11: Confession

419 9 0
                                    

Hindi padin bumabalik si Sir Ezekiel matapos niyang sabihin sakin lahat kahapon. Di ko maintindihan, Siguro kailangan ko ng harapin ang bestfriend ko.

"Kurt! Samahan mo naman ako!"
Pagtawag ko kay Kurt, naglalakad ako ngayon papasok ng room pero nakita ko si Kurt kaya naisipan ko na magpasama sa kanya.

"Saan HayleLabs?"
Walang ganang saad nito. Ano kayang nangyayari? Di ko maintindihan sobrang gulo ng mundo.

"Kay Pearl."
Saad ko.

"Ah. Sige Labs mamaya pagkauwi natin."
Tsaka siya nagpaalam dahil may importante pa daw siyang gagawin.

"Goodmorning Hayle."
Bungad ni Sir Ezekiel, Kala ko di ko makikita ang taong to dahil hindi niya ko binalikan kahapon pero bakit nga ba ako umaasa?

"morning sir."
Walang ganang tugon ko. At umupo ako agad sa upuan at handa ng mag-isip. Hindi ko na naiintindihan kung ano pang dinidiscuss niya. Sobrang gulo.

"Hayle pwede bang magdinner tayo mamaya?"
Kaming dalawa nalang ni Sir ang nasa classroom pagkat umalis na ang ibang kaklase ko.

"For what sir?"
Mataray na tanong ko.

"Dun natin pag-uusapan ang nais mo malaman."
Sagot nito.

"May pupuntahan kasi ako mamaya. Pupuntahan ko si Pearl, Gusto ko na kasing malaman kung bakit ganto yung nangyayari."
Walang ganang sabi ko.

"Ako na bahalang magpaliwanag sayo ng lahat."
Sagot nito.

"P-per-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang

"Kakausapin ko si Kurt na hindi kayo matutuloy."
Sabad nito.

"Marami pa namang ibang araw Sir baka pwede imove nalang natin kahit bukas?"
Ngunit bakas sa mukha nito na parang ayaw niya ipagpabukas.

"Tumatakbo ang oras Hayle. Mas maganda na habang maaga maging maayos ang lahat."
Pagkasabi niya nito'y iniwan niya ko.

HAYYYYSSS LAGIII NAALLLAANGGGG!

"Labs!"
Sigaw ni Kurt.

"Oh Kurt."
Sabad ko, Sasabihin ko na sana ngunit

"Hayle tara na?"
Biglang singit ni Sir Ezekiel sa likod ko.

"Labs may pupuntahan kayo?"
Tanong ni Kurt. Parang nasasaktan ako para sa kanya dahil ako mismo nagpasama pero parang pinaasa ko siya. Halata pa naman na parang nagmadali siya matapos lang ang klase.

"A-O"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinangunahan ako ni Si Ezekiel.

"Oo, May date kami."
Sabay tingin nito sakin at nagwink siya bigla. Nakakadiri! Pero mas nagulanting ako ng bigla niya akong akbayan at halata sa mata ni Kurt ang pagtataka.

Pagtalikod ni Kurt ay sumigaw ako.
"I'll explain later!"

"Bakit ka magpapaliwanag sa kanya eh hindi mo naman siya boyfriend?"
Pagtatanong nito.

"Ano naman? Ano bang pake mo?"
Sabay irap ko at tinanggal ko ang pagkakaakbay nito sakin.

"Wag mo nga ko maakbay-akbayan. Nakakahiya sa mga estudyante baka isipin pa nila nilalandi kita."
Sabi ko dito.

"Oh anong pag-uusapan natin?"
Pangunguna ko.

"Mga bagay na gusto mong malaman."
Seryosong saad nito.

"Oh kailangan seryoso?"
Bigla ko siyang inirapan.

"Hayle, Dahil kasama naman kita excempted kana sa assignment na binigay ko."
Sabad nito.

"Anong assignment yan?"
Halata sa mata nito ang pagtataka dahil bukod sa di ko alam ay di kasi ako nakikinig.

"Wag ka ng gumawa pero sana makinig ka naman dahil para sayo din to."
Sabat nito.

"Bakit ba concern ka?"
Sabay irap ko.

"Kasi Gusto kita."
Pagkasabi niya nito'y natulala ako. Dahil bukod sa sabi ni Pearl na nilalandi ko siya ay mas magagalit sakin yun dahil sa nangyayari ngayon.

My Husband is My Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon