Chapter 48

108 9 0
                                    

Chapter 48

The Pain of Loving a Fictional Character


IRIS

Manliligaw?

Ngayon ko lang narinig ang salitang 'yan sa buong buhay ko na nanggagaling sa isang lalaki—nagmula pa kay Brent Williams. Halos buong high school hanggang college, nakatutok ako sa mga binabasa ko sa Wattpad kaya hindi ko na naatupag magkaroon ng crush o boyfriend. Ewan ko ba kung bakit mas kinikilig pa ako sa mga nababasa ko kaysa pagkaguluhan ang mga sikat na gwapo sa school namin. Pagdating kasi sa mundo ng Wattpad, nagagawa ka nitong pasayahin kahit nagbabasa ka lang ng mga salita.

Nakatitig lang kami kay Brent na namumula ang buong mukha at tainga nito. Pakiramdam ko nasa loob lang din ako ng Wattpad story dahil sa nangyayari sa amin ngayon. Ang kaaway ko na naging manliligaw ko na ngayon? Serioso ba talaga si Brent Williams? 

"B-Brent, liligawan mo si Iris?" Hindi makapaniwalang tanong ng kasama niya.

"Manahimik lang kayo diyan!" Singhal ni Brent.

Hinila ni Brent ang braso ko palayo sa kanila (at mas lalo na kay Baxter). Hinayaan ko lang na hilahin niya ako kung saan man niya ako dadalhin habang pinagmamasdan ko ang kanyang likod, ang makisig niyang braso na may naka-umbok na mga ugat, at ang kamay niya na nakahawak sa akin palad bago niya binuhol ang mahahabang puting daliri sa pagitan ng daliri ko.

Magkahawak-kamay kami. Ngayon lang ito ginawa ni Brent sa akin.

Huminto kami sa harap ng magnolia tree na pinag-aagawan namin ng pwesto. Bumibilis ang pintig ng akin puso dahil sa kanyang presensya at sa kamay namin. Napatitig siya sa kamay namin hanggang sa binitwan niya ako.

Napakuyom ako para pakiramdaman ang sensasyon ng kamay niya sa palad ko.

"Anong ginagawa natin dito, Brent?" Nagtataka kong tanong ko. Nagulat ako nang makita ko si Brent na namumula ang kanyang mukha pagkaharap nito sa akin.

"Bakit nagpapaligaw ka sa kapatid ko?" Serisong tanong ni Brent. "May gusto ka ba kay Baxter?"

Napalunok ako sa kanyang mga sunod-sunod na tanong. "Uhm... Brent..." Ngayon lang ako naging speechless sa harapan niya. Ano bang maisasagot ko sa kanya?

May boyfriend na ako at ang pangalan nito ay si Aristophanes Splendor also known as Aris, isang fictional character na nagmula sa kwento ni brilliancywave, a fictional boy that any girl wouldn't resist to love, a fictional boy I had loved and adored.

It's not just one boy, there are infinite boys in a fictional world I kept falling in love with.

Gusto kong pakasalan ang mga crushes ko sa bawat Wattpad stories na akin nababasa, kahit gaano pa sila kadami, kahit ano pa ang pinagkaiba nila, basta sa akin lang sila mapupunta sa huli, masaya na ako.

But everyone knows that never comes true.

Bakit?! Bakit ba hindi sila nagiging totoo?!

"Iris." Ginugulo ni Brent ang buhok ko bago siya diretsong humarap sa mata ko. "May crush ka ba?"

"Madami." Nagtiim ang panga ni Brent sa naging sagot ko. Sumerioso ang pagkatitig niya sa akin.

"Sino?" Naging malamig ang tono ng boses ni Brent.

Inangat ko ang akin kamay para bilangin ito. "Aristophanes Splendor, Eroth Splendor, Farozan Splendor, Sweet December—"

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon