~5~
Yeppeun Seungsangnim
Third Person POV
7:00 am.. Big Hit University..
Biyernes ngayon at maagang pumasok si Jichu dahil kakausapin pa niya ang Dean kung saan siya magsisimulang magturo.
Hinanap na niya agad ang office nito bago magsimula ang mga klase ng alas otso.*Knock knock! *
Binuksan niya ng kaunti ang pinto at "Good morning po sir! " masigla niyang binati ang dean ng music department.
"Goodmorning miss Kim, have a seat please." pumasok na ito at naupo.
"Sir, itatanong ko lang po sana kung saan po ako magstart magturo? Sa primary level na po ba?"
"Yes, we will assign you first sa primary level but it is only temporary, ikaw na ang magiging adviser ng senior high, section B dahil si Mr. Kim Seok Jin na ang ilalagay ko sa section A, at since half day lang naman ang pasok ng nursery to preparatory, after break time ay mag-a undergo ka muna ng training sa Big four. "
"B-Big four po? Saan po yun?" wala namang kaide-ideya si Jichu sa tinutukoy ng head nila.
"Hindi saan, kung hindi sino miss Kim, oo nga pala, hindi ko pa naiintroduce sayo ng pormal ang core group ng unibersidad na ito."
"core group po?"
"Yes, silang apat ang magtetrain sayo, pinangungunahan ito ni Mr. Kim seok Jin, ang mukha at lead vocal coach ng Big Hit, Mr. Kim Nam Joon" RM" short for rap monster, he's a chemistry teacher but a music genius too, Mr. Jung Ho Seok, siya naman ang head ng performing arts at si Kim Yoongi, ang isa sa kompositor at piyanista ng Big Hit. "
Napalunok naman si Jichu sa narinig, akala niya'y hindi na niya masyadong makakahalubilo ang apat dahil nasa primary level na siya pero mukhang nagkamali siya.
" mga ilang oras po ako magtetraining sa kanila? Araw-araw po ba yun?"
" Four times a week lang naman miss Kim, tig three hours ang bubunuin mo sa bawat isa, tuwing Lunes, kay Mr. Kim Nam Joon ka for your diction and rhyming lessons, Miyerkules naman ay kay Mr. Kim Seok Jin ka for your voice and projection lessons, Biyernes, start ngayong araw, kay Mr. Kim Yoongi ka for tuning and melody, at Sabado, kay Mr. Jung Ho Seok naman for rythm, beat and dance lessons, tamang-tama walang pasok ng linggo para makapagpahinga ka sa pagsayaw. "
BINABASA MO ANG
A CRAZY love story [NamSooJin]
Fiksi PenggemarAll rights reserved ©2019 (New Story) A triangle that will make your hearts literally CRAZY! who's in Love with WHOM? I wanna KNOW too! 😊