Chapter 10
Loveless Generation
IRIS
We live in a Loveless Generation.
To love in this decade is another means of risking your own life, because it barely occurred to people that loving another person is allowing someone to hurt or love you simultaneously, and people can never really tell which one they would get by the end of the day.
To love a person will require a lot of courage and acceptance; when people love, they give away a part of themselves—a part of their time, thoughts, and love they share to another.
Sometimes, people couldn't distinguish between the one who values their own worth and the one who values their mistakes. The Loveless Generation keeps choosing the mistake.
Narinig kong may bumukas ng pinto at agad kong pinindot ang ekis sa akin browser para hindi ako mahuli na binabasa ang mga kwento ng Antis. Ilan oras na rin pala ako nagbabasa, hindi ko na namalayan na alas-sais na at malapit nang lumubog ang araw.
"Kanina ka pa nandito?" Tanong ni Daisy. Napansin ko na may dala itong paperbag bago niya nilapag ang ilan sandwiches, oreo, at mini-ice cream cup sa paanan ng kama ko. Agad akong napaupo at binuksan ang wrapping ng oreo at mini-ice cream para i-halo ito. Sa tagal ng akin pagbabasa, inabutan ako ng gutom, buti na lang may dalang pagkain si Daisy para sa akin.
"Para kapag nagutom ka, may makain ka." Sabi ni Daisy habang kumakagat ito ng waffle burger. "Kanina ka pa siguro nagsusulat ng kwento na ipapangtapat mo sa mga kalaban natin."
I made a fake smile, it made me look creepy and it ached my cheeks. "Oo... Nagugutom na rin ako... Salamat ah..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil wala pa akong nasisimulan at masyado akong naging busy kanina sa pagbabasa at paghahanga ng mga nagawang kwento ng Antis. I would rather not say anything.
"Pwede ko basahin ang gawa mo?" Nakangiting tanong ni Daisy at nakatingkayad ito para nakasilip siya sa gilid ng kama. Nakaramdam ako ng kaba, bumibilis ang pintig ng puso ko, pinilit kong maging kalmado sa harapan niya.
"Saan ka nakabili niyan?" Tinuro ko ang hawak ni Daisy na waffle burger, iniiwasan kong sagutin ang kanyang tanong.
"Sa may cafeteria. Hinahanap ka nga pala ni Baxter kanina. Napadaan sa klase ko." Sabi ni Daisy habang hinahaplos ang kanyang kulay brown na buhok, she was twirling it between her fingers. "Hindi ko masabi kung nasaan ka kasi natulala ako sa kanya... Grabe... Ang sobrang gwapo ni Baxter. Parehas silang binuhusan ng mapang-akit na mukha ni Brent. Sino kaya sa tingin mo mas gwapo sa kanila? Pero siyempre kay Theodore pa rin ako."
Mas pinili ko pang hindi na lang umimik pa. Nakakunot-noo lang ako na tinititigan si Daisy.
Kambal sila, Daisy. Mapagkukumpara mo pa ba 'yan?
Napabaling kami sa pinto nang may naririnig kaming sumisigaw mula sa kabilang panig nito. I heard a loud stampede from the other side of the door. What is going on out there?
Lumabas kami ni Daisy at nadatnan namin ang mga nakatalikod na mga kaschoolmates namin na nagtipon sa may railings. May naririnig kaming nagsasalita ngunit hindi ito nanggaling sa floor namin, sa ground floor ang pinagmulan ng malakas na boses.
"Ladies and gentlemen! Gather thee for thy important message!" Sigaw ni Miles habang hinahampas ang dalawang cymbal sa isa't-isa na may kaakibat na malakas at nakakairitang tunog, umaalingangaw ito sa buong student's quarters kaya nagsilapitan ang mga nasa gusali patungo sa railings sa bawat palapag ng gusali. Nakita namin ang mga lider ng Anti-Love Society Writers sa gitna ng courtyard nito.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Fiksi RemajaYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...