Ang Huling Hiling

5 0 0
                                    

Ang Huling Hiling isinulat ni SirAtari

Hi! Ako nga pala si Joshua Panganiban 22 years old.Laging mag isa pero may katropa na pero ayaw pumunta sa bahay ko.

-Bahay ni Joshua 7:30am-
Napakahimbing ng tulog ko nang biglang umalarm yung orasan ko.Tumingin ako sa oras at sinabi ko sa sarili."Patay late nako sa school."Kaya ayan tuloy nagmadali para di malate.Habang tumatakbo papunta sa school nasalubong ko yung katropa kong si Nate.Sinabi nya sakin."Oyy pre nagmamadali ka?"Sumagot ako."Oo basta bilisan natin baka malate pa tayo!"Ayan nagmadali na kami para pumasok.
-School 7:59am-
Nakarating na kami ni Nate sa school mukhang nauuhaw kakatakbo sa hallway.Ayan tuloy nasita kami ng guard pero hayss nakarating ng di nalate.Umupo na kami sa upuan namin pagkatapos naming makapasok.Pumasok ang adviser namin.Nagsalita sa harapan namin."Ok class may bagong dating na estudyante galing ibang school kaya paki tahimik ang mga bibig nyo kasi ayokong may maririnig akong ibang boses maliban sa transferee.Ok pakilala mo na ang sarili mo."Pumasok ang bagong naming kaklase at di ko alam na parang may ginugustuhan ako sa kanya.Pinakilala na nya ang sarili sa harapan namin."Hello! Ako si Elisse De Los Santos at isa akong bagong transferee sa school niyo.Sana maging maganda ang pakikisama ko sa inyong lahat!"Natapos na ang pag-introduce niya sa sarili.Sinabi na ng adviser namin."Sige Elisse pwede kang umupo sa tabi ni Joshua."
Nagulat ako kasi katabi ko ang babaeng ginugustuhan ko nang makita ko siya sa unang pagkakataon.Si Nate naman sa kabilang banda kinilig."Ayieeee si Joshua may gusto sa bagong transfer."Nagmukha akong balewala kay Nate at saktong sakto nanginginig yung buong katawan ko sa kaba na parang gusto kong sabihin ko sa kanya na mahal ko si Elisse pero inignore ko na lang yung kaba ko.Nag hi siya sakin nang umupo na siya sa tabi ng upuan ko.Nag hi din ako sakanya nang naginginig.Nahalata niya yun at sinabi sakin."Umm kinakabahan ka ba?"Sinabi ko sa kanya."Ahhh wala to! Nilalamig lang ako sa aircon namin!"Sa totoo lang kinakabahan lang talaga ako.
-Recess 9:00am-
Kumakain na kami ni Nate sa mesa namin.Nagkwento si Nate sakin."Pre di ko alam kung bakit ka kinakabahan nung nakita mo si Elisse.May gusto ka bang sabihin sa kanya?"Sinabi ko."Ahhh pre wala akong sasabihin sa kanya basta sikreto ko lang yon."Nag-pacutie curious si Nate sakin at sinabi."Yieeee baka isayaw mo siya sa prom noh?"Tinakpan ko yung bibig ni Nate at sinabi ko."Pre tumahimik ka! Narinig ka ni Elisse."Ayan tuloy dumating si Elisse sa upuan namin at sinabi."Umm hi pwede bang makikain kasama kayo?"Nag oo si Nate habang tumahimik lang ako sa tabi.Kumain kami kasama si Elisse at saktong sakto katabi ko nga siya.Tinuloy ko yung pagkain ko kasama si Nate at Elisse sa mesa namin.Natapos na ako kumain at sinabi ko."Pre dun na ako sa classroom."Papunta na sana ako pabalik kaso nga lang humawak sa damit ko si Elisse at nagsabi."Josh dito ka muna magkukuwento pa tayo!"Nagulat na lang ako kasi gusto pa niya akong tumagal kasama siya kaya nagtagal na lang kami sa mesa namin.Nagsabi pa nga siya sakin."So may gusto ka pala sakin? Sinabi daw sakin ni Nate."Sinabi ko sa kanya."Ahhh wala Elisse di kita gusto promise hanggang kamatayan ko totoo sinasabi ko."Nag curious mode si Elisse at lumapit sakin."Ehhh may gusto ka talaga sakin.Ayaw mo lang sabihin yung true feelings mo sakin."Ayan tuloy sinabi ko na ang lahat."Oo gusto talaga kita pero onti lang."Umalis na ako pabalik sa classroom namin.Napatanong si Elisse sa sarili nya."May sikreto ata tong si Joshua na di sinasabi sakin."Umalis din siya pagkatapos ng oras na yon.
-Afterclass 3:30pm-
Pauwi na kami ni Nate sa mga bahay namin.Nagtanong sya sakin."Josh di ko alam kung bakit ka kinakabahan kapag nandiyan yung gusto mo.Takot ka bang makasal?"Sinagot ko naman."Huh? Pre for god's sake wala akong balak na magpakasal sa kanya at nilalamig lang ako kapag katabi ko siya."Napatanong si Nate."Bat ka nilalamigan? Wala naman tayo sa Baguio."Sumagot ako."Anong nasa Baguio tayo? Malamig lang talaga ngayong oras."Tumahimik si Nate pagkatapos non.Malapit na ako sa bahay nang nakita ko si Elisse sa bahay ko.Nagtago kami ni Nate sa sulok ng bahay namin at tinakpan ko yung bibig niya kasi ayokong mahuli ako ni Elisse.Nagsabi si Nate ng pabulong."Pre bat tayo nagtago dito? Ang kati dito."Sinagot ko si Nate."Nate si Elisse nasa bahay ko.Ayokong makita ako ni Elisse sa sarili kong bahay."Tumingin kami ni Nate sa pintuan kung nandiyan pa siya.Unfortunately oo nga nandun parin siya naghihinatay para sakin.Sinabihan ako ni Nate."Pre bahay mo naman niyan ehh.Edi magpahalata ka na lang sa kanya."Sumagot ako sa kanya."Sige na nga pero wag mo kong istress sa mga kalokohan mo."Sumagot si Nate."Oo bilisan mo na nangangati na ako dito sa puwesto natin."Lumitaw ako sa harapan ni Elisse.Nagulat siya at nagtanong sa akin."Oh Joshua ang tagal mo namang umuwi.Nagmerienda ba kayo ni Nate sa school?"Sumagot ako."Ahhh hindi nag computer lang kami.Ano pasok ka?"Sumagot si Elisse."Hindi naman ako papasok sa bahay mo.Nandito lang ako para tumingin.Sinabi kasi sakin ni Nate yung address ng bahay mo."Sumagot ako."Ahh sige baka sa susunod pumasok ka na sa bahay ko wala pa ako."Umalis si Elisse pagkatapos nun.Lumabas na yung nangangating Nate sa pinagtaguan namin at sinabi."Oh umalis na siya.Pre pasok na tayo ang kati na ng katawan ko."Pumasok na kami sa bahay ko at binuksan yung electric fan sa sala.Si Nate sa kabilang banda nag pahid sa buong katawan niya para di na siya magkamot.Nagtanong si Nate sakin."Pre alam ko na nagtatago ka ng sikreto kay Elisse.Ano ba talaga yun?"Sinagot ko."Gusto mo? Sige dahil gusto mo yung sikreto na tinatago ko sa kanya ay gusto ko siyang pakasalan pag nakagraduate na tayo ng college."Nagulat si Nate sa sinabi ko at nakilig na lang."Ayieeeeeee sasabihin ko yan kay Elisse ah gusto mo pala siya."Tumakbo pauwi si Nate sa bahay niya nagkakamot habang tumatakbo.Sinarado ko yung pinto ng bahay."Am i a joke to her? Ayokong maagaw si Elisse ng ibang tao maliban sakin."Sinabi ko sa isip ko kung sasabihin ko ba na mahal ko siya o papabayaan ko na lang siyang maagaw ng iba.Pero ayaw kong mabuwag ang pagiging magkaibigan namin kung naging galit ako sa kanya.Kaya nagisip na lang ako sa kuwarto ko at bukas prom night na kaya kailangan ko na maisayaw ko siya.Nakatulog na rin din ako pagkatapos kong gawin yung mga assignments ko.
-Valentine's Day 12:35pm-
Tinanong ko si Nate kung sino isasayaw niya sa prom.Sumagot siya."Si Lheciel yung isasayaw ko.Ang tagal ko nang mahal si Lheciel nung naging magkaibigan kami noon.Ikaw sino isasayaw mo?"Kinabahan ako at sinabi."S-s-si Elisse yung isasayaw ko."Nakilig si Nate nang sinabi ko si Elisse ang isasayaw ko."Yieeeeee si Elisse ang isasayaw.Happy na si Joshua!"Sa kabilang banda ang kaibigan ni Elisse na si Jonnalyn ay narinig ang sinabi ni Nate."Bayan si Elisse may makakasayaw sa kanya kaysa ako.Totoo yung sinabi ni Elisse na magsasayaw sila ni Joshua."Umalis si Jonnalyn pagkatapos ng mga oras na yon.Si Lheciel sa kabilang banda ay nakilig na si Nate ang makakasayaw sa kanya."Wooooo! Si Natie babe ang makakasayaw ko sa prom! Ikaw Ryzza sino makakasayaw mo sa prom?"Sumagot siya."Si Edward yung isasayaw ko.Anong nangyari kay Jonnalyn.Nakahanap na ba siya ng masasayaw sa prom?"Dumating si Jonnalyn nagsabi."Beshh wala pa akong mahanap na lalaking magsasayaw sakin!"Sumagot si Lheciel."Edi si Kristan yung isayaw mo.Wala pa siyang nahahanap."Sumaya si Jonnalyn sa sinabi ni Lheciel habang tumitingin ako kay Elisse.Sinabi ko sa sarili ko."Magiging kami ba? Baka mapunta lang sa wala."Kinalabit ako ni Nate at tinanong ako."Pre di ko alam kung anong mangyayari sa kinabukasan natin.Baka alam mo na yun.Pupunta sila sa iba."
Sumagot ako."Parang ganun na nga ang mangyayari.Baka pumunta lang sila sa ibang lalaki."Bumalik na kami sa classroom namin pagkatapos ng mga oras na yon.Pagkapasok namin sa classroom namin umupo na kami at dumating adviser namin at ang announce."Ok class dahil Valentine's Day ang prom ay matutuloy sa 8'o clock ng gabi.Magsama kayo ng isasayaw niyo sa prom.Kami ang boboto kung sino ang king at queen.Have a romantic night sa prom!"Tinanong ko si Elisse pagkatapos ng adviser namin na mag-anounce sa prom."Elisse payag ka bang i-i-isayaw kita? Ikaw lang ang napili ko."Nakilig si Elisse at niyakap ako."Oh Joshua ikaw talaga ang maasahan kong bf!"Nagulat ako at sinagot ko siya."A-a-a-ano? BF mo na ako ngayon?"Sumagot si Elisse ng masaya."Oo naman Joshua! Ikaw at ako ay magsasama sa huli!"Niyakap ko si Elisse ng mahigpit at sinabi ko."Elisse alam kong magiging tayo rin."Umuwi na kami pagkatapos non.
-Bahay ni Joshua 7:00pm-
Ako at si Nate ay naghanda para sa prom.Sinama niya si Lheciel sa bahay ko.Nagtanong si Lheciel."Umm Nate alam ba ni Elisse na mahal siya ni Joshua?"Sumagot si Nate."Aba alam na niya.Nakita ko nga sila nagyakapan sa classroom.Baka naging sila na nga.Eh bakit tayo di pa?"Sumagot ng patawa si Lheciel."Siyempre kaibigan kita ano pa ba!"Natawa din Nate nang sinabi niya iyon.Nakabihis na ako at sinabihan ko si Nate."Pre bihis na ako! Sunduin natin sina Elisse,Jonnalyn at Ryzza!"Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba kami at sumakay sa kotse ko.May lisensya na ako noon pa."Ano puntahan na natin?"Tinanong ako ni Nate at sumagot naman ako."Oo pre puntahan na natin baka ma-late pa tayo."Kaya nagmaneho na ako papunta kay Elisse.Nakarating kami sa bahay niya at madami siyang kasama pati si Kristan kasama.Umalis naman din kami pagkatapos non.
-Prom Night 7:58pm-
Nakarating kami sa venue ng prom night namin at marami na ang nasa loob ng venue.Lumabas kami sa kotse at pumasok na kami.Namangha si Aaron sa venue ng prom namin."Wow Ryzza ang ganda ng venue sana sa future maging tayo sa huli."Sumagot si Ryzza."Aba obvious naman eh!"Tinignan ko si Elisse habang hawak ko ang kamay niya.Tinanong ko siya."Elisse naranasan mo bang kabahan sa prom? Kapag kinabahan ka kumapit ka lang sakin."Sumagot si Elisse."Oo Josh kinakabahan ako kapag prom eh.Laging akong nakatitig sa mga single.Di ko alam kung pumunta lang sila dito para madepress buhay nila tapos iiwanan ang mundo sa mga huling salita nila."Sinabi ko."Aba oo nga parang ganon na eh laging heartbroken dahil sa isang babae? Di ko alam kung magtatagal tayo sa huli.Kung hindi sasabihin ko ang huling hiling sa'yo."Nagtaka si Elisse."Anong huling hiling ang sinasabi mo?"Sinagot ko naman siya."Basta sa huling pagkikita natin sasabihin ko sa iyo ang huling hiling ko."Nag anounce ang principal ng school namin."Ok magsisimula ang sayawan dito."Naghawakan na ng kamay ang lahat at nagsayawan ang lahat.Nagsayaw na rin kami ni Elisse.Nakatitig ako sa ganda niya.Parang hulog siya ng langit para sakin at di ko alam na magiging kami rin.Nagsabi siya sakin."Joshua di ko alam kung anong sasabihin ko sa'yo pero parang hinulog ka rin ng langit para sakin.Parang ikaw ang tinadhana ng pagibig natin.Joshua sana maging tayo sa huling sandali."Tinignan ko si Nate at Lheciel sa kabila narinig ko sila."Lheciel alam kong kahit kaibigan kita.Parang nagiging tayo rin.Gusto ko na makasama kita sa huli."Naiyak si Lheciel."Nate ito na nga ang pinakadamdaming salitang narinig ko sa iyo.Parang tayo ang itinadhana."Nakita ko silang nagyakapan pagkatapos non.Sana man lang maging kami rin sa huli.At natapos yung sayawan namin at nag anounce ang adviser namin."Ok dahil pagod kayo i aanounce ko na ang king and queen ng Prom Night."Kinakabahan ako dahil di ko alam kung sino sa loob ang mapipili."Congratulations kay Joshua at Elisse! Sila ang napili ngayong Prom Night!"Lahat ay naghiyawan pagkatapos ianounce ng adviser namin ang king and queen ng prom.Si Elisse ay naiyak at sinabi."Joshua tayo ang napili! Talagang ikaw nga ang napili ng puso ko!"Niyakap ako ng mahigpit at niyakap ko din siya at sinabi ko sa kanya."Sana maging katotohanan ang sinabi ko sa'yo."Pagkatapos non ay umuwi na kami dahil alam mo na yon napagod sa Prom Night.
-Bahay ni Joshua 11:32pm-
Nakauwi kaming lahat at napagod.Sinabi ko sa kanila."Ano tulog kayo dito? May kuwarto sa baba at taas."Sumagot si Nate."Ge Josh tulog kaming lahat dito.Wala namang pasok bukas eh."At tumaas ako at si Nate kasama sina Elisse at Lheciel habang yung iba sa baba natulog.At nagtabi kaming lahat.
N

Ang Huling HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon