"A good apology has three parts;
1.) I'm sorry
2.) It's my fault and,
3.) What can I do to make it right?
Most people forget the third part"----------
Nagmamadali siyang umuwi sa dating bahay ng kinakasama. Dala nanaman niya ang kotse ni Raven. Nasa tapat siya ngayon ng pinto nang kanilang bahay ngunit hindi niya makayang pumasok sa matinding kaba?
Ano ang ibig sabihin ni Raven sa kayang tinuran?
Ilang segundo lang ay nakita niya na may lumabas na isang doctor sa gate ng kanilang bahay. Nagtaka siya kung bakit may doctor doon. Sa likod naman ng doctor ay si Aling Nelia, ang dati nilang kasambahay ni Trizia, na ngayon ay nagsasarado ng gate nang kaniyang dating tahanan.
"Sandali! Aling Nelia!" sigaw niya, nabaling naman sa kanya ang atensyon ng matanda.
"Sir Manuel? A-ano hong g-ginagawa niyo d-dito?" kinakabahang tanong ng kasambahay.
"Ha? Dati ko naman itong bahay ah!" sabi niya.
"Opo, pasensya na ho sir" hinging tawad ni Aling nelia sa kanya.
"Andiyan po ba sila? si Trizia? Si Maze?" sunod-sunod na tanong ni Manuel sa kasambahay. Hindi naman ito umimik, tinitigan lamang siya nito ng may lungkot sa mga mata.
"Aling Nelia, andiyan po ba sila?" pag-uulit niya.
"P-pasensya na ho ulit sir, wala po sila dito, at sigurado po ay di rin nila kayo gustong makita!" sambit ng kasambahay bago tuluyang isinarado ang gate ng kaniyang dating bahay.
• • • •
Umuwi si Manuel sa inuupahang hotel ng may pagkadismaya sa mukha. Ilang oras kasi siya sa harapan ng dating bahay ngunit hindi manlang niya nakita ang kaniyang mag-ina.
Hinding hindi siya babalik sa Canada nang hindi ito nakakausap o nakikita manlang. Alam niya kasi sa sarili na nangungulila na siya sa dalawa.
Tama si Raven, Iba ang infatuation sa pagmamahal at nagkamali siya.
Pero may magagawa pa ba siya? Siya ang unang sumuko, siya ang sumira nang lahat. Kung sana ay di siya nagpadala sa tukso ay kasama sana niya ang babaeng tunay na nagmamahal sa kanya.
Sobrang tanga niya para mapagkamalang pag-ibig ang nadarama niya, na sa totoo ay libog lang pala.
Sobrang naattract kasi siya sa panahon na iyon kay Rica, lalaki siya at may pangangailangan na siyang napuno ni Rica mas higit kay Trizia.
Pero sa buhay, hindi naman sex ang mahalaga. Kung tutuusin dapat ay nasa ilalim lang ito at nasa ibabaw ang pamilya. Pero huli na ang lahat, isang maling desisyon na ang kanyang nagawa na sana'y hindi niya pagsisihan.
***If you like it, please click Vote***
BINABASA MO ANG
Melancholy of a Husband (Mini Series #1)
Fiksi Umum"For married couples, the moment you decided to love someone else is the moment you destroyed your family" Nawala na nga ba ang iyong nararamdaman para sa iyong asawa? O naging mahina ka lang at nagpadala sa tukso at tawag ng laman? Maitatama pa ba...