Ang daming magagandang babae dito sa bar na ito. Da best! Wala akong kasama ngayon pero okey lang, mas maganda na gagawin ko ang gusto kong gawin, “break the rules” ika nga. Andaming magagandang babae. Pero may isang babae na nakanakaw sa paningin ko. Ay aba syempre, nilapitan ko na sya, chance na kaya to diba? So nilapitan ko siya, nagpakilala ako syempre.
“Hi miss, ako nga pala si Jayson” Sabi ko
“Oh hi Jayson, ako nga pala si Jan” Sagot nya.
“Sa lahat ng babae sa bar, ikaw lang ang nakita kong inosente ah, baguhan ka palang dito no? O siguro, hindi ka umiinom. Tama ba?” Tanong ko sa kanya.
“Oo, tama ka nga.” Sagot nya.
“Ang bait mo, ang kyut pa.” I complemented her looks.
“Naks, salamat naman.” She smiled shyly.
Ayon, nagkausap kami buong magdamag hanggang sa umabot kami sa sakit ko. I told her everything at parang naawa sya dahil 3 araw nalang daw ay mamamatay na ako. Marami din akong nalaman sa kanya, Artist pala sya, magaling siya sa pagpipintura at paggawa ng Origami. Single daw sya at naghahanap ng boyfriend. Hinatid nya lahat ng kasamahan nya, dahil sya lang ang hindi lasing. 6 sila, hindi pa sya kasama, so I offered my help nalang para hindi naman masyadong mahirap sa kanya. On our way to the last person’s house tinanong ko sa kanya:
“Mahilig kabang umakyat ng mga bundok-bundok?”
“Oo naman syempre, bakit mo natanong?” Sagot nya habang nagmamaneho.
“Ano kasi, isa sa mga wish ko ay maka-akyat ng bundok, kahit yung hindi man lang mataas pero mataas.” Wika ko.
“Ah talaga? Sino kasama mo?” Tanong nya ulit.
“Wala, ako nga lang eh, free kaba? Sama ka naman saken oh.” Sabi ko sa kanya.
“O sige ba, total wala naman akong gagawin bukas. Tsaka may alam akong bundok dito na maganda ang nasa tuktok. Dun nalang tayo, first bundok ko yon napuntahan at ang dami kong memories dun sa mga magulang ko.” Sagot nya, parang naluluha.
“Anong problema? Ba’t ka nalulungkot?” I asked her.
“Ano kase, namatay kasi yung mama ko sa Leukemia.” Tumulo na ang mga luha nya.
“Sorry. Hindi ko alam.” Nagsorry ako syempre.
“Nah, it’s nothing. Basta bukas ha? Magdala ka ng bag bukas tsaka tent. Dun na tayo matutulog.” Sabi nya habang pinapahid nya ang kanyang luha.
“O sige ba, sino sa foods?” Tanong ko.
“Ikaw syempre, ikaw tong nangimbita eh.” Namilisopo sya.
“Ah sige.” Wika ko.
“Eto nga pala number ko, tawagan mo lang ako pag may kaylangan ka, 09239050965.” Binigay nya number nya.
“Salamat.”
At yun natapos ang gabing ‘yon at nagprepare na ako sa lahat ng gagamitin bukas. Hindi ako makatulog, kaya tinawagan ko sya.
Ring! Ring!
“Hello?” Finally she picked up.
“Hi Jan, si Jay nga pala ‘to.” Wika ko.
“Can’t sleep either?” Tanong nya.
“Oo eh, may nakita kasi akong maganda kanina. Iniisip ko nga sya ngayon.” Bola ko.
“Sino naman yun?” Tanong nya ulit.
“Ikaw.” Sabi ko.
Hindi sya umimik, matagal-tagal din ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa kaya I decided to break the silence.
“Ahh, sige ha, matutulog na ako. Maaga pa ang alis natin bukas.” Wika ko.
“Sige, ako din.” Sagot ni Janice.
“Bye.”
“Bye.”
Masamang move talaga yun, ewan ko, bigla nalang lumabas sa utak ko eh. Sana naman hindi nya ako dedmahin bukas. Mamamatay siguro ako kung hindi nya ako kakausapin.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts - KathNiel
RomanceMay Leukemia si Jayson, at ang sabi ng doktor ay hindi na siya tatagal. Sa 3 araw na natitira, handa si Jayson na gawin ang lahat upang matupad ang mga hiling niya. Magagawa niya ba ito?