Alas diyes na ng gabi at papunta na naman si Jake sa hideout nila nang may mahagip ang paningin niya. Binagalan niya ang pagpapatakbo ng kotse para matiyak ang nakikita. Si Vanessa nga at si Maxi.
Papasok ang mga ito sa parking lot ng isang mall. Sa taas ng mall ang destinasyon ng mga ito kung saan may mga bar.
Nainis na naman siya. Akala niya kasi di na umiinom ang girlfriend niya dahil pinagbawalan na niya ito. Napabuntong-hininga na lang siya habang ipinagpatuloy ang pagbibiyahe. Kung di lang sana importante ang lakad niya ngayon, tiyak kanina pa niya naisakay si Vanessa. Susunduin na lamang niya ito pag-uwi.
"Bakla, sayaw tayo!" yaya ni Vanessa kay Maxi. Ni hindi na niya hinintay ang sagot ng kaibigan. Hinila na niya ito sa dance floor at sumayaw. Di na rin tumanggi ang bakla.
Sobra niyang na miss ang night life. Mula kasi nang maging sila ni Jake ay lagi na lang itong nakadikit sa kanya at pinagbawalan na siyang gumimik. Ngayong nakatiyempo sila ni Maxi, sobrang saya niya.
"Nessa!" sigaw ng isang lalaki para maagaw ang atensyon niya. Malakas kasi ang tugtog sa bar. Tinignan niya ito. It's her friend Carl, isang news caster sa isang radio station ng Tagbilaran City. They hugged.
"Kumusta na?" tanong ni Carl. "Like before, wild and kicking!" pilyang sabi niya sabay tungga ng kamikaze. Bumalik kasi siya sa table nang dumating si Carl para makapag-usap sila ng maayos.
Bahagya naman itong napatawa sa sagot niya. "Eh ikaw?" balik-tanong niya rito. "Heto, na-eenjoy ko na rin ang pagiging news caster sa radio station namin," sagot nito. Ang lolo at lola kasi nito ang may-ari ng radio station. "So, balita ko may bago ka na namang boyfriend?" tanong nito. She smirked. "Yep!"
"Sino naman ang maswerteng lalaking yun?" tanong nito. Pero bago siya makasagot ay nahila na siya ni Maxi patayo.
"Bakla, tinawagan ako ni Jake! Uwi na tayo," halata sa boses nito ang takot na ikinakunot ng noo niya. Tapos bumulong ito sa kanya.
"Carl, I need to go," paalam niya at dali-daling umalis. Di na nga nakasagot si Carl.
Nang makalabas sila sa building ay nakita niya ang kotse ni Jake. Kinakabahan siya habang naglalakad palapit sa kotse nito. Sa front seat siya sumakay at sa back seat si Maxi.
"Langga," tawag ni Vanessa kay Jake nang makasakay sila. "Nasaan ba ang phone mo? Kanina pa kita tinatawagan pero di kita makontak?" galit niyang sabi sa girlfriend. "Langga, na drained na kasi ang battery ng phone ko," sagot niya. "Ba't di ka nagpaalam sa'kin?" tanong niya. "Bakit pa? Eh alam ko namang di mo ako papayagan! I miss my night life Jake," sagot nito. "Akala ko ba ok na tayo sa isyung yan? Akala ko ba titigil ka na sa pag-inom?" sumbat niya rito. "Pero Jake—"
"Alam mo namang ayaw ko sa mga babaeng umiinom tsaka di kasi magandang tignan sa isang babae ang umiinom!" sabi niya. "Di mo na lang sana ako niligawan! I am already like this when you met me. This is what I am!" galit na rin si Vanessa.