Kiro

2K 129 5
                                    

DINALA ko si Kiro sa botanical garden. Hindi kasi iyon puntahan ng estudyante. "Kiro, gusto kitang makausap tungkol sa—"

"Basted na ba ako?" nakangiting pamamatlang niya, but the pain was there. Nasasaktan ko siya. Pero kailangan ko itong gawin. Magiging unfair ako sa kanya kung hindi.

Pagkatapos ng namagitang halik sa 'min ni Chase, na-realize kong hindi na simpleng pagkagusto na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Higit pa roon.

"Hindi pa man ako nanliligaw, basted na agad ako," naiiling na sabi ni Kiro.

"I'm sorry."

"No, Hanna. Don't be sorry. Hindi mo kasalanang nagkagusto ako sa 'yo. Hindi ko napigilan ang sarili kong mahulog sa 'yo, eh. You're a wonderful girl. But you love him." It was a statement, not a question. "Such a lucky bastard." Natawa siya.

"Kiro," hinawakan ko ang isang kamay niya. "Gusto ko pa ring humingi ng sorry kasi hindi ko matutugunan ang damdamin mo para sa 'kin. Ayoko lang maging unfair sa 'yo. Matagal na tayong magkaibigan at mahalaga ka sa 'kin."

"Alam ko naman 'yon, Hanna. Tanggap ko. Magiging magkaibigan pa rin tayo, makakaasa ka ro'n. Pero hindi agad mawawala ang feelings ko para sa 'yo. Makaka-move on din ako pero hindi pa sa ngayon. Duwag kasi ako, eh. Pagong. Torpe. Naunahan tuloy ako." Natawa uli siya. "Actually, expected ko nang mangyayari ito. I just took my chance. And thank you for giving me that chance, Hanna."

Niyakap ko siya. Tinugon naman niya ang yakap ko. May tumikhim sa paligid. Nilingon namin 'yon.

"Chase..." Lumapit si Chase sa 'kin at hinigit ako sa baywang.

Tumingin nang deretso si Kiro kay Chase. "Alagaan mong mabuti si Hanna, Mondragon. Hindi ako mananahimik oras na sinaktan mo siya. Malalagot ka sa 'kin. Tandaan mo 'yan."

"Hurting Hanna is the very last thing I would do," seryosong tugon ni Chase.

"Good." Inilahad ni Kiro ang isang kamay kay Chase. Tinanggap naman ni Chase ang pakikipagkamay ni Kiro.


---------------

A/N: Awww! Bigyan ng hug si Kiro ❤️

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon