this story inspire of how much love is powerful to us that even we dont like our father or kinakahiya natin siya still they are always there to guide us. This is all about the love of our Father to us that we do not appreciate.
Hi..im Mhay actually i am a 4th year student i just want to share my very unforgetable experience with my father. Maybe nagtataka kayo kung bakit hindi ko talaga siya makalimutan actually may sakit siya dwarfism ata yun and ang kanyang katawan nag start ma dislocate yung paa niya kailangan pa niyang alalayan ng isa pa niyang balikong kamay para makapag lakad kung titingnan niyo siya masasabi niyong Awkward talaga ang sabi nga sa kaniya. "unano, monster" talagang ikinakakahiya ko siya ayaw ko talagang makasabay siya sa paglalakad kasi tinitingnan kami ng maraming tao.
Napapahiya ako palagi dahil sa kaniya, tinutukso na "ama niya unano" parang ang hirap ng buahy ko dahil sa kaniya, mabuti pa yung mga kaibigan ko si Cherry yung Ama niya, isang corporate Lawyer, Si Dan yung boyfriend ko ang Ama niya isang Businessman, At si Shella yung Ama niya isang Engineer. Palagi ko nga iniisip bakit ako nagkaroon ng Amang katulad Niya. Palagi kong dinadasal na sana yung Ama ko katulad ng Ama ni Cherry , o di kaya kay Dan, pwede ring kay Shella. haay hindi ko na kaya. Malapit na yung Graduation Ball ko next week na pala.
Isang gabi sinabihan ako ng Ama ko Siya raw ang mag eescort sa akin para akong pinaksakluban ng langit at lupa nagmamaktol akong puamsok sa kwarto ko at sumigaw "isang linggo nalgn at Graduation Ball ko na at sa iisang linggo graduation kona ayaw kong mapahiya, Sana mawala ka nalang sana, sana hindi kana pumunta"
Noong graduation Ball namin hindi ko talaga siya nakita. Sinundo na ako ni Dan noong pa alis na kami ng bahay hindi ko talaga nakita. Parang nakampante naman ako. Noong nakarating na kami sa venue noong umpisa masaya, pero noong kalagitnaan parang gusto kong matunaw o di kaya kainin ng lupa. Nakita ko ang Ama ko sumsayaw sa gitna ng Dance Floor kasama ang mga classmates ko...pumunta ako sa gilid at uminom ng juice lumapit bigla si Cherry sa akin at nag sabing "maswerte ka no?"
"huh, ako maswerte? saan?" me
"sa Ama mo, naalala ko pa noon noong pumunta ako sa bahay niyo at doon ako natulog kasi wala sila mama at papa tuwing gabi binabasahan niya tayo ng magandang kwento bago matolog pero yung Ama ko kahit ni isa hindi niya nagawa kasi palagi silang busy ni mama. Napakaswerte mo talaga, Sige Mhay punta lang ako sa kanila tinatawag na nila ako" cherry
Para akong kinagat ng ahas sa narinig ko, hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko, bigla naman dumating si Shella
"masaya talagang kasama ang ama mo Mhay" shella
"huh masaya? paano naging masaya yun?" me
"masaya talaga napakaswerte mo sa kaniya mhay kahit may kapansanan siya hindi siya nag kulang sa pagbabantay at pag-aalaga sa iyo, yung Ama ko palagi nalang wala dahil sa work niya, at kung hindi dahil sa kaniya hindi matutuloy itong Graduation Ball natin siya yung naghanap ng paraan parta matuloy ito. Napakaswerte mo talaga sa kaniya Mhay, at maraming salamat sa pag seshare mo sa kaniya sa amin ingtan mo siya ha? kasi nag-iisa lang siya.." shella
umalis agad siya pagkasabi niya, para akong timang sa gilid hindi ko alam kung ano dapat ang gawin ko. Lumapit sa akin ang boyfriend ko..
"ano masasabi mo sa kaniya?" me
"huh sino?" Dan
"yung Ama ko, ano masasabi mo sa kaniya?" me
"ah isa lang da BEST DAD, naalala mo pa noon noong naglalaro tayo ng inter-high frisbee palagi siyang nadoon sa bawat game natin, para ngang maiiyak siya noong nag audition siya para sa pagiging coach natin pero hindi siya nakuha yung Ama ni Kieth ang nakuha siguro kung hindi dahil sa kaniya hindi tayo mananalo yung Ama lang ni Kieth ang nandoon sa field at sumisigaw sa ating mga mali, pero yung Ama ko sinabihan ko siya na maglalaro tayo sa championship game kahit noong time nayun hiniling ko na sana dumating siya pero wala, yung Ama mo ang nagsabi sa akin na Fight lang ng fight kahit mahirap kasi mas masarap malasap mo ang tagumpay pag hinirapan mo talaga" Dan
By that time hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko, pero I decided to go home. sinabihan ko si Dan na umuwi na iniwan ko ang Ama ko doon sa party I think he is having a good time with my friends. Sa bahay nagisip-isip ako kung papano ko maitatama ang lahat ng pagkakamali ko.
After that Garduation day na namin hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para akong natatae sa kaba. noong tinawag na ako para magbigay ng speech tumayo ako then nagpunta sa podium bilang Valedictorian ng klase namin. Noong nakatayo na ako sa podium nakita ko ang aking Ama at Ina, si Ina hawak-hawak ang kamay ng aking Ama they look so Proud of me at nasabi ko sa sarili ko pinaghandaan ko ang araw na ito para sa sasabihin ko.
"ngayong araw nakatayo ako rito sa harapan ninyo lahat bilang honor student na may marka na 95% average. totoo nga ako ang nag top sa lahat in the past 3 years until now. Naipanalo ko ang lahat na mga academic competition sa iba-ibang paaralan at nabigyan rin ako ng isang scholarship kung saan maipagpatoloy ko yung pag-aaral ko sa kolehiyo. Kung ano ang sasabihin ko ngayon sa inyo co-graduates ay maraming salamat sa naging kaibigan ko, guro ko at si God. God is really GOOD all the time, maybe we cannot see His Wisdom but we need to believe His LOVe for Us, because He is the one who helped to face my daily challenges in life, but i figure out parang may kulang, akala ko yun lang ang papasalamatan ko ngayon hindi pala may isang tao pa pala ako na makakalimutan at hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag hindi ko siya mapapasalamatan ANG AKING AMA"
nakita ko sa itsura niya ang pagkabigla, tinawag ko siya at nagsabing samahan ako sa podium. nakita ko naman ulit yung pangit niyang paglalakad, at noong nasa tabi ko na siya nagpatuloy ako.
"sometimes nakikita natin yung panglabas na kaanyuan ng isang tao, at sa apat na taon nakikita ko parati ang panglabas na kaanyoan na iyon, for almost my entire life nakita ko ang AMA ko bilang isang tao na katawa-tawa, hinuhusgahan, someone to blame for my miserable life He gave me. He was not a Perfect Father like the Fathers my Friends have. My Fellow Classmates last few weeks i found out habang pinapangarap ko magkaroon ng AMA na katulad ng AMA ng kaklase ko Pinapapangarap din pala nila na magkaroon nga AMA na tulad ko."
tiningnan ko ang AMA ko.
"PA, I owe you a big Apology. Ang pagmamahal ko po sa inyo ay ibinase lang po nakin sa kung ano ang nakikita ko sa panlabas hindi sa kung ano ang naramdaman ko. Nakalimutan ko kung saang parte ang pinakamaganda na binigay ni PAPA GOD, yung malaking pagmamahal mo para sa amin, sa akin. As we move out of being a high school and into life, I want you to know hindi ako magkakaroon ng better na AMA bagkus ng isang AMANG masbetter pa sa hinahangad ko. THANK YOU PA" niyakap ko siya then sinabit ang parangal ko sa kaniya "ikaw po ang rason kung bakit ako nakatayo dito sa harpan nilang lahat. You deserves this Honor PA not me"
nakita ko nag lahat nkatayo at pumapalakpak sa amin habang umiiyak, niyakap ko ulit ang aking Ama at naramdaman ko yung feeling na contento at proud na siya nag naging ama ko, sa kauna-unahang pagkakataon I felt Honored to seen With HIM.
the End...:)