"CHASE?" tawag-pansin ko sa binata. Kanina pa kasi siya tahimik. Nag-text siya na pupuntahan niya ako sa bahay. 'Tapos, naglakad-lakad kami sa parke. Sa parke kung saan kami nagkakilala.
It had been four days since the incident with Paul. Nawalan ako ng malay pagkatapos masaksak sa balikat. Pagkagising ko, nasa hospital na ako. Kung naiba ang sitwasyon, hindi ako mawawalan ng malay. Hindi naman talaga ako takot sa dugo no'ng bata ako. Makakaya ko ang sakit. Pero nang maaksidente si Ate Hazel, nagka-trauma na 'ko sa dugo. Nagtamo ng mga pasa, sugat, at galos si Chase kaya pareho kaming ginamot sa hospital. Eksakto ang pagdating nila Ash to help us. Palihim ko kasi silang t-in-ext no'ng hinarangan ako ni Chase at abala sa paglilitanya ang tarantadong magkapatid na sila Paul at Anton. Nahuli rin ang mga ito.
Bumuntong-hininga si Chase, saka tumingin sa 'kin. Parang napakahirap para sa kanya ang kung ano mang sasabihin. "I'm leaving."
Para akong naestatwa sa kinatatayuan. "A-ano? P-pero bakit?" Biglaan naman yata.
"Naaksidente si Dad sa Switzerland. Car accident."
I gasped. "Oh, my God. Kumusta siya?"
"He's critical. Still unconscious. Kahapon ko lang nalaman." He averted his gaze from me. "Mabuti rin 'yong lumayo muna ako, Hanna. Kiro's right. Napapahamak ka nang dahil sa 'kin."
"Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Wala kang kasalanan. Prinotektahan lang kita."
"'Yon na nga, eh. Ako dapat ang magpoprotekta sa 'yo, hindi ikaw."
"Chase, hindi por que ikaw ang lalaki, ikaw lang ang magpoprotekta. We'll protect each other. That's what you'll do for the people you love."
"Kasalanan ko pa rin, Hanna. Kaya nagdadalawang-isip akong papasukin ka sa buhay ko noon kasi alam kong puwedeng mangyari 'to. Takot na takot ako no'ng hawak ka ni Paul sa kamay niya. At mas lalo akong nanginig no'ng nasaksak ka. Paano kung mas matindi ang mangyari sa 'yo sa susunod? Hindi ko kakayanin, Hanna."
"Chase..." Tears streaming down my face.
"I'm sorry, baby," He wiped my tears solemnly. "Kailangan ko 'tong gawin. You've already healed a huge part of my broken soul, but I'm still broken. Hindi pa ako tuluyang buo. Hiyang-hiya ako kila Tito at Tita. They trusted me. But look what happened.
"I need to be there. My mother needs. Hindi pa kami nagkakausap pero handa na akong gawin 'yon. Handa na akong magpatawad. Noong nalaman kong naaksidente si Dad, natakot ako. Paano kung huli na at hindi na kami makakapagsimula uli ng bago? Paano kung hindi na niya marinig ang kapatawaran ko?
"Pansamantala lang naman ito, Hanna. Kailangan ko munang buuin ang sarili ko nang tuluyan. Kailangan kong ayusin ang sarili ko at ang lamat sa pamilya ko. Para sa pagbabalik ko, masasabi ko nang karapat-dapat akong lalaki para sa 'yo."
Tumango ako, suminghot-singhot. I understood that he had problems that he needs to solve on his own and in private. "Mahal kita, Chase."
"Mahal kita, Hanna," he kissed my forehead.
"Maghihintay ako sa pagbabalik mo. Hihintayin kita," lumuluhang sambit ko pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit. Maingat na tinugon ni Chase ang yakap ko para hindi maipit ang sugat ko sa balikat. Pero wala akong pakialam. Kahit masakit, yayakapin ko pa rin siya nang mahigpit. Yayakapin ko pa rin ang lalaking sa nakalipas na panahon ay naging may-ari ng puso ko. At patuloy na magmamay-ari sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomanceIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...