"WHAT are you doing here?" kunot ang noong kastigo ni Chase sa dalawang lalaking nakamasid sa 'min.
Kilala ko sila! Mga kaibigan sila ni Chase. Dalawa sa nakita kong kasama niya sa tambayan niya. They were both equally good-looking and tall. Mukha ring mayayaman. May bahid ng pagka-surprise ang mga mukha nila na parang hindi makapaniwala sa nasasaksihan.
"Man, 'didn't know nagpe-paint ka na pala. Nice. Bagong buhay ka na talaga, ano?" may himig ng pang-aasar na sabi ng spikey-haired guy. Lumapit sila. "We followed you. Busy ka na kasi masyado, eh. Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag namin."
"Well, alam naman namin kung bakit ka busy, eh. So, siya pala 'yong babae sa wallpaper ng cell—"
"Shut up, Fletcher," pinanlakihan ng mga mata ni Chase ang may abuhing mga mata. Tumawa ito. Ngumisi naman si spikey-haired.
Kumunot ang noo ko. Bakit namumula ang mga tainga ni Chase?
The gray-eyed guy looked at me and smiled. "Hi! You're Hanna, right? I'm Ash."
"Lennox." Kinawayan ako ni spikey-haired.
"Oo naman. Nabanggit ka kasi sa 'min ni Chase minsan," makahulugang tugon ni Ash, may naglalarong kapilyuhan sa mga mata. "Ikaw din 'yong nag-iiwan ng sweet delicacies sa tambayan, 'di ba? I'm a big fan of yours. Ang sarap ng gawa mo. Ang galing mong mag-bake."
Nginitian ko si Ash nang matamis. "Thank you—" Hinarangan ni Chase ang mukha ko. Ni bumbunan tuloy ni Ash ay hindi ko na makita.
Ash laughed. "Possessive much?"
"Jealous much?" Lennox seconded.
"Kung ang mga inggiterong 'yon ang ipinunta n'yo rito, wala akong pakialam. Masyado kayong nagpapa-threaten sa kanila," Chase retorted smugly.
Lennox scoffed. "Are you kidding me? It would be the day. Pero aaminin ko, they're getting on my nerves already. Kaunting-kaunti na lang ang pasensiya ko sa kanila. Anyway, kaya namin kayo sinundan ay para wala ka nang kawala kapag niyaya ka naming mag-car racing sa Ozone. And don't say no to us this time. Ang dami mo nang utang sa 'min."
"Fine. Pero ihahatid ko muna si Hanna."
Agad kong itinaas ang isang kamay bilang pagtanggi. "Huwag na, Chase. Okay lang."
"I insist."
"Pero—"
"Ihahatid kita. And that's final."
Napanguso ako. Kapag ganoon ang tono ni Chase, wala akong magagawa kundi sumunod. Bossy! "Sige na nga." Amused naman ang mga mukha nila Ash at Lennox habang nakikinig sa munting diskusyon namin ni Chase. "Wait lang, ha?"
Siyempre, hindi ko puwedeng hindi kunan ng litrato ang p-in-aint ni Chase. Ako kaya ang ipininta niya. Ipi-print ko iyon at ididikit sa dingding ng kuwarto ko.
Pagkatapos kong picture-an ang "obra" namin ni Chase ay nginitian ko silang tatlo. "Let's go, guys!"
HINDI ako pinayagan ni Chase nang ipilit kong sumama sa kanila. Malayo raw kasi ang venue ng race. Sa QC pa. Gagabihin din daw sila. Gusto ko kasi siyang panooring makipagkarerahan. Hindi ko pa naranasang manood ng car racing. Pero nae-excite ako sa kaalamang si Chase ang papanoorin ko. Base kasi sa pananalita ng mga kaibigan niya, mukhang magaling makipagkarerahan si Chase. Kasalukuyang nakasunod sa amin ang Aston Martin. Sakay niyon sila Ash at Lennox.
"Don't worry. Soon, mapapanood mo rin ako. Bibigyan kita ng isang mainit na laban," he assured me.
"Talaga? Promise 'yan, ah?"
"Promise."
Tumigil ang sasakyan namin. Medyo traffic kasi. Nahagip ng paningin ko sa labas ng bintana ang sa tingin ko'y mag-ama hindi kalayuan sa kinahihimpilan ng kotse. Sa gilid kasi ay bukana ng squatter's area. Napasinghap ako. Sinasaktan ng tatay ang anak niya! Sa tantiya ko, nasa early twenties pa lang iyong tatay at five years old ang batang lalaki. Iyak nang iyak iyong bata habang binabatok-batukan at pinagsasampal ng ama. Baki wala man lang pumipigil sa tatay?
Nagulat na lang ako nang biglang bumaba ng kotse si Chase. Dali-dali rin akong bumaba at sinundan siya. Papunta siya sa mag-ama!
"Wala ka talagang kuwenta! Wala kang silbi! Simpleng pagnanakaw lang, hindi mo pa magawa! Hindi ka kakain ngayon. Magdusa kang bobong bata ka. Wala akong pakialam sa 'yo kahit anak pa kita!" sigaw ng tatay. Mukhang nakainom din ito. Pero bago nito masaktang muli ang bata ay mabilis hinablot ni Chase ang damit nito at sinuntok sa mukha.
Napasinghap ako. "Chase!"
"Walanghiya ka! Ano'ng karapatan mong saktan ang kaawang-awang bata, ha? Ikaw ang mas walang kuwenta! Gago!" Galit na galit si Chase. Inundayan uli niya nang malakas na suntok ang tatay.
"Tama na, Chase!"
Dumating sila Ash at Lennox at inawat si Chase. Tumulong na rin ang ilang taga-squatter's area at street enforcer. Niyakap ko ang bata na walang tigil sa pag-iyak. Lalo akong naawa rito nang tumugon sa yakap ko. Nanginginig. Takot na takot. Puno ng sugat ang buong katawan. Matagal na siguro itong sinasaktan ng ama.
Ngayon ko lang nakitang nagalit nang ganoon si Chase. He was fuming mad. Kung walang umawat, baka napatay na niya iyong tatay. Hindi pa nakakabawi ay sinusuntok na naman.
"Sige na, Hanna. Kami na'ng bahala rito. Dalhin mo na si Chase sa kotse. Kami na rin ang bahala sa bata," sabi ni Ash.
Tumango ako. Niyuko ko ang bata at sinabing mabait si Ash kaya huwag matakot. Tahimik na sumama kay Ash ang bata. Iginilid naman ni Lennox ang kotse ni Chase sa kalsada.
I could still feel Chase's fury. Masuyong hinawakan ko ang isang kamay niya.
Nag-soften ang mukha niya nang tumingin sa akin. Unti-unti ring naging patag ang paghinga niya. Ipinagsalikop niya nang mahigpit ang mga kamay namin.
"I'm sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ayaw na ayaw kong nakakakita ng mga magulang na sinasaktan ang anak nila. I fucking hate it. It's sickening."
"No," pinisil ko ang kamay niya. "You did the right thing. Ipinagtanggol mo 'yong bata. Hindi na siya masasaktan ng tatay niya kasi hinuli na ito."
Umiling siya. "Bakit may mga magulang na ganoon? Nakakayang saktan ang sariling anak? Hindi na lang sana sila nag-anak kung mamaltratuhin lang."
Napatitig ako sa kanya. Bakit may iba siyang pinapakahulugan doon? Parang ang lalim ng pinanggagalingan niya. Sinasaktan din ba siya ng mga magulang? Parehas ba sila ng naranasan ng bata kaya ganoon na lang ang galit niya? Then it hit me. Ang mga magulang ba ni Chase ang dahilan kung bakit nagbago siya? Nagrerebelde ba siya sa mga ito?
Chase pulled my hand and hugged me tight. Tinugon ko ang kanyang yakap. "I'm glad you're here with me, Hanna," he whispered.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomanceIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...