Chapter 20 : Purple
I went to my classes. Everyone welcomed me which is very unusual. Umupo ako sa pwesto ko. Nol was already there. Winston, too. Pinaglalaruan niya ang hikaw sa kaliwang tainga.
Nol, on the other hand is just staring at the ceiling. Nakahalukipkip pa at nakapatong ang paa sa backrest ng silyang nasa harap niya.
“Do you guys know something about the missing student?” I asked.
Agad napatingin si Winston sa’kin tapos ay binalik din ang tingin sa harapan. Tahimik naman si Nol. Nanggigil ako bigla.
“Back to you, Keena!” sabi ko at umirap. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Nagsimula naman agad ang klase. I can’t even focus dahil iniisip ko pa rin si Jeric. Kung nasaan na siya. Kung umalis ba talaga siya o may kumuha sa kanya.
Lunch, agad akong lumabas ng room at pumunta sa library. Pumunta ako sa Science Area. Puno ng makakapal na libro ang shelves. I searched for a book about drugs and everything.
Nang may makita, agad ko iyong kinuha at umupo sa bakanteng lamesa. The book is very heavy— makapal kasi ‘yon.
I flipped the pages. I’m not really sure if it’s a drug. Kung gumagamit nga ba ng pinagbabawal na gamot si Jeric.
May mga information doon tungkol sa mga droga.
Wait— why am I searching for the drugs? Eh hindi ko naman alam kung ano’ng itsura nu’ng tinutukoy ni Agnes.
Binalik ko ang libro sa shelf nito at lumabas ng library. Kakain na nga lang muna ako.
🔍🔎
I laced my shoes before standing up. Wearing my jeans and black hoodie. My hair is tied up in a ponytail. “Whoa, you look so hot.” komento ni Agnes habang nakatingin sa’kin.
I rolled my eyes. “Agnes,”
She laughed and stood up. Isinukbit niya ang dalang maliit na backpack. “Let’s go!”
We had a plan. Habang nagdi-dinner ang lahat sa canteen, pupuslit kami ni Agnes sa loob ng boys’ dormitory para pumunta sa kwarto ni Jeric at nu’ng dorm mate niya.
We are both curious about what the authorities had recovered from Jeric’s things.
“Paano kung drugs nga iyon?” tanong ni Agnes habang naglalakad kami sa tahimik na pasilyo.
I shrugged my shoulders.
We hid on a wall when we are already outside the boys’ dormitory. Chineck namin kung may ibang tao ba. “So, how do we get in there?” I asked.
Paano kung may tao sa lobby?
“Tara!” agad niya kong hinila.
“Agnes!”
We successfully entered the dormitory. Walang tao sa lobby kaya dumeretso kami agad sa hagdan.
“Alam mo ba kung nasaan ang kwarto ni Jeric?” I asked her.
“Shit! Hindi!” pareho kaming nagpanic nang makarinig ng tawanan.
“Oh my God! Mahuhuli tayo!” mahinang bulalas ko.
“Uhm, t-this is the plan! Bumaba ulit tayo!” aniya kaya mabilis kaming bumaba.
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...