nang tatlong beses ang lever key ng music box. Pumailanlang ang malamyos na tunog. Sa bond paper ako tumitig. Ayoko siyang tingnan.
"Saigo no kisu wa tabako no flava ga shita. Nigakute setsunai kaori..." Our last kiss tasted like cigarettes. It was a bitter and sad taste.
"Ashita no ima goro ni wa. Anata wo doko ni irun daro? Dare o omotte irun daro?" Tomorrow about this time, where will you be? Who will you be thinking of—Oh, shit! Nanuyo ang lalamunan ko nang amuyin ni Chase ang balikat ko at inikot-ikot sa dulo ng daliri ang buhok ko. Hindi kagandahan ang boses ko pero hindi malayong magtunog lagari dahil sa ginagawa ni Chase! Hindi ba siya aware na nadi-distract ako?
"You are always gonna be my love. Itsuka dareka to mata koi ni ochitemo." Even if I fall in love with someone again sometime. "You are always gonna be the one. Ima wa kanashii love song. Atarashi uta utaeru made..." Now it's still a sad song. Until I can sing a new one.
Hinablot ni Chase sa kamay ko ang bond paper at inilapag sa sahig. Napatingin tuloy ako sa kanya. At ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko dahil sobrang lapit ng mga mukha sa isa't isa na halos ikaduling ko na.
"You are so fucking cute, Hanna," nanggigigil na bulong ni Chase.
Nag-init ang mga pisngi ko. My gosh! Para akong hihimatayin. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Ang sarap maging ganito kalapit sa kanya. Naalala ko noong unang beses kaming nagkalapit na ganito. I was thrilled. Imbes na matakot, nagustuhan ko pa.
Akala ko, papakawalan na niya ako pero mas lalo pa niya akong hinapit!
Pero kahit gustong-gusto ko ang pagkakalapit namin, kailangan kong makalayo sa kanya. Baka kung ano ang magawa ko. Shucks kasi! Naghe-hello sa lips ko ang mapulang lips niya!
"Ch-Chase... p-pakawalan mo na 'ko."
"Why?"
Anong why ang pinagsasasabi nito?! "K-kasi... n-naiilang ako," pag-amin ko na lang.
The corner of his mouth twitched. "Gano'n? Ikaw itong makulit na gustong pumasok sa buhay ko, 'tapos, maiilang ka? Hindi puwede 'yon. Handle me."
Ano raw?!
"God, you smelled nice. I love your smell. That's why it's hard for me to let go of you. I like being near to you like this. Oh, Hanna. What are you doing to me?"
Nalaglag ang panga ko.
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomanceIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...