Ikasampung Liham

15 3 0
                                    

Ito na po ang huling kabanata para sa kuwentong ito, sunod na po ang wakas. Maraming salamat sa pagbabasa. At mas maganda kung pakikinggan ninyo ang kantang Kulimlim ng Pusakalye habang nagbabasa. Maraming salamat!

×××

Sa kasalukuyan...

"Ang sakit naman! Pero pakiramdam ko talaga may nararamdaman din si Nadane kay Miguel."

Ngumiti ako sa kaniya matapos marinig ang saloobin. Nandito ako ngayon sa silid kung saan ipinababasa ko sila ng maikling kuwentong ginawa ko. Isa na akong ganap na guro sa asignaturang Filipino.

At ikaw naman ay isang ganap na rin na doktor. Sobrang tagal na rin pala noong huli kong padala ng mga sulat sa iyo. May kani-kaniya na tayong buhay. Kani-kaniyang daan na tatahakin.

Sa loob ng apat na taong walang kumunikasiyon sa iyo, ay maraming nangyari sa aking buhay. Masaya, malungkot, pero sa awa ng Maykapal nakayanan ko ang hirap ng buhay makamit ko lang ang pangarap na natupad ko na ngayon.

Nadane... Aaminin ko, noong unang taon na wala ka't 'di tayo magkasama ay waring pinagkaitan ako ng pinapangarap ko. May mas isasakit pa pala ang dating sakit tuwing nakikita ko kayo na magkasamang dalawa.

Hindi ko alam kung mababasa mo ba lahat ng liham ko para sa iyo, pero sana oo, dahil kahit man lang sa pamamagitan ng tinta't papel ay malaman mo na ako sa iyo'y may pagtingin. Pagpasensiyahan mo na kung umabot pa ng ilang taon bago ko masabi sa iyo ang tunay kong nararamdaman. Kasi alam ko naman na wala talagang pag-asa na masuklian mo rin ang aking pagtingin kung kaya't sinarili ko na lang. Masaya naman ako sa panahong tayo'y magkasama. Hindi sapat ang mga salita para iparamdam ang aking kasiyahan sa mga panahong dumaan.

"Pero bakit po Kulimlim ang pamagat ng maikling kuwentong ginawa ninyo?"

Tumingin ako sa labas kung saan nakita ang mga estudyanteng tapos na ang kani-kanilang klase. Bakit nga ba?

"Ako, alam ko! Pero hindi ko alam kung totoo."

"Sige nga! Bakit?"

"Hindi ba ang ibig sabihin ng kulimlim ay madilim. Siguro ganoon ang palaging nararamdam ni Miguel tuwing nakikita niya si Nadane."

Ngumiti na lang ako't hindi na sinabi kung bakit kulimlim ang naging pamagat ng maikli naming kuwento.

"Pero sir, totoo po ba iyon? Kapangalan ninyo kasi si Miguel tapos pakiramdam ko rin ay buhay talaga si Nadane."

Halaklak ang naging tugon ko sakaniyang sinabi. Ang mga kabataan talaga kapag pag-ibig ang usapan nagiging alerto.

"Sige na. Tapos na ang ating klase. Mag-ingat kayo't pwede nang umuwi."

Huling klase ko na ngayon at may isang oras akong bakante. Siguro ito na rin ang huling liham na ipadadala ko sa iyo, Nadane. Ang tanging hiling ko lang ay sana palagi kang masaya't walang problema.

Kung dumating man ang panahon na kailangan mo ng kaibigan at masasandalan, palagi mong tatandaan na nandito lang ako. Alam mo naman na sa lahat ng nangyari hindi ko magagawang talikuran ang ating pagkakaibigan. Batid ko man na hindi mo masusuklian ang aking nararamdaman, ay mas masaya naman ako na mayroong ikaw sa buhay ko na akala ko'y walang magiging ilaw.

Isa ka sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ikaw rin ang nagbigay liwanag sa buhay kong matagal ng madilim.

Dito ko na tatapusin ang alam kong una pa lang ay hindi sisimulan. Sa lahat ng sakit na aking pinagdaanan ay mas nangibabaw pa rin ang aking kasiyahan. Kung hindi man nagkaroon ng tayo, masaya naman akong mayroong ikaw at ako. Maikli man ang ating naging kuwento, ang importante ay ako'y naging kontento sa kung anong mayroon tayo. Atsaka, alam ko na may kasunod pa itong mga kabanata. Palagi mong tatandaan na kapag tinalikuran ka nang lahat, tumingin ka lang sa likod mo't ako'y naghihintay. Mahal na mahal kita, pero sadiyang tutol si tadhana.

Maraming salamat. Mahirap man, ngunit kailangan. Pinapalaya na kita, aking kaibigan.

Kinuha ko ang mga libro at lumabas ng silid na may ngiti. Siguro ito na nga tamang oras para maging tunay na maligaya. Alam ko na malayo pa ang tatahakin bago ko sabihin na ako'y tunay na maligaya.

Nagmamahal,
Miguel

×××

Samantala...

Naglakad ako papunta sa opisina para magpalipas ng oras at gawin ang mga hindi ko pa natatapos na mga grado. Ngunit habang ako'y malapit na ay may isang estudyante na lumapit sa akin.

"Sir! Mabuti na lang ay nakita kita. Ibigay ko raw po ito sainyo sabi ng babae."

Turo niya sa labas.

"Ay! Wala na pala. Basta ang sabi niya po ibigay ko raw sainyo."

Ito'y sobra na kulay khaki na may nakasulat na pangalan ko at isang panglan mula sa taong matagal ko ng hindi nakikita.

"Sige. Maraming salamat."

"Wala pong anuman. Atsaka po nakita ko na namumugto ang kaniyang mga mata."

Tumango ako't binasa ang nakalagay sa papel.

Para kay: Miguel Candelaria
Galing kay: Nadane Inriquez

Kulimlim | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon