Chapter 5
Love
IRIS
Nakatayo sa harapan ng classroom ang Romance professor namin na tinatawag nilang Professor Paige. May mahabang buhok at mukhang kakagraduate lang sa college dahil maamo at bata pa tingnan ang kanyang mukha, slender ang kanyang katawan dala ng kanyang fitted office suit. Marami siguro mga lalaki na nagkakcrush sa kanya dahil sa kanyang ganda at hugis ng katawan.
May nakasulat na 'Love' sa gitna ng whiteboard. I stared at the cursive word of 'Love' in glossy black ink. A simple word that can steer a lot of emotions to people.
"Iba't-iba ang atin mga pananaw pagdating sa pag-ibig. May mga natutuwa, nasasaktan, o binabalewala ang salitang iyon. Kadalasan kung sino pa ang galit at lumalayo sa pag-ibig, sila pa ang matindi at wagas magmahal ng tao hanggang sa—" Natigilan ang diskusyon ni Professor Paige mula sa malakas na pagbukas ng pinto.
Agad kaming bumaling sa mga lalaki naglalakad sa pintuan. Ramdam ko ang tensyon sa katahimikan at napapansin ko na karamihan sa mga babae ay nagiging heart shape ang kanilang mata kung makatitig sa limang lalaki sa harapan namin.
"You're late, boys." Pumeywang si Professor Paige sa kanila.
"I'm sorry, ma'am, but your class about love is too boring." Sagot ni Miles sa kanya. Nagtawanan ang mga ito kasabay ng iba pang mga kalalakihan sa silid.
"If you think it's too boring, hindi naman kayo siguro aangal kapag binagsak ko kayo?" Tinaasan sila ng kilay ni Professor Paige.
"You can't do that. We're always on top of every class." Pagmamayabang ni Theodore sabay nakipag-apir sa kanyang kasama.
"Take your seat. Papalagpasin ko ang inyong pagiging late dahil alam kong nagpopokus kayo sa paglalaganap ng Anti-Club ninyo." Matigas na tugon ni Professor Paige.
"It's Anti-Love Society Writers." Pagtatama ni Brent sa kanya. "And your class won't last that long once we succeeded our plans."
Namutla ang mukha ni Professor Paige habang sinusundan namin ng tingin ang limang lalaki na naglalakad paupo sa likod ng silid. Kinuyom ko ang akin kamao at napansin kong nagtitimpi lang din ang mga kasama ko na awayin sila. Gusto kong tumayo at sigawan ang boys ngunit napansin kong nakatingin sa amin si Professor Paige, ayaw niya na magkagulo kami sa loob ng klase.
"They say love is found in mysterious ways," mataimtim akong nakinig sa kanya. "Everyone has their own perception what love is. We all think what we see is the truth but can we really tell that easily? Is it really an emotion? Do we see it as something else or from the stories we made?"
Nawala ako sa pokus nang mapansin kong nagbubulungan ang mga lalaki sa professor namin at halos kulang na lang ay maglaway ang mga ito. Maliban lang 'don sa lima na seriosong nakikinig sa diskusyon.
"Love can be so much more than our senses of the sight of our love ones that warms our heartbeats, the touch that speaks a thousand words hidden in every trail on your skin, the smell it leaves on your mind when you smell the flowers and it reminds you of its love, and the taste of love that isn't match to any flavor in the world."
I was wrong about her, about the professor. She's far from being stupid at all. I think she's the smartest teacher I had ever met in class.
I love to listen to Professor Paige's discussion, hindi lang dahil maganda pakinggan ang kanyang boses pero dahil na rin magaling siya magturo sa kanyang estudyante. Professor Paige doesn't teach by the book, wala nga siyang dalang textbook na ginagamit ng eskwelahan maliban lang sa iilan na mga romance books sa kanyang desk. She brings her own knowledge instead.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Подростковая литератураYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...