Chapter 28 - Troubled Heart

1.6K 98 19
                                    

TRAYDOR ANG MGA ALAALA

- alone/together

Traydor din ang kahapon

Pati narin ang nakaraan...

Huwag mo'ng habulin ang ayaw magpahabol...

Wag mo'ng yakapin ang ayaw magpayakap...

Wag mag abang sa gabi kung saan lilingon ang mga bituin

Kung sakali man na di siya dumating...

Kung sakali di na umimik...

Kung sakaling ibang landas na ang tinahak

Tumayo at maglakad...

Magsimula ng bagong bukas...

Hilumin ang sugat,...

At ihanda ang puso...

Na umasa muli...

SANA SA MGA BITUIN.... PWEDENG IBULONG ANG NAIS NG PUSO....

xoxoxoxoxox


Seth Kyrie

Katatapos lang naming mag-almusal, it's Saturday at nataon naman na parehas ang day off namin ni Dio. Natulog nga siya sa unit ko at dahil parehas kaming pagod ay nag-cuddle nalang kami - like two spoons perfectly laid in the dish rack. Si Dio ang nagluto ng breakfast namin, kasi siya ang unang nagising dahil nag jogging pa siya. Ako nalang ang naghugas ng mga pinagkainan.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng journal na makakatulong sa research ko, hanggang ngayon ay di ko pa napapasa ang research brief na assignment ko kay Dr. Castañeda. Iniisip ko pa kung anong approach ang aking gagawin. Ikawalong araw na ngayon simula ng mamatay si Lee at dalawang beses palang akong bumibisita sa Chapel. Gaya nga ng pangako ni Carmi ay binigyan niya ito ng disenteng burol kung saan gabi gabi ay parang may gig doon.

8 days narin ang nakakalipas pero di pa namin natatapos ang surgery ni Reeva, nasa ICU parin siya at on close monitoring 24/7. Inanaral nga di Dio kung ano ang tamang approach para i-repair ang veins at aorta nito. Naalala ko nga ang sabi ni Doc Cedric noon, na parang universe na ang nagdikta na magkita sina Lee at Reeva.

Reeva is already big for her age and Lee's heart fits perfectly in her chest. And speaking of Dio, parang di ko ata siya naririnig. Nasa kusina ako at baka bumalik siya sa kama at natulog.

"Dio!" sigaw ko, pero walang sumagot.

"Dio!"

"Yes baby?" sigaw nito pabalik.

Tumayo nga ako at pinuntahan siya, as usual he's wearing his boxers only.

"What are you doing?" tanong ko dito. Nakatalikod siya sa akin at nasa harap ng vanity area.

"I'm watching some surgery videos, need to update my skills" sagot nito na nakangiti.

"Surgery Videos?" kunot noo kong tanong.

"Ahuh"

I looked at his crotch area, parang may nagcamping na doon at nagtayo ng tent. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang ipad.

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon