DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the writer's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
---
Ysa's
"Hi babe," I greeted Fulvio and kissed him on the cheek. Ang gwapo niya tingnan sa suit and tie niya, fits him well. "Are we gonna be late?" I asked.
"Dahil ang tagal mong magbihis..." he revived the engine and drove. "...maybe."
We both laughed. Time has always been an issue for him.
"Tingin mo, hindi ako ipapahiya ng magulang mo ro'n?" I asked.
He suddenly frowned. "I don't think so. Maraming business partners, they don't want their image to be ruined."
Pilit akong ngumiti. "I hope so."
Ilang segundong katahimikan ang namutawi sa amin. He hates the idea of his parents making my life like a living hell. His mother once poured a glass of wine on me and it stinks. His father also threatened me to stay away from him and if not, he will ruin my father's company. Mabuti na lang at mahal nila ang anak nila kaya sa tuwing pinagtatanggol niya ako, hindi na sila tumututol.
Fulvio... He is the boyfriend every girl could ever wish for. Kung makikilala mo siya, aakalain mo na isa siyang anghel. Sobrang bait niya, matulungin, masiyahin at iba pang mga good traits ang nasa kanya. He's always understandingㅡkahit madalas pa akong may mood swings. He also wants the best for me, I'm a spoiled brat. Sa lahat ng pag-gagala namin within two years, wala akong binayaran sa kahit ano ro'n. He would always be hesitant to let me pay for whatever we are buying.
I smiled from the thoughts.
I'm one of a hella lucky girl.
"Babe?" tawag ko sa kanya nang mapansin kong bumibilis na ang takbo namin. Humigpit ang hawak ko sa seatbelt. "Babe," muli kong tawag nang hindi niya inalis ang tingin sa daan.
"Fulvio, mababangga tayo!" I hissed. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa daan. "May puno!" muli kong sigaw pero dire-diretso lang siya ro'n.
"I'm sorry, Ysa," that was all he said. Lumingon siya sa akin at ngumiti. I don't what's the sense of his apology, why was he doing this? Bakit bigla siyang nag-iba? We still have a lot of plans ahead of us, bakit ganito?
Confused thoughts kept running in my mind until I heard the car crashing on the tree and felt dizziness.
And everything went black.
---
Kararating ko lang dito sa Pilipinas galing ng London pero agad kong napagdesisyunang pumunta sa mall para mamili. It's also boring, staying in the house and not doing anything. I admit that I'm a spoiled brat, just like what they call me.
Hindi lang naman mga kung ano-ano ang bibilhin ko, bibili rin ako ng mga gamit ko para sa freshman year ko sa college. Ayokong makisabay sa pagra-rush ng mga tao sa mga book stores, kahit na sale. Masyadong mainit at masikip.
They say, nagbago ako pagkatapos ng limang buwan. Yeah, I guess? I learned to stand up for myself. I learned to avoid being too affectionate to people. Well, who wouldn't change after a traumatic event? I can even say that I'm already over it. I tried to remember him all the time during my stay in London and I felt nothing. I forgot everything about my past, I'm all brand new.
I went to a book store to buy the things that are required for the upcoming school year, and it took me an hour. Matapos kong mamili ng mga kailangan ko ay agad akong dumiretso sa department store.
Napadpad ako sa glasses section at nagsukat ako ng bagay sa akin. Nakailang subok pa ako ng ibang salamin at sinusulyapan na ako ng saleslady dahil sa ginagawa ko. I hate this kind of scenario. Yung lalapit sila sa'yo kahit wala ka namang balak na bumili. Umalis na lang ako, baka mamaya daldalin pa ako n'yan.
I looked at my wristwatch and saw that it was already past five o'clock. Kailangan ko nang umuwi, masesermunan ako ni mom.
Since I know that dad's work will end in six o'clock and our building is nearby, I decided to just text him to fetch me. Kukunin ko na sana ang phone ko mula sa bulsa ko nang makapa kong wala ito rito.
Argh, I left it again. Napairap na lang ako dahil sa inis, hindi ko pa man din kabisado ang mall na 'to dahil kakalipat lang namin dito sa Manila. This is what usually happens to me, holding my phone, putting it somewhere for my attention is already on another and leaving because of forgetting about it.
Kahit nakakalito, bumalik ako sa glasses section. That is mom's most expensive gift, I can't leave it there just like that! Magagalit siya sa akin at sasabihan na naman ako ng pabayang babae, which is true I guess?
Nang makabalik ako roon sa parte ng glasses section kung saan ako nagsukat ng glasses, wala na roon ang phone ko. Argh, may nagnakaw na naman!
Naglakad-lakad ako sa paligid ng glasses section at baka naroon pa ang kumuha. Napatigil ako at napatingin sa isang lalaking naka-poop-colored hoodie na matangkad at naglalakad palayo habang hawak-hawak ang phone ko. I know that's my phone, nakalagay pa nga sa phone case ko na no touching, hindi ba 'yon nakakaintindi?
Naglakad ako ng mabilisㅡpara hindi masyadong halata na susugurin ko siyaㅡpapalapit sa lalaki. Nang makasabay ko siya sa paglalakad, hinarangan ko ang dinadaanan niya at tinitigan siya nang nakakrus ang braso. He was looking at me with a clueless face, more like with his eyebrows knitted. Tinaasan ko siya ng kilay at sinulyapan ang tingin ko sa phone ko bago ko siya ulit tingnan sa mata. Sudden realization hit him.
"Is this yours?" tanong niya at iniangat ang phone ko.
"Ay hindi, hindi," sarkastikong tugon ko na nagpakunot sa noo niya.
"What?"
Naiinis akong napairap, foreigner ba 'to or something? Baka naman nag-i-inarte lang 'to.
"That's mine," tugon ko at kinuha ang phone ko pero bago niya 'yon mabitawan ay mabilis niya itong hinablot pabalik. "Magnanakaw!" sigaw ko sa kanya at sinubukan ulit kunin ang cellphone ko pero hindi ko ito abot. Matangkad lang siya!
"I should've run if I was a thief. Now, who are you?" masama ang tingin niya sa'kin. Wow, ako pa ang ginaganyan niya ah? Nag-i-inarte nga lang, nakakaintindi naman pala ng Tagalog.
I arched my brow. "I'm Ysa Suarez, and if you care to give my phone back to meㅡ"
Inihigas niya bigla ang phone ko at buti't nasambot ko ito agad. Kunot na kunot ang noo ko siyang binalingan. "What's your probㅡ"
"Brett's the name." and he just walked away like that. Just like that.
I hate the name Brett now.
---
A/N: I decided to add some characters and details in the story so I suggest that you read it again from the very first chapter, pero hindi naman sa bawat chapter ay may bago. Kung tinatamad naman kayo, you can proceed kung saan kayo tumigil. Gan'yan kasi ako, lol. Thanks! ♡
BINABASA MO ANG
Ferocious Affection (COMPLETED)
Roman d'amourTroublemaker, that's what people call Ysa Suarez. She is good to the good, but she is worse to the bad. There's at least one thing you should know about her: she hates the feeling of being ruined just because of something, and as much as possible, s...