"totoot" dali-dali akong tumayo para tignan ang mensahe ng Cellphone ko. miss ko na siya, sana sa kanya nato.
nawala ang ngiting pananabik ng makita ko na hindi pala galing sa kanya ang mensahe.
"Nadine,kailan kapa ba magteteks sa akin, maski sa Facebook di muna ako rinireplayan sa chat. ano ba ang kasalanan ko bakit mo ako iniiwasan. dito na nga lang tayo nag cocomunicate di mo pa magawa." isip ko habang nakitingin sa kawalan.
ANIM NA ARAW ANG LUMIPAS
ilang araw nadin ang mga lumipas pero wala parin akong mga balita na nasagap tungkol sa kanya. di ko tulo'y maiwasan ang pangambang noon kopa narandaman sa kanya.Okie lang ba siya?
"Okie lang kaya siya?, kumakain pa kaya siya? " mga tanong na hindi ko alam saan galing dahil sa pangulila ko sa kanya.
"Mahal pa ba niya ako?" huling tanong na nabuo sa isipan ko. hindi ko tulo'y maiwasang mapaiyak habang binabalik-balikan ang mga masasayang mensahe namin noon.
"Nad's kung alam mo lang gaano kita ka mahal, Ouw. alam kong nabuo lang ang relasyon natin sa pamamagitan ng pagteteks at sa mga ibang social media pero Nad's isa lang ang masasabi ko sayo, ang tindi ng tama mo sa puso ko. kahit anong gawin ko ikaw lang ang palaging laman nito."
LABING DALAWANG ARAW ANG LUMIPAS
katulad ng dati hinihintay ko parin ang teks niya maging sa facebook hinihintay ko syang mag Online pero katulad ng dati wala parin.
Ano na batong narandaman ko sayo Nad's, bakit di kita maalis sa isip at puso ko. LDR na nga lang tayo pero ang hirap mong limutan daig mo pa si underwear.
ISANG BUWAN ANG LUMIPAS
"itigil ko nato, sawa na ako! araw-araw ko nalang to ginagawa na parang umaasa sa wala. ito nalang ang tanging daan para limutin ka
Nad's. ang paglimot ko sa'yo, paglimot sa lahat lahat na mga masasayang bagay na kateks kita kahit sa teks man lang. Move on, Ouw ito nalang ang tanging paraan para di na ako masaktan Nad's at sana masaya ka ngayon kung saan kaman narorooon." pipindotin kona sana ang delete all button ng mga mensahe namin noon na naka save pa hanggang ngayon ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Unknown number? sino na naman to. makikipag teksmate na naman ba to, dali dali kong pinindot ang end call at binaba ang cellphone na hawak ko.
"ang kulit mo din no, kung maka 15 misscall ka sa akin wagas. totooot!" isang text na naman ang aking natanggap pero unknown number parin. di na ako nag dadalawang isip pa at pinindot ang delete button pero bago kopa nabura parang may isang anghel ang nag udyok sa akin na basahin ang mensahe.
"James,grabi ikaw naman di madrama. isang buwan nga lang kitang iniwan pero parang nagbago kana. parang hindi kana yung James na inakala ko noon, ayos din ah parang may natulong din ang plano ko sayo." biglang kumunot ang noo ko sa aking binasa na dahilan nang pagkapako ko sa aking kinaroroonan.
"James, nagbago kana talaga. akala ko parin kasi Casanova ka. diba sa teks lang tayo nagkakilala pero iba eh,iba ang impact ng pag ibig mo sa puso ko. akala ko di mo ako sineryoso kaya tulo'y kahit ano-ano nang mga bagay ang naiisip ko. iniiwasan ko ang mga teks mo maging sa fb pero nagkamali pala ako ng haka-haka. ako to James si Nadine ang babaing inlove na inlove sayo noon pa. akala ko ang kalayuan natin ang dahilan ng paglalaro mo sa akin, pero hinde pala. hinde, Mahal kita James." unti-unti nang tumulo ang mga mainit-init na likidong nagmula sa bilugan kong mata na diko naman kayang pigilan.
Agad akong nag reply sa teks nya. "Mahal din kita Nadine, ang importante alam mona ang lahat na nararandaman ko sayo."
"Nga pala, haha. as i promise sasabihin ko na sayo ang apelyedo ko. Sahibel nga pala, sorry kung ngayon kopa sinabi sayo. hihi. Tama na ngatong mga kadramahan natin. btw. Online na ako maya sa Facebook, hintayin kita hapt." huling reply niya.
"Sahibel" hindi,hindi ko sya kaano-ano.Mahal ko si Nadine hindi kami magkadugo. hindi maari. pagtutol ko sa aking mga iniisip.
Dumating si Mommy na may malalapad na ngiti na parang may hatid na magandang balita.
"Nga pala James anak, nga pala may sorpresa ako sayo bukas sa mismong kaarawan mo. sa wakas anak makikita mo na din siya. mga halos labing anim na taon nadin kayong hindi nagkasama simula nong naghiwalay kami ng Daddy mo. kaya anak makikita muna siya. makikita muna ang bunsong kapatid mo,at sa wakas babalik na sya dito bukas sa bahay.
kahit papaano napangiti ako sa sinabi ni Mommy dahil sa sopresa n'ya sa akin bukas sa kaarawan ko. at yun ay ang pagkikita namin ng kapatid ko after labing isang taong nakaraan. excited na ako at bukas mag lalabing walo na ako.
KINABUKASAN(Ang araw ng kaarawan ni James)
Napakatahimik ng paligid. nasaan kaya sina Mommy, Nakakilabot naman. Binuksan ko ang pintuan ng bahay ngunit nagulat ako sa aking mga nakita.
"Happy,Happy 18th Bday James!" Sigaw nina mommy,nina tita,tito at mga ibang pinsan ko at hindi ako nagkamali pati si Dadd**. di na ako nag patumpik-tumpik pa at agad akong tumakbo sa kinaroroonan.niya, sa kinaroroonan ni Daddy at yinakap ng napakahigpit.
langya lang ako emotional na pero si daddy tawa lang ng tawa na parang nanunukso. "Anak hindi kaparin nagbago,binatilyo kana pero ikaw parin yung maiyakin kong anak." wika ni Daddy at agad nya naman akong yinakap.
"Nadine iha ,bumaba kana d'yan anak,nandito na ang kapatid mong maiyakin hahaha." tawag ni Daddy sa isang babae.
Biglang nawala ang ilaw ng bahay. "Sana hinde to brown out. Sana kasali to sa mga pasabog nina Mommy" mga salitang nabuo sa aking isip.
pero tama nga, hindi nga.nagulat nalang ako ng may natanaw akong isang napakagandang babae na may ngiti na parang isang anghel na iniiskortahan ni Daddy. tila naging bato ako sa aking kinatayuan dahil sa aking nakita.
"Anak, ito na siya. ito na ang kapatid mo. napakatagal nyo nang di nagkita simula nong mga bata pa kayo pero randam ko parin ang pangulila nyo sa isat-isa. Sorry mga anak ahh napakadamot ko noon.
Nadine, iha ito si James ang gwapong kuya mo at James, anak siya na ito ang matagal tagal monang hinanap hanggang ngayon,ang napakagandang kapatid mong si Nadine." seriosong wika ni Daddy."
parang binuhusan ako ng isang malamig na balding tubig dahil sa mga salitang pinakawalan niya.
Nagulat ang lahat sa expression namin ng kapatid ko ay esti ng babaing mahal ko.
kaya pala pareho kami ng mga paborito, halos pareho kami ng hilig.
bakit ngayon kopa nalaman, bakit ngayon pa nila sinabi,bakit ko pa sya minahal at bakit ko pa siya naging kapatid.
-TheEnd
A/N: hahaha. Sad story ba? hehehe. Feel Free to Comment and Vote.
Tanong :
Kung kayo si James ano ang mararandaman mo sa sitwasyon nya?