Chapter 41

99 9 0
                                    

Chapter 41

It's a Secret


IRIS

"Girls!" Pagkuha ko sa kanilang atensyon. "Kailangan natin makaganti sa kanila dahil tinapunan nila tayo ng pintura!"

Nagpalitan ng tingin ang apat na may bakas ng pagtataka sa kanilang ekspresyon.

"Akala ko alam niyo na..." Napaupo ako sa harap ng table namin.

"Paano mo nalaman ito, Iris?" Tanong ni Wren habang may laman pa na pagkain ang kanyang bibig.

Inabot ko sa kanila ang ID ni Brent Williams. Tiningnan nila ito sabay binalik ulit sa akin.

"Napulot ko ang ID ni Brent pagkatapos niyang buhusan tayo ng pintura." Napakamot ako sa ulo habang nag-iisip nang malalim. "Siguro sa kakamadali niya, nahulog niya ang ID niya."

Naalala ko pa ang nangyari sa amin nang tinapunan kami ng pintura, galit na galit pa rin ako sa nangyari dahil nahirapan akong tanggalin ang pintura sa buhok at damit ko. Tuwing iniisip ko na si Brent at ang kanyang mga kasama ang may kasalanan nito, it just doesn't fit.

Paano na ang sinabi ng Antis na hindi sila nananakit o nangbubully ng ibang writers? Was it all a lie? Did they use it as another opportunity to humiliate us?

Ang nakakapagtaka sa akin kung ang intensyon ba ni Brent ay mabuking sila. Gusto ko lang naman panagutan ang ginawa ng Antis sa amin, makaganti man lang sa kanila dahil sa bawat laban nila, halos lagi nananalo ang Antis.

---

Matapos ng buong period namin, nagpasya ako na pumunta sa garden para makapagpahinga.

Nakahiga ako sa tabi ng magnolia tree habang nagsusulat sa kanyang notebook. Masyadong cliché na para sa kanya na magkwento sa kanyang diary tungkol sa nangyayari sa kanya sa buhay, kaya dito niya na lang binubuhos lahat ng kanyang mga ideya at kabanata ng kwento niya.

Dear Diary, sinulat ko sa isang blank page para mapagtripan lang ang sarili ko. Uso kasi sa Wattpad kaya nakikigaya na lang ako.

Ang pangit ni Brent Williams. Sa sobrang pangit niya, gusto ko siyang sakalin, dagdag ko pa.

May sinulat pa ako sa ilalim nito. Kung ano na lang pumasok sa isip ko, iyon na lang ang inuukit ko sa papel.

Pero kahit pangit ugali niya, may mga mabuting bagay siya na nagagawa para sa ibang tao.

Hindi ako bulag para hindi ko makita ang kabutihan niyang asal, katulad ng pagdepensa niya sa amin noong nabully ang kaklase namin, sa klase namin kapag may nahuhuli sa tinuturo ng professor parati siya naroon para tulungan sila, at may pagkakataon na nahuli ko siyang namimigay ng pagkain sa mga janitor at janitress ng campus.

Malayo man siya sa akin o hindi, nakikita ko lahat ng ginagawa niya dahil ako naman itong baliw na babae na tutok na tutok sa kanya. Palagi kong binabantayan ang bawat galaw niya. Hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa akin. Hindi ko kaya lumipas ang araw ko na hindi ko siya nakikita. Nangungulit lagi ang isipan ko na hanapin siya kapag wala siya sa iisang silid.

What is happening to me?

Ganito pala ang pakiramdam ng mga nagsusulat sa mga diary, binubuhos nila ang lahat ng gusto nilang aminin sa isang notebook, dahil ito lang ang may karapat-dapat makakarinig ng kanilang iniisip.

Kung may nakakaalam na iniisip ko si Brent Williams ngayon, baka mapagkamalan pa ako na may gusto sa mokong na 'yon.

Hinawakan ko ang ID ni Brent Williams sa pagitan ng akin kamay, pinagmasdan ko ang hitsura niya. Maputi at makinis ang kutis ng balat, slight smile lang sa ID picture, mahaba at magulo ang kanyang brown hair, at matangos ang ilong nito.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon