Chapter 25
Nanlumo ako sa sinabi ni Mom.K-Kaya ba nagso-sorry sya sa akin?B-Bakit?Bawal na ba akong magdesisyon sa s-sarili ko?
Nangangatog ang kamay kong pinatay ang tawag.Niyakap ko nang mahigpit si Lucas at paulit-ulit na hinalikan ang ulo nya.
"I love you,Lucas..."
♥♥♥
Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Lucas at kumuha ako ng papel at ballpen.
Dear Lucas,
First of all,thank you for staying and loving me.Alam mo bang sa dinami-dami ng lalaking lumalapit sa akin ikaw lang yung lalaking unang nakahalik sa akin?Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang lalaking minahal at nagpabilis ng tibok ng puso ko?
Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita pero hindi yata tayo para sa isa't isa...Pasensya na kung umalis ako sa tabi mo.Pasensya na dahil inawan kita...Hindi na ako magtataka kung isang araw kamuhian mo ako.
Sana mapatawad mo ako,Lucas...Dito ko na tinatapos ang kung anong ugnayan natin sa isa't isa...Mahal na mahal kita...
~Stacey
Nanginginig ang mga kamay kong inipit ang papel sa cellphone nya.Inayos ko na ang gamit ko.Pinunasan ko muna ang mga luhang umaagos sa mukha ko.
Mapait akong ngumiti kay Lucas at inilapat ang labi ko sa labi nya tsaka bumulong.
"I love you,my Babe."
♥♥♥
Nandito na ako sa labas ng gate ng bahay namin.Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako.Gustong-gusto ko syang balikan at sabihin kung gaano ko sya kamahal.
Ding,dong!
Hindi na ako nag-hintay pa dahil kaagad na binuksan ni Manong guard ang gate.
"Welcome back po,Ma'am."
Nakangiting bati nya sa akin.Palihim kong pinahid ang mga luha ko at pilit na ngumiti.
"Salamat po,Manong."
Sabi ko at nangangatog ang katawan kong kumatok sa pinto.Kakatawag ko lang kay Mom kanina at sabi nya makikita ko na daw ang lalaking papakasalan ko na matagal na pala nilang plano.Makikita at makikilala ko rin ngayon ang parents nya.
Bumungad sa akin ang Mom ko.Hindi ko napigilang umiyak.
"M-Mom,bakit hindi n-nyo agad sinabi na i-ipakakasal na ako?"
Mangiyak-ngiyak na tanong ko kay Mom.Bakit ngayon pa nila sinabi sa akin?Bakit ngayon pa nila sinabi sa akin kung kelan mahal ko na si Lucas?Na dapat boyfriend ko ngayon.
"I'm sorry,anak.Pumasok ka muna."
Malungkot na sabi nito at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto."K-Kailangan mo syang pakasalan dahil naibalita na kahati natin ang pamilyang Ramos sa company natin.At para hindi tayo bumagsak,kailangan mong pakasalan ang anak nila."
Paliwanag ni Mom na syang ikinasinghap ko."Bakit naman po naging kahati natin ang mga Ramos?"
Kunot-noong tanong ko at piunasan ang mukha ko.Sino naman ang pamilyang Ramos na yon?Imposible namang pamilya nila Ivan dahil hindi naman magkakilala ang mga pamilya namin.
"Noong isang buwan kang nawala,napadalas ang pagbisita nila dito at dahil maraming mga tsismoso't tsismosa,naibalita na kahati natin sila.Hindi naman nating pwedeng bawiin yon sa media dahil siguradong babagsak ang kompanya natin."
Sagot ni Mom na syang ikinanlumo ko.Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw akong pauwiin nila Lauren at Jake?Ito ba ang dahilan kung bakit hindi rin natuloy ang dinner namin?
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Boyfriend's Bestfriend
Teen Fiction(Alferez Series 1) Lucas Dwayne Alferez & Stacey Leila Flores Story Started Writting: Dec.20,2018 Finish Writting: Feb.6,2019 Written By:Shireroseee