Siksikan, magulo at marumi ang paligid. May mga usok galing sa tindahan ng ihawan at sa mga naninigarilyo sa gabi ng tindahan.
“Budoy, kung ayaw mo ng gulo bigyan mo na lang ako ng pera.”
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang humarang ang dalawang kapitbahay namin sa harap, at mukhang magaaway pa. Hinuhuthutan na naman pala nitong si Kardo si Budoy. Maangas na pumagitna ako sa pagitan nila. Lumiwanag naman ang kinakabahang mukha ni Budoy at nagtago sa likuran ko.
“Mangingialam ka na naman, TJ.” Salubong ang makakapal na kilay ni Kardo habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at pinantayan ang tapang ng tingin niya.
“Hawakan mo muna 'to, Budoy.” Inabot ko kay Budoy ang walang laman na ice box at saka itinupi ang manggas ng damit ko. Ipinorma ko ang sarili na parang susuntok.
“Baka nakakalimutan mo mas malaki ako sa 'yo.” Pagmamayabang niya, paano kasi noon payatot siya. Napangisi naman ako.
“H'wag mong ipagmayabang 'yang mga taba mo. Kaya parin kitang patumbahin kahit tabachingching kana,” pangaasar ko. Kita ko naman kung gaano siya nainis sa sinabi ko.
Ang buong akala ko ay susugod na siya pero kabaligtaran non ang ginawa niya. Umalis siya kasama ang tatlo niya pang mga kasama. Tuwang -tuwa naman si Budoy sa likod ko at umakbay pa.
“Bossing, ang galing mo talaga. Bwahahaha! Tiklop si Kaloy sa 'yo,” papuri niya. Inalis ko naman ang kamay niya sa balikat ko, “h'wag kang magsaya, ilang araw mula ngayon babalikan ka ulit non.” Hinablot ko na sa kamay niya ang ice box.
“tiyang(Chang), pasensiya na po nagkaproblema kanina.” Nakayukong Inabot ko ang ice box sa kanya. Alam kong galit ang mukha niya at hindi nagustuhan ang sinabi ko, sino naman kasi ang matutuwa, wala na nga ang paninda wala pang pera.
Napaatras ako ng bahagya sa gulat nang ihampas niya ang sandok na hawak sa mesa.
“Letse naman o! Ano namang nangyari ha?!” galit na sambit niya. “A-ano po...” Patay! Anong sasabihin ko Kay tiya ngayon?
“Inutang po kasi e—h'wag po kayong magalala babayaran din po nila agad,” pagpapalusot ko, sana nga ay makalusot.
Hindi ko alam kung kumbinsido ba si tiya sa mga sinabi ko, pero ang alam ko ay tahimik lang siya at muling kinuha ang sandok sa mesa at ibinalik ang tuon sa nilulutong ulam.
“Babayaran, baka ipinamigay mo na. O siya, siguraduhin mo lang sa utang na 'yan may perang babalik sa akin kung hindi malilintikan kayong magkakapatid sa akin.” Tumango-tango ako.
“Tiyang, 'yung sahod ko ho?” tanong ko, inilahad ko pa ang kamay ko sa harap niya pero tingin lang ang ibinigay niya.
“Walang sahod ngayon, ano ka't sinuswerte. Nilulugi mo na nga negosyo ko, umuwi kana sa inyo kunin mo na lang 'yong tirang tuyo diyan para may pandagdag naman kayo sa uulamin niyo.” Kaagad akong tumalima. Kumuha ako ng plastik labo at isinypot ang apat na pirasong tuyo at dalawang ulo nito. Sa mga kapatid ko na lang siguro 'to, mag tu-tubig at asin na lang ako, parang lugaw na rin 'yon.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng tagpi-tagping bahay namin ay bumungad sa akin ang mga kapatid kong nanghihina na sa gutom.
“Ate!” nagsitayuan silang siyam at saka yumakap sa akin. Si inay naman umuubo sa sulok at patuloy lang sa pagtatahi ng basahang ibinebenta rin niya.
“Itay,” pagtawag ko sa itang ko na may sakit at halos hindi na makapagsalita sa kahinaan.
“May ulam po tayo o,” ipinakita ko sa kanya ang tuyo at isang lata ng sardinas na binili ko kaninang napadaan ako sa tindahan. Nginitian naman niya ako saka tumango.
“Gara, maghanda kana ng pagkain para makakain na tayo, ” utos ko sa kapatid kong sumunod sa akin.
“Opo,” sagot niya at saka tumayo para kumuha ng mga pinggan, ang iba ko namang mga kapatid ay tumulong sa pagaayos ng hapagkainan.
“Grabe, gutom na gutom na talaga ako,” ani Jared.
“Ako rin,” sabi naman ni Kaylee.
Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko naman hinihiling na yumaman kami at tanging gusto ko lang ay makaraos kami sa bawat araw na nagdaraan.
“Magdasal na tayo,” sambit ko. Hinawakan naman namin ang kamay ng bawat isa at pumikit. Sa hirap ng buhay, pananampalataya ang dapat na hindi nawawala sa tao. Saan ka kakapit sa patalim o sa tamang itinuturo niya?
“Amen.” Pagkasambit namin non ay nagsimula na kaming kumain. Isang simple at tahimik na pagkain, nilalasap namin ang bawat pagkain ng kanin at ulam na para bang natatakot kaming makalimutan ang lasa nito.
“Ate may kanin pa?” tanong ng ikapito sa among magkakapatid. Nagkatinginan naman sila.
“Wala na,” sagot ni Gara.
Napatungo ako at napatingin sa pagkain ko. Nakakailang subo pa lang ako pero pakiramdam ko busog na ako. Iniurong ko nalang ang plato ko sa tapat niya. Napatingin siya sa akin, nahihiya.
“Paano ka ate?” tanong niya. Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at saka tumayo.
Kinabukasan gano'n na naman ang ginawa ko. Nagtinda at nilibot ang bawat kalyeng madaraanan.
“Nakita niyo po ba ang babaeng 'to?”
Napahinto ako nang mabangga ako sa isang lalaking naka-itim. Napayuko ako nang makitang nalaglag ang ilan sa mga tinda kong buko-salad.
“Sorry po,” sambit ko saka nag-angat ng ulo. Natigilan naman ang lalaking nakabangga sa akin at hindi makapaniwalang kinalabit ang kasama niyang naka-itim din.
“P-pre, siya 'to diba?” tanong niya sa kasama saka ipinakita rito ang cellphone na hawak niya. Nagtataka namang tumingin ako sa kanilang dalawa. Sino ang mga 'to?
“Po?” tanong ko.
“Pre, hawakan mo na baka makawala.” Nagulat ako nang bigla akong hawakan ng isa sa braso ko. Nagpumiglas ako at sa kakapumiglas ko ay nalaglag ang paninda ko. Naiinis na talaga ako! Tinadyakan ko ang isa sa kanila at natumba ito, gano'n din ang nangyari sa isa pa.
Agad akong tumakbo, kaya lang...
“Padaan—” nanlaki ang mga mata ko nang muli kong nakita ang dalawang pares ng magagandang mata ng iyon. Anong ginagawa niya rito?
“B-bitawan mo 'ko!” pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa braso ko, pero mas lalo niya pa itong hinigpitan. Sumasakit na ang mga braso ko sa tindi ng kapit niya.
“It's you,” biglang sambit. Pinagmasdan niya ang mukha ko na para bang mamaya lang ay papatayin na niya ako.
“Anong ako?” nagtatakang tanong ko. Sinamaan naman niya ako ng mukha.
“Hindi mo alam?” naiinis niyang sabi. Hindi ko naman siya sinagot, malay ko ba!
“Ako lang naman 'yung sinuntok mo kahapon,” may diin ang bawat salita habang sinasambit 'yon. Napangisi naman ako.
“Dapat lang sa 'yo 'yun, e ang bastos mo ba naman,” sumbat ko. Nakita ko naman ang panginginig ng mga panga niya at saka ako hinatak papasok sa sasakyan.
“S-saan mo ako dadalhin?!” pagpupumiglas ko. Mas hinigpitan niya ang kapit kaya hirap akong kumawala.
“Sumama ka, ipakukulong kita.” Napatingin ako sa kanya, nagulat.
“Anong sinabi mo?! Ipapakulong mo ako? Ha! Ako pa talaga, e ikaw itong nanghalik,” paninisi ko. Hindi naman niya ako pinansin at basta-basta na lang pinapasok sa loob, halos mapasubsob pa ang mukha ko sa upuan mabuti't nakakapit ako. Napakawalang hiya talaga ng lalaking 'to!
-----------------------
When He Fall by Perfecta_8
BINABASA MO ANG
When He Fall (Dion Murray)
Diversos"Love me back, and that's an order!"-Dion ------------------ Isa lang naman akong simpleng manlalako ng buko-salad. Ang trabaho ko at magbenta- s'yempre ng buko-salad sa mga taong init na init na sa bansang Philippines. Nung panahon na napadaan ako...