Chapter 6
Hopeless Romantic Club
IRIS
The human race are Hopeless Romantics.
It's the truth. Human beings survivability is a notion in which one must love life to continue existing. We are survivors of countless storms, tragedies, calamities, and oppression. Hopeless Romantics inside of us are sleeping in a lullaby created by society's song to stop ourselves from loving us and everyone else.
Hopeless Romantics' rebirth will overwhelm the expectations entrusted and pinned upon us by mankind's judgement.
Matapos ang klase namin sa buong period, magkasabay kaming naglakad ni Daisy patungo sa Hopeless Romantic Club. Sa likod ito ng gusali ng writer's quarters. May mga club rooms, music room, science laboratory sa third floor to sixth floor; library na nasasakop ang buong second floor; gymnasium, stadium, auditorium, and theater room sa first floor.
Kinailangan namin makadaan sa harap ng mga classrooms ng ibang mga genre dahil ang sabi ni Daisy sa akin ay mas malapit at mas mabilis kung dadaan kami sa kabilang side ng building.
Habang naglalakad kami, nasisilayan ko ang mga ibang estudyante sa bawat genre na lumalabas ng kani-kanilang mga classrooms. Nakakasalubong namin ang mga estudyante na nagmula sa Fantasy, Horror, GenFic, at Sci-Fi. Napansin ko na karamihan sa mga babae na lumabas ng classroom ay dumidiretso sa tapat ng nag-iisang classroom na may klase pa.
Nakipagsiksikan pa kami sa pagitan ng mga babae na nanunuod sa kung ano man nangyayari sa loob ng classroom na ito. May salamin naman ang mahabang bintana, hindi man naririnig ang ingay sa loob ng classroom, nakikita pa rin sila mula sa loob.
Nalaman ko na kung bakit nagtipon ang mga babae sa tapat ng Mystery classroom, dahil nandoon ang limang lider ng Anti-Love Society Writers na magkakatabi sa likod ng classroom at tila may sarili silang mundo na ginagawa at hindi nakikinig sa diskusyon ng kanilang professor.
"Ang gwapo talaga ni Miles!"
"I love you, Jax Alford!"
"Nicolas! Sayawan mo ako!"
"Theodore! Paturo naman ako!"
"Brent! Crush na crush kita!"
Napangiwi ako sa huli kong narinig. May nagkakacrush kay Brent? Sa ugali niyang 'yan patay na patay ang mga babae sa kanya? Bakit ganon ang mga babae dito sa Wattpad Academy?
Why do girls fall in love with jerks?
Uso ito sa mga Wattpad love stories na nababasa ko, tipong mga good girls falling in love to bad boys or jerks. Sino ba naman babae ang hindi mahuhumaling sa ganon tipong lalaki? A guy who would break all the rules just to be with you, a bad boy at day and a good man in front of his girl by night, a guy who seem to act cold but will be sweet in front of his lover.
The girl wanted to become the kind of hope where he will change for the better. At some point in our lives, we all wanted to be that girl. But it never works that way in real life.
I prefer kindness than hot jerks.
Nakangising lumingon si Theodore sa direksyon namin bago niya sinikuan si Brent na tumatawa sa kanyang tabi. Tinuro ako ni Theodore at bumaling sa akin direksyon si Brent.
Ngumisi si Brent sa akin. Sinimangutan ko lang siya. Panira ng araw, eh.
"Oh my gahd, si Theodore! Nakatingin sa atin!" Kinikilig na sambit ni Daisy. Hinila ko siya palayo sa tapat ng Mystery classroom bago pa siya mahalo sa mga fangirls nila patungo sa hagdanan papunta sa fourth floor.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Teen FictionYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...