Windy Point of View
Nakatitig lang ako sa isang lalaking palaging nagpapatibok nang malakas sa puso ko. Inaamin kong crush ko siya pero noon lang iyon. Kasi ngayon ay gusto ko na siya. Mali, mahal ko na pala siya.
Pero ang masakit lang ay alam ko namang wala siyang nararamdaman sa akin katulad ng nararamdaman ko sa kaniya.
Titig na titig lang ako sa kaniya. Pinagmamasdan siyang nagba-basketball kasama ang mga kaibigan niya.
"Bro, tingnan mo 'yong babae kanina pa say'o nakatitig 'yan." Nang marinig ko ang salitang iyon nataranta naman ako. Umakto akong walang narinig at saka dali-daling inayos ang gamit ko. Lalabas na sana ng court kaso tinawag niya na ako.
"Miss, who are you?" tanong niya na nagpalakas nang sobra sa tibok ng puso ko.
"Miss tinatanong kita-" Hindi na siya natapos nang tumunog ang phone ko. Ramdam ko kaninang papalapit na sana siya ang kaso ay may tumawag sa akin. Thanks God! Hindi ko pa siya kayang kausapin nang harapan. Sinagot ko kaagad ang tawag sa akin.
"Hello, bakit ka napatawag Danica?" tanong ko sa kaibigan ko.
"Bes, sa friday na ang JS Prom. Anong balak mo? Wala ka pa ring kapartner?" aniya.
"Kung walang kapartner sa JS edi huwag umattend. 'Yon lang, tapos! Oh 'di ba problem solve bes? Minsan, gamitin din ang utak 'no?" sabi ko pero kahit ang totoo kaya pumunta ako sa court na iyon para sana kapalan ang mukha na yayain siya na siya na lang maging partner ko sa JS. Pero napakalabo mangyari kasi isa siyang sikat. Sikat na sikat siya sa university lalo na't anak siya ng may-ari.
"Tsk! bahala ka sa buhay mo. Maibaba na nga lang." Natawa at napailing-iling na lang ako habang naririnig ang mga salitang iyon ni bes.
"Hays, ewan ko sa'yo Danica," bulong ko na lang at tinago sa bag ang phone.
Malapit na pala gumabi kaya naglalakad na akong umuwi. Pero bakit ganoon? Nararamdaman kong may nakasunod sa akin.
Nakaramdam ako ng takot kaya lakad takbo. Lakad at takbo ang ginawa ko kasi sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing mararamdaman kong may nakasunod sa akin.
Natatakot ulit akong mangyari sa akin ulit ang nngyari sa akin noon. Nang ginabi na ako makauwi ay muntik na akong ma-rape. Buti may mga barangay. Tanod na nag-iikot-ikot noon kaya nailigtas ako at naihatid nila ako sa bahay. Walang galos at walang dungis ang katawan.
"Diyos ko po, ano nanaman ito? Natatakot na ako Lord. Huwag naman sana mangyari ulit ang dati. Natatakot na ako," bulong kong saad at halos lahat ng prayer, pinalangin ko na.
Malayo-layo pa rin ako sa bahay kaya lakad at takbo pa rin ginawa ko sa sobrang takot. Lord, help me please? Kung masama na naman ito, iligtas niyo na ako please? Natatakot na talaga ako. Ayoko na mangyari ang dati!
Napapahinga na ako nang maluwag kasi malapit na ako sa bahay namin. Pero ramdam ko pa ring may nakasunod sa akin kaya hindi pa rin mawala-wala ang kabang nanlulukob sa dibdib ko.
"Miss!" tawag sa akin ng kung sino kaya nagulat ako kasi hinawakan din ako sa kamay ko.
"Ahh!" Hindi na natapos ang pagsigaw ko nang takpan niya ang bibig ko. Nabitiwan ko ang mga librong hawak-hawak ko.
Ang mga kamay ko ay nanginginig na naman. Naramdaman kong unti-unti niyang tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Nakahinga naman ako nang maluwag. Pero may kaba pa ring nararamdaman.
"S-sino ka?" tanong ko at ginawa ko, dahan-dahang humarap sa kaniya.
Nanlaki nang tuluyan ang mata ko nang makita kung sino ang lalaking ito. Shems! Siya? si Lavier ang minamahal kong tao na hindi naman ako mahal.
"I-ikaw? ah, ahm, anong g-ginagawa mo r-rito?" uutal-utal kong tanong. Paano ba naman ang lapit namin sa isa't isa, hirap makahinga.
"Naiwan mo kasi ito sa court kanina kaya sinundan kita, natakot ba kita? Kita ko kasing sobra-sobrang natatakot ka kanina nang nararamdaman mo yatang hinahabol kita. Sinundan kasi kita dahil naiwan mo ito," sabi niya at itinaas ang science book ko. Shems! Buti na lang, ang bait niya pala. May report pa naman kami bukas sa Science kaya naman salamat sa kaniya.
"S-salamat, maraming salamat kasi sinundan mo pa talaga ako para rito. At saka kailangan ko rin ito bukas kaya salamat talaga." For the first time, hindi na ako uutal-utal magsalita. Ang saya ko kasi kahit paano nakausap ko siya nang ganito kalapit.
"You're always welcome miss," sabi niya sabay kindat. Napayuko naman ako. Shems! kinikilig ako, parang sasabog na ang puso ko. Parang mamamatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tapos ang pisngi ko, ramdam na ramdam ko ang sobrang pag-init nito. Magkabilaan pa. Kaya napayuko talaga ako.
"Ahm, miss, aalis na pala ako. May kailangan pa ako gawin. Ingat miss, see you again someday," sabi niya at ginulo-gulo ang buhok ko bago siya umalis.
Bigla kong naalala na kailangan ko kapalan mukha ko. Kailangan ko gawin ito. Kailangan ko ipakita sa friends ko na this time last JS prom makakasali na ako.
Huminga muna ako nang malalim. Pinikit ang mata para kumuha ng lakas pagkatapos, idinilat ko ito at sabay sumigaw.
"Sandali!" sigaw ko na nagpahinto sa kaniya. Humarap siya sa akin nang nakakunot ang noo.
"Bakit hindi ka pa pumasok sa bahay niyo miss? Gabing-gabi na, delikado na," sabi niya.
"Thanks for concern, ahmm kakapalan ko na mukha ko. ahm may partner ka na ba sa JS prom?" tanong ko.
"Wala, why?" diretso niyang sagot
"Can you be my partner, please, just one night. Its okay if one night only, at friday night only for Js Prom!" pakikusap ko sa kaniya.
"Okay then, be my partner. Goodbye pumasok ka na," sabi niya at saka naglakad na palayo pero bago makalayo humarap siya sa akin at sumigaw.
"I will pick up you here on friday, 6:30PM," sabi niya saka tuluyang umalis.
Hanggang sa pagpasok ko sa loob ng bahay hindi ako makapaniwala na pumayag siya. Kaya naman pagulong-gulong ako sa kama at impit na sumusigaw sa sobrang kilig.
"Oh my God! Pumayag siya!" impit kong hiyaw at kilig na kilig na nagpagulong-gulong sa kama at nagtatalon-talon.
Finally, natupad na rin ang gusto ko. Kahit makasayaw ko lang siya this JS prom, ayos na sa akin at masaya na ako doon.
It is memorable night, hindi ko ito makalilimutan!
YOU ARE READING
Please, Just One Night (OneShotpart1)
RomanceAng babaeng hangad lamang ay makasama man lamang ang taong long time crush niya na ngayon ay mahal niya na makasama kahit isang geses makalapit o makausap man lamang ito. Bibigyan ba siya ng pagkakataon ng tadhana para makasama man lamang ito kahit...