CHAPTER 13 FAMOUS

1.6K 103 40
                                    

Makalipas ang ilang araw buhat ng malaman ni Simyeon ang tungkol sa talento ng kaniyang kapatid ay naglaan na siya ng suporta dito.

Sa tulong ni Mang Kanor ay nakabili na siya ng bagong violin na angkop ang laki para sa musmos na katawan ni Xeven.

Nalaman niyang sa pakikinig lang ng musika mahilig si Xeven at hindi sa panonood .

Sa mga videos sa youtube o maging ng isama niya ito sa isang konsyerto ay nakatulog lang ang bata.

Pinasuri din niya ang kapatid sa isang child psychologist kung ano ang estado ng karunungan ni Xeven.

Musically gifted ang bata at walang pagdududa na isang genius ito ayon sa mga pagsusuri at pagpapamalas ni Xeven sa pagtutog.

Mabilis itong makamemorya ng nota sa pakikinig at nakukuha kaagad sa isang kapaan oras na marinig agad ang isang musika.

Kaya naman unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa tahanan ni Simyeon at sa mga kasama nito.

*****

***SIMYEON***

Gaya ng dati,pagkagaling school excited akong umuwi.

Hindi sa makakapagpahinga ako kundi sa mukha ng kapatid kong sasalubong sa akin.

Nakakahawa ang kaniyang pagkatao sa tuwing tatalon at mapapahiga ako sa pagkakayakap niya.

Hindi pa ako nabigo sa tuwing sasalubungin niya ako sa harap ng pintuan at doon na mismo ako sa sahig makakabawi ng maghapong pagod na katawan.

Hihiga lang kami at yayakapin ang isa't-isa.

Lalo akong nanabik sa kaniya ngayong may nadagdag sa kaniyang schedule sa araw- araw.

Si Xeven mismo ang nagtatalaga sa kaniyang sarili kung kailan siya magpapractice ng violin.

Siya na ang nagtalaga kung kailan,anong oras pupunta sa kabilang bahay para magpaturo.

Hindi iyon pwedeng baguhin.

Obsessive-cumpolsive si Xeven kaya dapat siya ang masusunod sa gusto niya.

Hindi siya dapat pakialaman sa daily routine.

Nakakagulat.

Akala ko ay kami ang nagtatakda ng mga gagawin niya. Sa pagkain,sa pagtulog,sa paglalaro,at quite time. All along, siya pala ang gumagawa nito para sa kaniyang sarili at hindi kami.

May mga bagay din siyang di kayang sabihin sa amin kaya dinadaan niya sa mga gestures

Hihimasin ang ulo kung siya ay good boy.

Tatapikin ang dibdib kung ayaw.

Naghihimas ng mga kamay kung excited.

Nakakausap naman siya at nasagot depende kung gusto niya o hindi.

Pero ang pinakagusto ko,yung yayakap at hahalik na parang wala ng bukas o di kaya ay titingnan ka.

Mabibilang sa daliri kung ilang beses ba niya akong tiningnan ng mata sa mata.

Minsan nga ay nagseselos pa ako kay Nikko dahil madalas ginagawa ito ni Xeven sa kaniya.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon