U m a s a?!

29 2 7
                                    


Yes, isa din ako sa mga taong umasa

Hindi naman natin matatawag na isang tanga ang taong umasa kung wala namang taong paasa hindi ba?

Eh bakit ba kasi tayo umaasa kung alam din naman nating sa huli wala naman tayong mapapala sa kakaasa sa kanila.

Para tayong tanga, tanga sa kakahintay sa kanya sa pag-asang akala mo ikaw na.

Sino ba ang maysabing umasa ka? Kung ang sabi lang naman sayo ay maghintay ka diba?

Hindi naman kasi natin maiiwasan na sa kakahintay natin sa kanya ay nahuhulog ka na sa kaniya.

Masakit! oo SOBRA
Wala naman kayong lebel pero nasaktan ka.

Sana hindi nalang natin sila nakilala, wala pa sana tayong pinoproblema.

Sabi ng iba normal lang na masaktan when it comes to Love, pero hindi naman normal kung araw araw ay nasasaktan ka ng dahil sa kaniya?

Umasa ka sa sinabi niyang
"just wait for me"
Umasa ka sa sinabi niyang
"Tatapusin ko lang ito, promise konting oras na lang"

Pero sa huli, hanggang salita lang naman sila. Umasa ka nga, naghintay ka nga, pero tinupad n'ya ba lahat ng sinabi n'ya? Diba wala?

Wag kasi tayong mag expect muna, upang sa huli hindi tayo magiging tanga at nganga sa mga pangyayaring ating di inaakala.

Pero di naman natin kasalanan yun diba?
Kasalanan ba nating tayo ang naging biktima?
Biktima sa walang kwenta niyang mga salitang binubuga.

Ganyan ba talaga sila, kapag nalaman nilang nahuhulog ka na, iiwan kana agad nila? Asan diyan ang hustisya?

Sa mga UMASA at PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon