Chapter 49
National Bookstore
IRIS
Natutulala na lang ako sa monitor ng screen habang binabalik-balikan ang mga sinabi sa akin ni Brent na nanggugulo ng buong sistema at puso ko. Pakiramdam ko natutunaw na ako sa sobrang init ng mukha ko. Grabe ang epekto ni Brent sa mga salita niya. Nagwawala ang puso ko dahil sa kanya.
Siyempre, hindi ako maniniwala sa mga sinasabi niya! Liligawan niya ako? Alam kong isa lang ito sa mga plano nila para patumbahin ang mga Romance writers! Kaya hindi ko hahayaan na magpapadalos-dalos sa nararamdaman ko! Hindi ako pwede magpauto sa mga salita niya!
Napabuntong-hininga ako at umiling-iling para itaboy ang ala-ala na iyon sa isipan ko para makapagpokus lang sa sinusulat ko na kwento. Mas importante pa ito. Kailangan dito lang ako nakapokus.
I finally updated a few chapters to my story. It was my first story and it already has the weight of my heartbeats, carrying hundreds of Romance writers to triumph and freedom. Each count of beats and the words I carved mattered more than the contest itself.
My voice must be heard or I had failed to be a writer of my own.
My failure will drag every present and future Romance writer in Wattpad Academy down with me, sinking at the bottom of the pit and disappear out of nowhere.
I won't ever let that happen. Not while I'm here.
Your Hopes and Dreams. Can a story really change someone for the better?
Lumingon ako sa madilim na paligid sa loob ng dorm room, nakaupo ako mag-isa sa tapat ngdesk, nakatutok ang laptop sa harapan ko, sumisinag ang liwanag ng buwan mula sa bintana.
This is the path of a writer—it is a lonely journey filled with vivid and lively wonders, the weaving of strings of emotions connecting to their hearts, and creating a whole new life.
A writer has infinite worlds brimming with infinite possibilities all at once.
Nakatuon ako sa Wattpad profile ko habang nirerefresh ang akin page. Hindi pa rin nagbabago ang akin number of reads at ranko sa Battle of Words. Ako pa rin ang nasa pinakahuli na ranko.
Nakita ko ang mga pangalan ng apat na Wattpad Girls ay dahan-dahan umaangat. Ang mga pangalan ng Antis naman ay nawala sa top five, subalit mukhang makakabalik ulit sila mataas nilang ranko dahil dumadagdag ang bilang ng kanilang reads at votes sa bawat minuto na lumilipas.
Humiga ako sa akin kama habang nakatitig sa kisame na punong-puno ng mga litrato ng mga nabasa kong Wattpad books. May heart shapes ang stories ni brilliancywave dahil siya ang pinakapaborito kong Wattpad writer sa lahat.
I'm part of her fandom called Brilliance, a group of readers still attached to the world of brilliancywave, the world she had made for us.
"Someday," untag ko sa akin sarili habang pinagmamasdan ang bawat makukulay na litrato. "I will have my own book. Hopefully." Hinaplos ko ang bakante sa gitna ng mga nagkukumpulan na mga litrato, where my book will be placed.
"Maybe, I'll finally meet you, Ate brilliancywave." Ngumiti ako sa kawalan. "Whoever you are, I'm dying to meet you."
Bumaling ako sa gilid ng kama at nakita ko si Daisy na kakapasok lang sa amin dorm room.
"Iris!" Hingal na hingal si Daisy habang nakakapit sa kanyang tuhod. "Pwede ba kita maging tutor?"
"Tutor saan?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Teen FictionYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...