Kabanata 7

3.7K 57 3
                                    

Cheating on a good person is like throwing away a diamond and picking up a rock - Unknown.

------------

Alas dose na ng tanghali nang magising si Manuel, dahil kasi sa panaginip niya ay madaling araw na siyang nakatulog dahil sa kaiisip sa kay Trizia at anak nilang si Maze. Buti nalang linggo ngayon at wala siyang pasok.

"Hon, bakit ngayon ka lang nagising? sabay naman tayo natulog kagabi ah?"

"Ahh....ehh....wala, mukhang napagod lang talaga ako sa trabaho kaya nagbawi ako ng tulog!"

"Ganun ba? Kawawa naman ang sweetheart ko. Tara na sa mesa, andun na din si Raquel kasama ang yaya niya." bigkas ni Rica, sumunod naman siya sa tinuran ng asawa.

"Pap...pa! Pa-pa!" pilit na bigkas ng isang taong baby na si Raquel.

Gusto namang maiyak ni Manuel sa narinig. Naalala niya kasi nang unang nabanggit ni Maze ang salitang papa.

Nasaan na kaya sila, Ayos lang kaya sila sa Pilipinas?

"Hon, malalim ata ang iniisip mo, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Rica.

"Wala ito, kumain na lang tayo!" bigkas nito kay Rica. Hindi nanaman ito umimik at pinagpatuloy lang nila ang pagkain.

• • • •

"I want you to book me an airplane ticket to Philippines for 1 week" utos ni Manuel sa kanyang sekretarya. Tinanguan naman siya nang kanyang sekretarya bago ito bunalik sa pagcocompile ng mga reports ng kompanya.

Desidido na siya, gusto niyang makita ang kanyang dating pamilya kahit sa malayuan. Di na niya kasi maintindihan ang matinding pangungulila na kanyang nararamdaman.

Magpapalusot nalang siguro siya kay Rica dahil kapag nalaman nito ang totoo ay maari itong magalit. Buntis pa naman ito sa bunso nila.

• • • •

"Don't worry Rica, one week lang naman ako sa Japan. I'll text you pagkadating na pagkadating ko doon!"

"Sigurado ka ha, I'll miss you! Ibili mo ko nang madaming madaming sushi ha!" paglalambing nang asawa.

"Oo Sige, aalis na ko, ikaw na bahala kay Raquel!"

"Teka, wala bang I'll miss you too"

"Uhmmm......I-I'll miss you too, sige aalis na ako. Mag-iingat kayo diyan" anas niya sa asawa.

Nalungkot naman si Rica dahil di manlang siya nito hinalikan tulad nang lagi nitong ginagawa sa kanya. Napapansin niya ang pagdalas ng pagiging busy ni Manuel sa trabaho na halos di na sila nito naaasikaso.

***If you like it, please click Vote***

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon