Date

2.2K 118 3
                                    

"DITO ako madalas noong bata ako."

Inilipat ko ang tingin kay Chase buhat sa peryahan. He was half-smiling, nostalgic even. May nakita rin akong sadness and pain sa mga mata niya pero mas nangingibabaw ang pangungulila.

"'Di ba sabi ko sa 'yo noon na mahilig akong maglaro sa perya? Dito 'yon. Dito ko napalanunan 'yong music box na ibinigay ko sa 'yo no'ng bata tayo."

"Chase..." I was breathless. Iyon ang unang pagkakataon na nag-mention siya ng tungkol sa pagkakakilala naming dalawa! Ang tungkol sa music box..."

"Masaya kasi rito. Nakakalimutan ko ang problema. Nakakalimutan ko ang parents ko. But I stopped coming in here. Ngayon lang ulit. It had been years. Ang dami nang ipinagbago ng perya."

I flinched when he intertwined his fingers to mine. It felt awesome. So right.

Humarap siya sa 'kin. "Are you still surprised na ako ang nanalo sa race?"

"O-oo. Ang galing mo."

"I always win, Hanna. At lalong hindi ako papayag na hindi manalo para makasama ka. Hindi ako papayag na ibang lalaki ang ide-date mo bukod sa akin."

Oh, Lord!

Ngumiti siya. "You're so cute when you blush, baby." Hinila na niya ako papasok sa peryahan.

Mayamaya ay pareho na kaming nag-e-enjoy. Hindi na masyadong kabisado ni Chase ang pasikot-sikot sa perya, idagdag pang marami na ang nagbago. Nilaro namin lahat ang game booths. Pinuntahan din namin 'yong booth kung saan niya napalanunan ang music box ko. Ring toss game 'yon. At may music box pa ring prize aside from animal stuffed toys. Nanalo kami. Siyempre, ang music box ang pinili kong prize. First Love ni Utada Hikaru pa rin ang tunog nito. Tinawanan ko lang ang inis na inis na si Chase dahil bakit daw ganoon na naman ang tugtog ng music box. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa kanta. Bahala siya. Ha-ha!

I was grateful na dinala ako ni Chase sa perya. Because he just shared a piece of his childhood memory to me. Higit sa lahat, sa first date pa namin.

"Humirit ka pa talaga, ah," naiiling pero nakangiting sabi ni Chase habang nagmamaneho.

"Ang sarap kasi, eh," tugon ko, sabay kagat sa giant cotton candy. Nasa backseat lahat ang mga premyong napalanunan namin. Two-thirty PM na ng hapon. Pag-alis namin sa perya ay saka dumami ang tao. "So, saan naman tayo susunod na pupunta?"

"Sa hacienda."

"Sa hacienda n'yo?" pagkaklaro ko.

"Yes."

"Okay.


AFTER an hour and a half, narating namin ang hacienda. Bungad pa lang, makikita na ang malaking arko na may nakalagay na Welcome to Hacienda Mondragon. Alam kong napakayaman ng pamilya Mondragon. Parehong business entrepreneur ang mga magulang ni Chase. Sa import and export ang mga ito. Pero namamangha pa rin ako kapag nakikita ng sarili kong mga mata kung gaano kalawak ang mga ari-arian nila. Spanish style ang villa at may medium-sized swimming pool.

Sinalubong kami ng mga katiwala roon. Binati si Chase. Ipinakilala ako. Mainit ang pag-welcome nila pero halatang na-surprise. Iyon pala ay dahil nakita nilang muling ngumiti ang binata. Na-miss din ng mga ito ang magaang disposition ni Chase. Hindi lang ako ang nanibago sa pagbabago niya, pati ang mga trabahador nila sa hacienda. Tuloy, kung makatingin sila sa 'kin, nang-iintriga.

Ayon kay Chase, nasa Switzerland ang mga magulang niya para asikasuhin ang bagong ipinatayong textile company roon.

Una niya akong ipinasyal sa rancho. Sakto pagdating namin, nanganganak ang isang kabayo. Nakaantabay ang veterinarian na magtse-check. Ngayon lang ako naka-witness ng kabayong nanganganak. My heart swelled when the baby horse came out. Bagong-silang pero nakakaalakad na agad. Napapalakpak pa ako nang ma-achieve ng baby horse ang first step niya.

Sunod ay pinuntahan namin ang malawak na taniman ng gulay at prutas. Sa kabilang dako ay puro bulaklak naman ang nakatanim.

Tumigil kami sa tabi ng lumang barn. Walang hayop ang naroon.

"Wait for me here. May kukunin lang ako." Nagmamadaling umalis si Chase.

Tahimik ko siyang hinintay. Mayamaya ay nakarinig ako ng kaluskos. Ano 'yon? Galing pala sa loob ng barn. Kinabahan ako. Pero hindi ko pinansin.

Lumakas ang kaluskos. Napalunok ako. Walang ibang tao sa paligid. Tahimik pa.

Shit. Napaatras ako nang gumagalaw mag-isa 'yong pinto ng barn! "S-sino 'yan?" Nagtapang-tapangan ako. "M-may tao ba diyan?" Walang sumagot. Ang tagal naman kasing bumalik ni Chase. Natatakot na 'ko!

Napatili ako nang may bumagsak sa barn. "Multo! May multo!"

Hindi na ako nakapag-isip ng tama. Dali-daling inakyat ko ang puno ng niyog. Nahulog ang suot kong doll shoes. So what kung naka-dress ako? Aakyat talaga ako kaysa maabutan ng multo!

"Hanna?"

Napatili na naman ako. Ganoon na lang ang relief ko nang makita si... "Chase!"

"Ano'ng ginagawa mo diyan?"

"May multo!"

Napatuwid ang likod niya. "Saan?"

"Doon!" Nanginginig na itinuro ko ang barn.

Natigilan kami nang gumalaw na naman 'yong pinto. Napahigpit ang kapit ko sa puno ng niyog. "Oh, my God. 'Ayan na!"

Ganoon na lang ang gilalas ko nang lumabas ang isang aburidong matabang puting pusa sa barn.

Nagkatinginan kami ni Chase. Pagkatapos ay bumunghalit siya ng tawa. Napaluhod pa siya sa lupa sa kakatawa.

"Natakot ka dahil lang sa pusa?" Halos hindi niya mabigkas ang mga salita.

"Malay ko bang pusa pala 'yon? Akala ko multo." Hindi siya sumagot. Sige lang siya sa kakatawa. Napasimangot ako. "Sige, tawa pa. Mabulunan ka sana."

Pinunasan niya ang gilid ng mga mata. "I'm sorry. I can't help it. Look at you. Para kang tarsier. Ngayon lang uli ako nakatawa nang ganito."

Nalukot na naman ang mukha ko. Pero nawala ang pagkainis ko nang mapagmasdan si Chase. He was laughing. A real laugh. A carefree one. I smiled deep inside. At last, nakita ko rin siyang tumawa. Ang sarap ng tunog ng tawa niya. Actually, nasa perya pa lang kami, tumawa na siya. Pero hindi ganito. He was a sight to see.

Tumigil na siya sa pagtawa. Nangingiting tumayo siya at lumapit sa 'kin. "Let me help you get down there." Inalalayan niya akong makababa sa puno ng niyog. Ilang centimeters na lang bago ako makababa, natisod pa 'ko. Maagap akong nasalo ni Chase. Nagkalapit tuloy ang mga mukha namin. His eyes met mine. "Careful," bulong niya. I had goosebumps when his fresh breath fanned my face. Isinuot din niya sa 'kin ang sapatos ko. Feel na feel kong ako si Cinderella.

Napansin ko ang isang purong kabayong itim na nasa likuran namin. May saddle na rin ito. Ang hayop pala ang kinuha niya. Mukhang maamo.

"His name is Piccolo. He's an Arabian Horse and my favorite."

"Ang ganda niya," puri ko at hinawakan ang pinong-pinong balahibo ng kabayo. "Ay, sorry, Piccolo. Ang guwapo mo pala."

Chase chuckled.

Inalalayan niya akong makasakay kay Piccolo. I've never ride a horse before and I was excited. Nang makasakay na rin si Chase ay suwabeng pinatakbo niya ang kabayo.

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon