TUMINGIN ako sa wall clock ng kuwarto ko buhat sa ceiling. Alas-diyes na ng gabi. Tumigil na rin sa pagtunog ang cell phone ko sa mga pagbati ng former classmates, relatives, and friends. Dapat sa mga oras na ito, tulog na ako. Lalo pa't napagod ako sa exhibit. Not that I was complaining. Pero hindi ako makatulog. Nasa isip ko pa rin ang sinabi nila Mama at Papa. At si Chase. Never namang nawala ang binata sa isip ko. Palaging siya ang laman ng isip ko. Lalo ko rin siya na-miss.
It had been four years since Chase left. Sa Switzerland niya ipinagpatuloy ang pag-aaral dahil may branch doon ang Monica Verde. May communication naman kami. Hindi nga lang madalas kasi busy rin siya pero ayos na 'yon. Basta makausap ko siya once a week, kuntento na ako. Sa Facebook Messenger kami nag-uusap. Ayoko rin naman siyang istorbuhin dahil gusto ko siyang bigyan ng privacy. Magaling na ang daddy nito. Na-comatose ng apat na buwan at kinailangang sumailalim sa therapy dahil sa na-injure na buto pero naka-recover din. Kaso, dumalang ang pag-uusap namin. Pero kahit busy ako sa school, hindi ako pumapayag na hindi siya i-chat. Kahit wala na akong natatanggap na reply sa kanya.
Nag-log in ako sa Facebook. Ch-in-eck kung may message galing kay Chase. Wala. Medyo nagtampo ako. Hindi man lang niya ako binati sa first exhibit ko. Kahit simpleng HED man lang. Siyempre, imbento ko lang 'yon. Kung may HBD na Happy Birthday, meron ding HED. Short for Happy Exhibit Day.
Kalokohan mo, Hanna.
Natawa ako sa sarili ko.
Nami-miss ko na talaga si Chase...
Ang dami kong notifications. Puro tagged photos from my loved ones', and from my fans and followers na nagpunta sa exhibit ko. After kong tingnan, nagpasalamat, at ni-Like lahat ang mga naka-tag, pumunta ako sa Home. Parang na-freeze ang daliri at utak ko sa bumungad sa 'kin. May nag-tag ng picture kay Chase! Babae!
Parang nilamutak ang puso ko. Ang sweet-sweet nila sa picture. Nakahawak sa cell phone si Chase habang mala-sawang nakayakap ang babae sa baywang niya. Ang diin din ng pagkakayakap ni Chase sa babae. What the hell? Ngiting-ngiti sila pareho sa larawan, labas gilagid.
Namalayan ko na lang ang sarili na nagta-type ng message kay Chase. Tinanong kung sino ang babaeng 'yon sa picture na naka-tag sa kanya. Nanginginig pa ako sa pag-type pero mala-Typing Maniac sa bilis.
Ilang minuto kong tinitigan ang messages pero walang reply o Seen sign na dumating. Hindi rin naman online si Chase. Tumayo ako sa kama at nagparoo't parito. Hindi ako mapakali. Sino si Mila Goehner? Sino 'yon?!
Nang ma-relax nang kaunti ay umupo ako ulit sa kama at tiningnan ang Facebook ko. Para akong naubusan ng lakas nang makitang nag-deactivate si Chase. Bakit siya nag-deactivate? Online pala siya kanina pero bakit hindi man lang niya ako ni-reply-an? Ano 'to? Gaguhan?
Lalo akong naghinala. Nginatngat ng selos. Girlfriend ba niya ang Mila Goehner na 'yon? Kaya ba hindi na siya nagre-reply sa messages ko kasi ipinagpalit na niya ako sa Swiss Miss? Akala ko ba, babalikan niya ako? Naghihintay lang ba ako sa wala?
Hot tears fell down my face. Marahas na pinunasan ko ang mga luha. Kadalasan, pinapatugtog ko ang music box para makatulog ako. Pero hindi ko na kayang patugtugin 'yon ngayon. Maaalala ko lang si Chase. Labis akong nasaktan sa ginawa niya.
---
A/N: Ikaw naman kasi, Chase. Reply-reply din 'pag may time. 'Wag masyadong uminom ng Swiss Miss! 😒
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomantikIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...