"It's not about the distance, it's about the faithfulness"
-----------
"I want an annulment" diretsahang sabi ni Manuel sa asawa. Nasa isang restaurant sila ngayon malapit sa kompanya ng asawa.
Ano namang panlulumo ni Trizia sa tinuran ng asawa. She didn't expect na magiging ganitong kabilis ang paghihiwalay nila ni Manuel.
"Why did you cheat on me?" tanong ni Trizia.
"Heto nanaman ba tayo Trizia?" bulyaw nito sa kanya.
"I just want to know Manuel, para mapalaya ko din naman ang sarili ko!" sa narinig sa asawa ay napilitan itong ikwento kung paano nangyari ang lahat.
"Remember when you work as a freelance model for 5 months in Madrid, that's the time I met Rica, nagkayayaan kami ng barkada na magpunta sa isang bar sa Makati then I saw her. Una, it's just a one night stand, pero pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Pangako, sinubukan ko siyang iwasan but in the end, natukso pa rin ako. That one night stand become an affair. Hinahanap hanap na siya ng sistema ko, walang araw na hindi ko siya gustong makasama until one day I realize na mahal ko na pala siya" pag-amin ni Manuel sa harap ng asawa.
"Kaya ba nakaya mong ipagpalit yung labingdalawang taon natin pag-iibigan at pitong taon nating pagiging mag-asawa?" bigkas ni Trizia na hanggang ngayon ay walang tigil sa paghagulgol.
Naawa si Manuel sa asawa pero aaminin niya, lulong na siya kay Rica at di na niya kayang mawala pa ito.
"Oo, and I don't regret na nakilala ko si Rica because I believe sa kanya ako magiging masaya! Sa kanya ko mahahanap yung kalayaang matagal ko ng hinahanap"
PAK
Hindi napigilan ni Trizia na sampalin ang asawa. Napakakapal ng mukha nito para ipamukha sa kanya na di siya naging masaya sa piling nito gayu't ang tangi naman niyang ginawa noong sila pa ay ang pagsilbihan ito.
Masakit man ay sinabi ito ni Manuel sa kay Trizia ng mawalan na ito ng pag-asa at hindi na maghabol pa.
"I hope you'll find the right man para sayo, yung hindi gagaya sa akin. Yung totoong magmamahal sayo. I'm really sorry" bigkas ni Manuel bago siya nito iniwan sa isang sulok ng restaurant na umiiyak. Iniwan din nito ang annulment paper sa lamesa.
Habang umiiyak ay bigla namang nakaramdam ng hilo si Trizia at nawalan ng malay, dahilan para daluhan siya ng ibang taong naroroon para tulungan.
• • • •
Inaayos na ni Manuel ang kanyang maleta. Bukas lang din kasi ay lilipad na sila ni Rica sa Canada para doon na manirahan. Magpapakalayo layo na sila sa mapanghusgang mata ng lipunan.
Pero bago umalis ay kaylangan pa niyang puntahan ang bahay nila para makuha ang pirma ni Trizia upang tuluyan ng mapawalang bisa ang kanilang kasal. Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa rin nitong pirmahan ang annulment paper na inabot niya dito nung isang araw.
Pumayag siya na doon na manirahan para hindi na pumasok sa isip niya ang kanyang mag-ina. Kahit kasi pinili niya na si Rica, ay nakokonsensiya parin siya sa nagawa niya sa dalawa. Pero anong magagawa niya, mahal na mahal na niya ang babae.
Pagkatapos mag ayos ng gamit ay lumabas na siya ng kwarto ng Condo ni Rica. Simula kasi ng umalis siya sa bahay nilang mag-asawa ay nagsama na sila sa Condo ng kanyang girlfriend.
Bago umalis ay nagpaalam muna siya kay Rica at hinalikan ito sa noo. Naiinitindihan naman ng babae ang gagawin ni Manuel sa kanilang bahay kaya ito uuwi ng panandalian.
***If you like it, please click Vote***
BINABASA MO ANG
Melancholy of a Husband (Mini Series #1)
Художественная проза"For married couples, the moment you decided to love someone else is the moment you destroyed your family" Nawala na nga ba ang iyong nararamdaman para sa iyong asawa? O naging mahina ka lang at nagpadala sa tukso at tawag ng laman? Maitatama pa ba...