"You don't know what you have til it's gone, bullshit you knew, you just didn't care enough, to put forth the effort until it was too late"
-----------
"Wala na si Maze, patay na siya. Matagal ng patay ang anak mo!" siwalat ni Aling Nelia.
Para tuloy nawala sa ulirat si Manuel. Nanlambot din ang kanyang mga tuhod sa narinig. Nagbabadya na ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata.
"Nagsisingulang ka lang diba? Aling Nelia, alam kong galit ka din sa akin, pero wag naman ganito."
"Sana na nga iho nagsisinungaling lang ako, pero iyon ang totoo, dalawang taon nang patay si Maze" dahil doon ay lalo nang nagbagsakan ang mga luha sa mata niya. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"P-paano nangyari yon, Paano manang?" tanong niya sa matanda habang walang tigil na humahagulgol.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat, kung hindi mo sila iniwan nung araw na yon, kung hindi ka umalis ng gabi na yon, edi sana buhay pa ang anak mo!" paninisi ng matanda.
Natahimik si Manuel sa sinabi ng kasambahay. Gusto niyang magtanong kung paano ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil natatakot siyang marinig ang mga susunod.
"Nung pagkaalis na pagkaalis mo nang gabing yon, hinabol ka ng anak mo. Hinabol siya ni Trizia sa labas pero huli na ang lahat, nasagasaan ang anak mo nang isang kotse at pumailalim siya doon. Nadala pa siya sa hospital pero naideklara ng dead on arrival" pahayag ng matanda.
Lalong tumindi ang galit ni Manuel sa kanyang sarili, siya ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi lang sana siya nadala sa tukso at tawag ng laman ay hindi naman niya ito talaga kayang iwan. Hindi mawawala ang mahal niyang anak.
"Eh kay Trizia, dahil ba sa pagkamatay ng anak namin kaya siya nagkaganyan?" may halong kuryosidad na tanong niya. Kaylangan niyang malaman ang lahat.
"Sa totoo lang hindi! Isang buwan pagkamatay ni Maze ay kahit papaano ay unti-unti na siyang nakakabangon, palibhasa kasi ay iniisip niya na mayroon pa siyang karamay kahit sobrang sakit ng pagkawala ng anak niyo. Iniisip niya na may pag-asa pa para sa bata sa kanyang sinapupunan."
"What? Buntis siya noon?" di makapaniwalang tanong ni Manuel. Nabuhayan siya ng pag-asa pero nawala din iyon lahat sa mga sunod na tinuran ng matanda.
"Tama ka, buntis siya sa pangalawa mo noon. Pero isang insidente ang nangyari. Isang gabi habang natutulog ang asawa mo ay may tatlong magnanakaw ang nanloob sa bahay niyo, at dahil mag-isa na lang siyang naninirahan sa bahay na ito ay wala siyang naging laban. Pinagsamantalahan siya ng tatlong lalaki dahilan para malaglag ang bata na nasa kanyang sinapupunan." Nagulat siya sa sinabi ni Aling Nelia. Ngayon sobrang siyang nakokonsenysa sa sinapit nang kanyang mag-ina. Puno nang paghihinagpis ang dinulot niya sa kanila.
Tangina, ano bang kagaguhan ang nagawa ko? Tanong niya sa sarili
"Masaya ka na ba Manuel, na nahanap mo na ang kalayaan mo?" dagdag pa ng ginang. Lalo siyang kinain nang galit para sa sarili. Labis siyang nagsisisi sa kanyang maling desisyon.
Natahimik siya at napayuko nalang habang pinupunasan ng braso ang mga luhang walang sawang bumabagsak mula sa kanyang mga mata.
***If you like it, please click Vote***
BINABASA MO ANG
Melancholy of a Husband (Mini Series #1)
General Fiction"For married couples, the moment you decided to love someone else is the moment you destroyed your family" Nawala na nga ba ang iyong nararamdaman para sa iyong asawa? O naging mahina ka lang at nagpadala sa tukso at tawag ng laman? Maitatama pa ba...