Chapter 51

134 7 0
                                    

Chapter 51

Her Tutor


DAISY

Kinaumagahan ay hindi naging maganda ang bati sa akin ng morning session dahil ito na naman ang panibagong araw na makikita ko si Theodore Shaw Franklin, ang lalaking ni-reject ko, ang lalaking nagpawasak ng akin puso.

Mula sa pagsusulat ko ng draft, sa pakikinig ng mga diskusyon, sa simpleng mga gawain bagay na akin ginagawa sa pang araw-araw ay kusang sumusulpot si Theodore sa akin isipan. Kahit saan ako pumunta at magtago, hindi ko matatakasan ang nararamdaman ko para kay Theodore.

Gustuhin ko man o hindi, mahirap takasan ang nararamdaman ko at ang mga natitira sa akin damdamin para kay Theodore. Hindi ganon kadali para sa akin ang magmove-on. Madaling sabihin pero mahirap gawin.

Why can't I escape my feelings for Theodore? Nakatatak na ba siya sa puso ko habang-buhay?

"Daisy!" Agad akong napatingala sa tumawag sa akin.

Tinuwid ko ang akin pagkakaupo nang nagising ako mula sa akin tuliro. Nasa klase ako ngayon ng Literature Revisions I, ang first year kong subject na nabagsak ko nakaraan semester. Nakaharap si Professor Shaina na nakahalukipkip sa akin habang may hawak itong tutor form. Binaba niya ito sa ibabaw ng desk ko.

"You're not allowed to choose Iris Euphony Peregrin as your tutor." Sabi ni Professor Shaina. "Bawal ang magkakalapit na kaibigan ang magkasama, Ms. Miller."

"Pero ma'am—" Bago ko pa matapos ang akin sasabihin, sa pag-angat ng kamay ni Professor Shaina ay tinikom ko na ang akin bibig.

"Wala ka pa rin nahahanap hanggang ngayon?"

"Wala po..."

"Then I will have to choose someone for you." Naghalukipkip si Professor Shaina at seriosong nakatingin sa akin. "Go see Mr. Theodore Shaw Franklin. Siguro magkakilala naman kayo, 'di ba?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang pinipilit na tumango-tango. "O-Opo, ma'am..."

"Good. Kausapin mo na siya ngayon din at magsimula na kayo sa tutor ninyo. Kapag hindi siya pumayag, pilitin mo lang siya." Utos niya habang naka-angat ang kilay niya sa akin. Tinatago ko ang halong inis at nerbyos sa akin ekspresyon na may pag-alinlangan sa akin ngiti. Bakit si Theodore pa?

"Pero ma'am—" Hindi ko na natapos ang akin sasabihin nang inunahan na ako ni Professor Shaina.

"No, Daisy. Bumabagsak ka na sa iyong subject. Ito lang ang makakatulong sa'yo para makapasa ka at makasabay sa iyong classmates." Dahan-dahan lumapit si Professor Shaina na nakasimangot. "Ayaw mo naman ulit-ulitin itong subject, hindi ba? Ayusin mo na ngayon din."

"Pwede po ba sa iba na lang ako magpatutor?" Pagpupumilit ko. Hindi ko kakayanin kapag si Theodore ang naging tutor ko.

"Wala kang karapatan tanggihan ito dahil ang grade mo na ang pinag-uusapan." Suway sa akin ni Professor Shaina habang umiiling-iling ito. "Si Theodore ang pinakamagaling na naging estudyante ko sa revisions kaya siya ang in-assign kong magtuturo sa'yo."

Huminga ako nang malalim at naubusan ng gana tapusin ang araw dahil kailangan ko pang puntahan si Theodore.

"Remember your schedule! Every Tuesday and Friday at six!" Untag ni Professor Shaina.

Tumango-tango lang ako bago ako lumabas ng classroom. Naramdaman ko ang pagharentado ng akin puso sa dibdib ko. The thought of seeing Theodore is already making my knees feel weak.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon