Chapter 39

95 8 0
                                    

Chapter 39

Pink


DAISY

"Daisy, bumababa na ang iyong grade sa Literary Revision." Bungad ni Professor Shaina bago sa akin nang nakalabas na ng classroom ang mga first year kong kaklase. "Kapag nagpatuloy pa na bumaba ang grade mo, kakailanganin mo na ng tutor. I advise you to start looking now before I choose someone for you."

Napalunok ako sa bilin ng akin professor. "Ipagbubuti ko po ang akin pag-aaral."

"Good. Maghanap ka ng tutor mo ha?" Paalala muli ni Professor Shaina.

Tumango-tango ako. "Yes, ma'am!" Kumaway ako sa kanya bago tuluyan lumabas ng classroom.

Madali lang naman siguro maghanap ng tutor. Pwede kong makausap si Iris para matulungan ako sa pangfirst year ko ms subject.

Nabagsak ko ang first year na Revision subject at kinailangan kong ulitin ito sa second year para makahabol sa mga kaklase ko. Kapag nabagsak ko pa ito, mahuhuli lang ako lalo sa mga kaibigan ko, at may tsansa pa na hindi ko sila makakasabay grumaduate dahil lang sa isang bumagsak na subject.

Umulit ako dahil ito ang kahinaan ko, ang Revisions. Nagagawa kong magtype nang magtype kahit maraming mali-mali at pagkukulang sa sinusulat ko, pero ang hirap gawin ay linisin at ayusin ang ginawa kong mga kabanata.

Bakit mahirap? Dito ko nakikita lahat ng flaws at errors, dito ko nakikita ang katotohanan na hindi perpekto ang akin gawa, dito ko nakikita na hindi pala ganon kaganda ang akin sinusulat.

Mahirap lunukin ang realidad na kahit anong paghihirap mo sa isang gawa, hindi mo maiiwasan na magkamali sa iyong sinusulat.

---

Nakaharap ako sa akin desk na may kasamang makakapal na dictionary, thesaurus, at ang pinaka-importanteng sagot sa halos lahat ng mga tanong—ang Google mula sa laptop ko

Binuksan ko ang akin Wattpad account na nakapangalan na daisychain. Nagpasya akong mag-type ng panibagong update sa kwentong Blossoming Eyes.

Minsan hindi ko maiwasan na isipan na ako ang bidang babae sa sinusulat kong kwento, ang daming similarities sa sitwasyon namin, sa hitsura at ugali, at parehas pa ng love interest na unrequited mula sa isang gentleman womanizer.

Blossoming Eyes

Isang araw, nagising si Sunny at nagmahal siya ng lalaki na kahit kailan ay hindi maibabalik ang pagmamahal nito sa kanya. Nagconfess siya ng kanyang nararamdaman para sa binata, ngunit walang kasiguraduhan kung may tsansa ba siyang mamahalin din ng lalaki. Ngayon, isinugal niya ang kanyang puso upang ipakita ang kanyang blossoming eyes kung saan makikita ni Dore ang kanyang namumulak na puso.

Ang pinakamahirap sa lahat bilang isang manunulat ay ang pagsusulat mismo ng kwento.

Mula sa pagsusulat sa umpisa, gitna, at ang katapusan nito ay hindi ganon kadali katulad ng inaasahan ng iba. Siguro may mga mahuhusay na magsulat at sanay sa mabilis na daloy ng kanilang pagtatapos ng kwento, subalit para sa akin, isa itong malaking digmaan.

Pinag-aaralan ko nang mabuti ang mga dapat kong isama sa kwento at hihiwalay ang hindi kailangan, isang pagkakamali lang, isang maling spelling, grammar, punctuation, at pagkagamit ng salita, madalas ay naging puntiriya ng mga perfectionist sa Wattpad.

Maraming nagrereklamo na mga readers na puro mali-mali ang gawa ko, may pagkukulang, at higit sa lahat, pang amateur pa ang writing. What do they expect? Kakasimula ko pa lang na tahakin ang daan bilang isang manunulat.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon