NALAMAN ko kay Winnie na nagkasagutan daw sila Chase at Kiro kagabi. In-insist ni Kiro na siya ang maghahatid sa 'kin gaya ng promise niya pero hindi pumayag si Chase. Sinisi pa ni Chase si Kiro dahil pinabayaan ako ng huli. Hindi dapat sisihin ni Chase si Kiro. In the first place, ako ang naglasing. Hindi iyon kasalanan ni Kiro. Ako itong nagkalat sa victory party. Kaya nang humingi ng sorry si Kiro sa 'kin, agad kong inawat. Kung meron mang dapat mag-sorry, ako iyon.
"I ordered all your favorite food. Kuha ka lang sa tray ko," Chase told me. Nasa cafeteria kami. Nakumbinsi ko rin siyang kumain ng lunch sa cafeteria kaya naman dama ko ang tinginan ng mga estudyanteng naroon.
"Thanks." Dami kong busog nito, hehe.
"Sigurado ka ba diyan, Chase? Baka wala kang makain niyan. Si Hanna pa. Malakas kumain 'yan. Bulldozer 'yan, eh. Baka wala pang isang iglap, nasa tiyan na niya ang mga in-order mo. Magugutom ka lang." Nagtatawa si Winnie. Nawala na ang awkwardness niya towards Chase. Ito nga at nabibiro na niya. Binelatan ko siya.
Chase's lips curved into a lopsided smile. "I know that already but I don't mind. It's Hanna."
Napaawang ang bibig ni Winnie. Sure ako, nawindang din siya sa ngiti ni Chase. Ngayon lang din kasi niya nakitang ngumiti ang binata. I felt proud of myself. Nang makabawi ay tumikhim siya. Tiningnan ako nang makahulugan. "Ehem, ehem. Ang thoughtful naman."
I giggled silently. Inalok din ni Chase si Winnie ng pagkain niya.
"Hey, guys."
Kiro and Rayt joined our table. Ang dami ring in-order ni Kiro. Suddenly, tension filled our table.
"Hanna, share tayo ng food. In-order ko ang mga paborito mo," nakangiting offer ni Kiro.
"Ay, pareho sila," pagpaparinig ni Winnie, sabay hagikgik nang mahina.
"I already did, dela Vega. So no need to offer yours. Ayokong maumay si Hanna sa matamis." Cool lang ang pagkakasabi niyon ni Chase pero may diin.
Malamig ang tinging ipinukol ni Kiro kay Chase. "I'm not talking to you, Mondragon."
Sa pagkagulat ko, magkasabay na iniumang nila Chase at Kiro ang dalawang magkaibang flavor ng cupcake. Hindi nila natantiya ang lapit niyon sa mukha ko kaya tumama ang whipped cream sa ilong ko.
"Try this, Hanna. Blueberry cupcake stuffed with Belgian chocolate filling."
"Try this instead, Hanna. Rainbow cupcake. Bago nilang recipe at mas masarap pa sa Blueberry cupcake na 'yan."
Nagtagisan ng matatalim na laser beam sila Chase at Kiro.
"Kaninong buhok kaya itong natatapakan ko? Ang haba, eh," aliw na aliw na pagpaparinig na naman ni Winnie. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rayt.
Nang mapansin nila ang whipped cream sa ilong ko ay mabilis pa sa alas-kuwatrong nagsipagkuha ng tissue paper. Pero inawat ko. "Ako na. Ako na rin ang magpupunas ng ilong ko. Chaae, Kiro, huwag na kayong magtalo, okay? Kumain na lang tayo. Pagsasaluhan nating lahat ang binili n'yo."
Walang nagsalita pero ramdam ko pa rin ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Napabuntong-hininga ako.
"Hinahamon kita."
Napatingin kaming lahat kay Kiro.
"Alam kong nagka-car racing ka, Mondragon. You even drag race, am I right? So I dare you. Kung sino ang mananalo, siya ang makaka-date ni Hanna."
Nabitawan ko ang hawak na kutsara.
Ano raw?!
"WHAT did you say?" Chase's jaw was clenching. Hindi nagustuhan ang sinabi ni Kiro. Napasinghap at napatayo kami nang kuwelyuhan niya si Kiro at isinalampak sa malapit na poste.
"Chase!" natatarantang sigaw ko.
"Ano'ng tingin mo kay Hanna, ha? Isang premyo na pagpupustahan? Laruan? Gano'n ba? Ha?!" Hinigpitan ni Chase ang pagkakakuwelyo kay Kiro na halos masakal na.
"It's not what you think," kalmadong sabi ni Kiro. Ni hindi man lang pumalag o makitaan ng takot sa pagtugis ni Chase. Tumingin siya sa 'kin. "I'm sorry, Hanna. I'm doing this because this is the only way I can think of to be with you. I like you."
Nanlaki ang mga mata ko.
"I like you. A lot. Matagal na akong may gusto sa 'yo, Hanna. Pero natotorpe ako kaya hindi ko masabi-sabi ang feelings ko. Hindi ganito ang inaasahan kong pag-amin pero wala akong choice. I needed to let this out. Or I'll regret without telling you in the end. When I completely lost you to someone... Every time na nakikita ko kayong magkasama ni Mondragon, na nagiging close sa isa't isa, nginangatngat ako ng selos. Nagseselos ako. Sobra. Iyon din ang isang dahilan kung bakit ayokong makipaglapit ka sa kanya."
"Kiro..."
"Still, it's not an excuse para gipitin mo si Hanna nang ganito," Chase interjected. Lumuwag ang pagkakakuwelyo kay Kiro. "At hindi ko gusto na pinapangunahan mo siya sa nararamdaman niya. Akala ko, matalino ka, Mr. President?"
"I'm not stupid, Mondragon. Hindi ako bulag para hindi makita ang mga pagbabago sa 'yo. Hindi ako bulag kung paano mo tingnan si Hanna. Now that I have confessed my feelings to her, mas lalo lang akong naging determinadong hamunin ka. And with Hanna, it's worth it. Hindi kita uurungan kahit ikaw pa ang kalaban ko!" Malakas na itinulak ni Kiro si Chase.
"Stop it!" Pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang anumang sandali, lalabas ang puso ko sa ribcage. "Please. Huwag na kayong mag-away."
"Hanna." Napabaling ako kay Kiro. Nakikiusap ang mga mata niya, and at the same time, apologetic.
I sighed before I speak again. "Sige. Pumapayag ako. Kung sino ang mananalo sa race, siya ang... m-makaka-date ko." Nag-init ang mga pisngi ko. My God! I never thought I'd say that. Maloloka yata ako!
Nagliwanag ang mukha ni Kiro. Samantalang salungat si Chase sa desisyon ko. Pero sa huli, tumango siya. Then a sinister smile formed his lips.
"You know what, you're right. I want Hanna all for myself," Chase told Kiro smugly. "I am a selfish person. Selfish ako sa lahat ng importante sa 'kin. And she's all that. She makes me crazy. She makes me happy. She makes me feel."
Lalong naghuramentado ang dibdib ko.
"Kaya humanda ka, dela Vega. I won't lose the girl I like over you. She's mine."
Nakalimutan kong huminga sa sinabing iyon ni Chase.
------------
A/N: Sino kaya mananalo sa race? Mehehehehe
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomansaIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...