...

34 0 0
                                    

"Anong age mo gustong magpakasal?"

"Hmmm. Siguro 28 o 29? Basta kahit alin do'n sa dalawa," sagot mo sabay tingin sa akin.

"Ikaw ba?" dagdag mo.

"Kapag 28 o 29 ka na. Basta kahit alin do'n sa dalawa," at saka sabay tayong tumawa.

"Ikaw talaga!"

That was 10 years ago.

Narito ako ngayon, sa mismong lugar kung saan tayo unang nagkakilala; nakatingin sa 'yo habang nakaluhod at umiiyak.

"Ian..."

Matapos noon ay ipinakita mo ang nasa mga kamay mong halata namang matagal mong itinago at hindi ipinaalam sa akin.

"Buntis ako..."

Mas lalo kang lumuha.

"Pero..." sambit ko na lamang saka ako natigil.

...hindi pwede...

...dahil hindi ko kaya.

-Kuya Ian

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon